Chapter 26: Is this the end of everything?

636 21 5
                                    

Sa Bodega..

"Wag mo ng aksayahin ang pagod mo jan, Shirley. Makawala ka man sa tali ng nakatali sa'yo mahuhuli ka pa rin namin."si Alexa

"Ano ba talagang kasalanan ko sa inyo? Ano bang napakalaking kasalanan ko!?"si Shirley

"Nakalimutan mo na ba? Na kayo ang dahilan kung bakit nakulong ako, kung bakit ako nabulok don!"si Cholo

"Kasalanan ba namin na nahulihan kang gumagamit ng pinagbabawal na gamot? Ha!"si Shirley

"E hindi naman nila malalaman yon kung hindi kayo nagsumbong diba? Alam mo yang barkada mo talaga kahit kailan mga bwisit e! Lalo na yang Benjamin Jalbuena at Drake Lagdameo na yan!"si Cholo

"Oh kailangan ko pa bang sabihin sa'yo ang dahilan kung bakit kita ginaganito?"si Alexa

"Kung talagang mahal mo si Drake hahayaan mo siyang maging masaya. Hindi ka magpapaka-desperada!"si Shirley

"Yes! I'm desperate! Naging ganito lang naman ako nung inagaw mo sakin si Drake e! NUng hindi ka pa bumabalik from States masaya kami, tahimik ang buhay namin! Pero malas ko kasi bumalik ka pa!"si Alexa

"Hindi ko naman talaga intensyon na sirain kayo e! Alexa naman nagkataon lang na mahal pa rin namin ni Drake ang isa't isa!"si Shirley

"Come on Shirley! Pinlano mo ang lahat ng 'to! Well sorry dahil bago ako makulong ikukulong muna kita sa miserableng buhay ko!"si Alexa

"I'm sorry Alexa. Minahal ko lang naman si Drake e. Mahal na mahal."si Shirley

"You know what Shirley, I trusted you! Nagtiwala ako sa'yo na hindi mo ako tatraydorin! Pero anong ginawa mo? Inagaw mo pa rin sakin si Drake!!"si Alexa

Muling iniwan ni Alexa at Cholo si Shirley sa isang kwarto. At sila naman ay nag stay sa labas. Mayamaya pa ay dumating na sila Drake nang makita ni Drake ang bintana sa kwarto kung saan naroon si Shirley ay agad niya itong pinuntahan..

"Shirley!"si Drake

"Drake, anong ginagawa niyo dito? Umalis na kayo! Sigurado akong hindi na kayo palalabasin ng buhay nung dalawang yun!"si Shirley

"Nandito kami para pagbayarin si Alexa sa ginawa niya kay Louise. Nandito rin kami para iligtas ka dahil magkakaibigan tayo."si Alden

"Nasaan sila?"si Benj

"Nasa labas sila, pero mag-iingat kayo may baril si Alexa at Cholo. Wag kayo maingay baka marinig niya tayo."si Shirley

"May mga kasamahan ba sila? O silang dalawa lang?"si Joshua

"Limang lalaki yung nasa labas, tapos si Cholo at si Alexa na mag-iingat kayo baka mabaril kayo nung mga yon."si Shirley

"Mga bro kailangan natin iligtas si Shirley nang walang masasaktan. Pero sa tingin ko kailangan nating tumawag ng pulis."si Daniel

"Bro baka naman mapahamak si Shirley niyan. Alam mo naman yung bilin diba?"si Joshua

"Wala tayong choice, narinig mo naman diba may mga baril yung limang lalaki. E kung mabaril tayo e di natapos pa buhay natin."si Daniel

"Mga bro maiwan na kayo dito ako na lang ang papasok. Tumawag na kayo ng mga pulis."si Drake

"Sigurado ka?"si Joshua

"Hindi! Kami ni Drake at Benj maiiwan kami dito. Joshua, Daniel tumawag kayo ng pulis. Yung mga security rin na hinire natin make sure na isasama niyo."si Alden

"Sigurado ba kayo sa binabalak niyong yan?"si Daniel

"Wala na tayong magagawa, bilang ang oras natin. Siguraduhin niyo rin na hindi susunod yung mga girls okay?"si Benj

Campus Love Stories: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon