STAGE 1: DENIAL
Denial is the first of the five stages of grief. The first reaction to learning of terminal illness or death of a cherished loved one is to deny the reality of the situation. It is a normal reaction to rationalize overwhelming emotions. It is a defense mechanism that buffers the immediate shock. We block out the words and hide from the facts. This is a temporary response that carries us through the first wave of pain.
MARK JASON R. CRUZ
Rest in Peace
March 1, 1982 - October 19, 2015
You will forever remain in our hearts.Tulala. Nakatingin sa kalangitan. Umiiyak. Tulala ulit. Makulimlim ang kalangitan, tila nagbabadya ang isang malakas na ulan. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtatagal dito sa harapan ng puntod ni Mark. Gusto ko lang siya makasama. Gusto ko siyang mayakap at maramdaman muli. Gusto kong sabihin na mahal ko siya at na hindi ako bibitaw. Na buhay pa siya at lahat ng ito ay isang mapait na panaginip lamang. Andito pa siya. Andito lang siya sa lugar na ito. Hindi ako aalis sa lugar na ito dahil damang-dama ko siya at ang pagmamahal niya sa lugar na ito.
Parang kahapon lang ng magkasama pa kami at nagtatawanan sa aming sasakyan. Parang kahapon lang ng lumuhod siya sa aking harapan at sa harap ng lahat ng taong nagmamahal sa amin ng hingin niya ang aking kamay sa kasal. Ano na ba ang nangyari at bakit ngayon ay wala na siya?
Hindi ko maalala kung kailan ang huling beses na ako ay mag-isa. Sa limang taon naming nagsama ni Mark, kulang nalang sa amin ay kasal. Lahat ng major life events and decisions sa buhay ko, kasama ko siya. Kaagapay ko siya. Hindi ko maisip kung paano ako mabubuhay ng wala siya.
"Sara, dumidilim na. Kailangan na natin umalis. Uulan na."
Hinawakan ako ng aking ina sa aking balikat at naramdaman ko ang init ng kanyang mga palad. Gusto kong umiyak muli at sumigaw sa walang katao-taong sementeryo na bakit sa lahat ng tao ay ang mahal ko pa ang kinuha Niya?
"Ma, sana kinuha nalang din Niya ako. Hindi ko na ata kaya."
Umiiyak ako habang nakahiga at tila nakayakap sa puntod ni Mark. Hindi ko alam kung hanggang kailan magiging ganitong kabigat ang dibdib ko. Sobrang sakit. Sa sobrang sakit hindi na ko makahinga.
"Anak, may dahilan kung bakit ka andito pa. Mahal na mahal ka ni Mark. At ayaw niya makitang nagkakaganyan ka. Tahan na. Tahan na, anak ko."
Umiiyak narin ang aking ina. Alam kong kung may nasasaktan ng higit sa sakit na nararamdaman ko, siya iyon. Mahal na mahal niya ko at alam kong nahihirapan siya kapag nakikita niya kong nagkakaganito.
Yumapos ako sa aking ina, habang nakaupo kami sa harap ng puntod ni Mark. Umiyak ako ng umiyak hanggang wala na kong luhang mailuha pa.
I know there won't be an easy way out of this grief and sadness. I know it will take me a lot of time to move on. And I know that moving on from this kind of heartache is worse than any kind of pain anyone could ever feel.
Ang hirap maiwan ng hindi ka pa handa. Pero kailan ka nga ba magiging handa? Pinaghahandaan ba ang mga ganitong bagay? Bakit 'di mo sinabi sakin na iiwan mo din ako edi sana hindi nalang kita minahal ng ganito.
Galit na galit ako sa'yo ngayon. Parang wala na kong alam na gawin sa mga oras na ito kundi ang umiyak ng umiyak. Alam kong hindi ito ang gusto mo para sa'kin Mark. Pero napaka-fresh pa ng pagkawala mo. Hindi pa kita kayang pakawalan.
I am not yet ready to let you go, my love.
Not this time. Wag muna sa ngayon. Hayaan mo muna akong maramdaman ang paulit-ulit na sakit hanggang sa mapagod ako at mapalaya na kita.
Sa gitna ng aming katahimikan at pagluha ay bumagsak na nga ang napakalakas na ulan.