Ahhhhhhhhhhhhhhhh ang inet naman.
Kung anu ang nilamig nung pasko, ang tinindi naman ng init ngaun. At sa totoo lang, hanggang saan ba tong lintik na kalye na to? Kanina pa ako naglalakad. At bakit.. parang may na aamoy akong.. tubig?
Maya maya, may tulay sa unahan at may ilog sa mababaw na bangin. Nakakahiya kaming mga nasa syudad, mas malinis pa ata itong ilog na ito kesa sa iniinom naming tubig. Kitang kita na yung sahig ng ilog kahit nasa malayo pa.
Ng malapitan ko ang tulay, sa hindi kalayuang parte ng ilog, may naglalaba. Ang haba ng buhok nya, itim na itim, at kumikinang sa liwanag
Ang mistisa ng tindig nya, parang kasing linis ng agos ang kutis niya. Napagpasyahan kong bumaba at tignan siya ng masmalapit.
Para akong asong pasulyap sulyap na hindi mapakali. Dahan dahan akong lumapit at yumuko sa mga batong malalaki sa paligid ng ilog.
Ng bigla syang tumayo at tinali ang buhok nya, sabay binaba niya mula sa balikat ang isang string ng kanyang suot na daster
"Shiiiiiiiiiit!!" Bulong ko sa sarili.
Pinagpapawisan ng malamig sa eksenang nagaganap sa harap ko. Bumilis ang kabig ng dibdib.
Di nagtagal, ibinaba narin niya ang isa pang string sa kabilang braso, at paunti unting nahuhulog ang suot niya.
Nasinag ako ng kanyang katawang kumikinang na mistulang anghel na bumaba sa langit.
At biglang nawala ang imaheng iyon sa isang malakas na busina...
"Punyeta! Liliko walang signal!" Pasigaw na sabi ng nanay kong si Sonya.
"Hahahaha!!" Tawa ng tatay kong si Teo na walang paki sa mundo.
Punyeta nga naman, nananaginip lang pala ako. Kaya pala ang init, nakatapat akong natutulog sa sinag ng tanghaling tapat, sabay biglang preno ang sasakyan namin at naumpog pa nga ako sa bintana.
"Hala! Kawawa naman yung bintana" biro ng kapatid kong si Sierra
"Paki-abot nga nung bag ko" sagot kong naiirita. At bigla ko siyang tinulak habang inaabot ang bag ko at nasubsob siya sa mga gamit namin.
"Hala! Kawawa naman yung mga gamit" patawa kong niloko kapatid ko. Sabay hinagis nya sa muka ko yung bag at hinahampas hampas ako
"Hayup ka!! Panget!!" Ang gigil ni Sierra
At dito nagsisimula ang aking talambuhay. Ako si Tear Egan, bente anyos, single, musikero, maraming bisyo, maraming gusto, at pang dayuhan ang galawan. Andito kaming magbabakasyon muli sa probinsya para daluhin ang fiesta taon taon.
Nasa remote na area ang barrio namin, kabundukan na halos ang paligid. Nasa kalagitnaan pa kami ng summer, kaya grabe yung init at lintik din yung lamig pag gabi. Pero kahit papaano sariwa ang hangin, puro damo, at puno ng niyog ang nasa paligid.
Lumipas ang halos 12 oras, narating na namin ang bahay. Madaling araw palang ng 3am umalis na kami sa Maynila, at nakarating na mejo nababa na ang araw dahil quarter to 3pm na.
"Ano ganyan na lang ba tayo, baka gusto mo kameng tulungan mag diskarga" sabi ng Nanay
"Heto na nga oh" Sabi ko habang nag-uunat ako at pabagal bagal ng kilos
"Pagod na ako sa byahe ikaw na muna bahala sa mga mabibigat jan. Itong nanay mo kase kala mo lipat bahay lage kung magdala ng gamit." Banat ng tatay.
"Mabuti na ang sigurado kesa yung maghahagulgol tayo kakahanap sa mga kulang."
Umiiling nalang si papa habang pangisi-ngising pumapasok sa loob bahay.

BINABASA MO ANG
Red String Theory
RomansaThis story follows Tear Egan and the band's backstage shenanigans turned soul searching. Through joy and misery, loyalty and betrayal, fate and destiny, whether or not its the right time and place. The epitome of our existence, woven and clad eterna...