Hindi ako makatulog. Gising na gising parin dugo ko lalo na pag naaalala ko yung mga pangyayareng yon. Hindi ko akalain na may manyayari samin ni Loree. Asarang nauwi sa makabuluhang eksena. Mejo maingay na sa labas, maliwag na ang paligid. Sa bahay nalang siguro ako matutulog. Ligo ko nalang muna to, mejo nangangate ako sa damuhang hinigaan namin.
Tulog na tulog parin si Sierra nakanganga pa. Walangyang babae to kung nakikita lang niya itsura niya ngaun. Para siyang palakang nasagasaan.
Pumunta ako sa kabilang kwarto para kumuha ng gamit. Ayos din tong unggoy na to, ang laki ng ngiti habang natutulog. Mukang nakascore ata to kagabi. Swerte nito kay Janis, ang wild siguro non.
Bumaba na ako pagtapos kong kumuha ng mga damit at towel, as usual maagang bumabangon si mama para maghain ng almusal. Routine niya na to kahit saan siya mapunta.
"Oh, natulog ka ba niyan?" sabi ni mama
"Oo, sakto lang"
"May tao jan sa banyo, intayin mo nalang tong almusal muna"
"Sige labas lang ako"
Pumunta na muna ako sa tindahan, kinamusta ako ni nanay. Ni libre na ako nito ng kape habang sumindi ako ng yosi. Alam niya kasi uminom kami magdamag, kala ata niya may amats pa ako. Ni hindi ako nakaramdam ng hangover, sarap ng gabi ko eh. Ibang ulo ang nakaramdam ng sakit eh. Takteng bitin ako, pero pwede narin.
Maya maya, lumabas na rin si Nash. Hinahanap ata ako, paikot ikot siya sa may labas ng bahay.
"Unggoy!" sigaw ko
"Oy monkey!"
Tumabi siya sakin at nakisindi ng yosi. Binigyan rin ito ni nanay ng kape habang niloloko loko kame. Parang kapamilya na namin to si nanay, mas matanda pa silang nakatira na dito sa Porok 2 kesa kay nila tito Noah. Ang alam ko nga eh etong si nanay ang saksi kung pano nagsimula at nabuo itong pamilya nila tito Noah. Mukang siya na rin ata ang magiging saksi ng storya namin ni Loree.
"Ano tol? Nakadale ka?" tanong ni Nash habang pangisi ngisi
"La tol. Tamang kirot lang"
"Bwahahahaha!! Nako tol, humihina ka na ata ah?"
"Tanga hinde, respeto ko lang talaga para kay Loree"
"BWAHAHAHA!! Naririneg mo ba sarili mo?!"
Punyeta to. Oo nagdadahilan lang ako. Na utal ako nung mga oras na yon ewan ko ba bakit. Alam niya kasi na sa maynila, matinik ako sa mga ganyan. At lalong lumakas tawa niya ng ipaalala niya sakin na gantong ganto rin yung eksena namin nung siya naman ang na-utal kay Jeane.
Si Jeane yung isa naming tropa na lumuwas na sa maynila para mag aral, first love ni Nash. Ang alam ko maalat ang naging paalam nila, dahil biglaan itong umalis ng probinsya. Hindi naman sila magsyota nung mga panahon na yon, bata pa kami nun. Tamang puppy love lang.
Tawang tawa siya kasi ganyan na ganyan din yung sinabi niya saken nung tinanong ko siya bakit ayaw niya makipag kita kay Jeane nung paalis na. Hindi daw niya matanggap yon, pero ang nakakatawa eh parang may plinano si Jeane para kay Nash na magkita silang dalawa magisa at ang usapan eh gusto ni Jeane na ang first kiss niya si Nash.
Nanghinaan siya ng loob at mas piniling mag mukmok sa kanyang kwarto, hanggang sa tuluyan ng umalis si Jeane at hindi na sila muli nagkita pa. Pinagtawanan namin siya nila Owen at Boni. Panalo na naging bato pa.
"Kamusta na kaya si Jeane?" sabi ko
"Wala eh. Ni hindi ma search sa facebook, sinubukan din namin na puntahan ang bahay nila pero Iba na ang nakatira."

BINABASA MO ANG
Red String Theory
RomanceThis story follows Tear Egan and the band's backstage shenanigans turned soul searching. Through joy and misery, loyalty and betrayal, fate and destiny, whether or not its the right time and place. The epitome of our existence, woven and clad eterna...