Chapter 5

21 5 0
                                        

♫ Sa hindi inaasahang ♫

♫ Pagtatagpo ng mga mundo ♫

Shet. Hindi ko feel to. Kaines kasi bakit napasok pa si Odessa dito.

"Sierra, sayo na muna"

Pinilit ko kay Sierra ang mic, kinuha ito ni Koni. Hindi narin sila masyado umaalma mga may amats narin kasi sila.

"Ayy. Feel ko na eh. Bat mo pinasa?" tanong ni loree

"Mejo namamalat lang ako, kanina pa ako kumakanta tas nasasabayan pa ng hard"

"Hmmm? Nasusuka ka na no? Hehe"

"Hinde ah. Parang napapaaos na kase ako"

"Wawa naman ang luha ko"

Sabay hinaplos niya buhok ko na para bang bata. Tinignan ko siya, tas nginitian niya ako. Nakakawala ng amats yung muka niya. Hindi nakakasawang kagandahan. Parang gusto ko na ituloy yung kanta.

Pero ewan ko ba. Hindi ko alam pero nawalan ako ng gana. Oo kakaiba si Odessa at parang tila hulog ng langit ang pagpasok niya sa kabanata ng buhay ko. I have this day dreamer side, na matagal ko ng paulet-ulet na pinaplay sa utak ko. Na balang araw, may makikilala ako na mangangatog talaga ang bawat kanto ng pagkatao ko.

Pero sa ngaun, sa mga oras na ito, may partikular na parte sa katawan ko ang nangangatog na talaga.

"Ter?" sabi ni Loree

"Lor?"

"Giniginaw ako. Hug mo naman ako"

Bumitaw siya sa braso ko at inakap ko ang tagilirin niya. Parang bote ng coke katawan ni loree, sapong sapo ng braso ko buong tiyan niya. Sumandal siya sa may dibdib ko at yumakap sakin na para bang batang gusto matulog.

"Ang sarap naman dito, pwede bang dito nalang ako habang buhay?" sabay ngisi si Loree

"Okay ka lang? Eh matagal ka na kayang anjan sa puso ko"

"CHE! Kainis ka!"

Sabay binugbog nanaman ako ni Loree sa kilig. Nakarami na kami ng alak, mejo lumalalim narin ang gabi. Halatang may mga amats na ang loko, kanya kanya na silang mga trip at hindi na kami inaasar ni Loree. Lalo na ngaun na halos maglampungan na kami dito.

"H-Hoy! Yan haaa" sabay tinapik ni Loree ang kamay ko sa hita niya.

"Ay! Sorry nadulas"

"Galing ah? Clap clap"

"Hinde nga kase! Mejo may amats lang ako"

"Edi manyak lang datingan ano?"

"Hindi rin. Patunay lang yan na lalake talaga ako, naaakit lang ako sa tindig mong pambihira"

Totoo rin kasi. Hindi ko talaga alam na andun na kamay ko. Hindi naman ako kasing tindi maginom ng mga ito. Sila Nash at ang tropa buhay na buhay paren, etong si Sierra parang zombie na. Inaalalayan nalang ni Koni.

"BURGGGHH!" biglang nasuka si Sierra

"A-Ate Sierra! Hala ka!"

"Mejo buo pa yung meatballs ah. Nguya nguya din ah?" sabi ni Nash

"Bwahahaha!!" Tawanan ang lahat.

Kumalas ako kay Loree at pinuntahan agad si Sierra. Pinainom ko ito ng tubig at pinaupo muna.

"Okay lang ako! Shoo!" sabi saken ni Sierra

"Sapakin kaya kita para matuluyan ka na"

Red String TheoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon