FAKE WIFE ♥12.

12.4K 124 2
                                    

Chapter 12

Bigla na lang akong napatalon ng may umepal. I mean may kumatok.

 Hindi ko alam kung anong klaseng sensasyon ang nararamdaman ko ngayon. Weird. Umiinit ang pisngi ko na hindi ko maintindihan ang nararamdaman ng katawan ko. Parang may nag u-turn na feelings. Hindi ko magets. Hindi ko mahulaan.  

Nakita ko siya na bigla na lang tumalikod at parang biglang nahiya. Napansin ko pa kahit nakaside view siya ay panay naman ang pamumula ng pisngi niya!

Nagba-blush ba kamo? O blush sa hiya? O baka naman napansin din yang mali pala ang ginawa niya...O baka naman nagising siya sa katotohanang hindi ako ang dapat niyang halikan.

Ewan ko ba. Ano bang pumasok kasi sa kokote niya at  malapit na niya akong halikan...Konti na lang sana!

"C-come in" Medyo nauutal pa siya sa pagkasabi. Habang ako naman mukhang nag yeyelo na sa kahihiyan.

Teka ba't naman ako mahihiya? Ako ba ang dapat mahiya? Diba dapat siya, diba?

Siya naman nauna eh. Sumunod lang ako!

O ayan tuloy. Nadadala na ako nito ha! Hindi to pwede. Kasi naman yang si Miko ay taong hindi pwede mahalin dahil tao ako. Hindi ako pera. Di ba sinabi niyang kung may pakakasalan siya, pera yun at hindi babae.

"Sir the meeting will start in a minute." sabi ng babaeng secretary niya. Na ngumiti naman sa akin at yumuko.

Ngumiti na rin ako at nakita kong humarap na pala si Miko at tinignan ang secretary niya. Iba na naman ang expression niya ngayon. Isang seryosong lalaki. Isang gwapo at makisig at napaka elite niyang tignan. Parang nakakapababa ng loob kasi naman, wala ako sa level niya. Nasa tuktok siya habang ako naman ni wala pang natatamo.

Ano batong pinag sasabi ko? Para namang gusto ko siya. No way!! Susuka na talaga ako.

"Okay, I'll be there in a minute." tumango lang siya. Tinignan pa niya ako saka umalis. I mean yung secretary niya. Mabait naman siguro siya. Napapansin ko sa aura niya eh.

"Dito ka lang. Wait for me. Don't go away." Umalis siyang hindi nakatingin sa akin.

Ano na naman ba ang nangyari doon? Parang galit na naman ata ang aura niya?

Nakasimangot naman ako habang yumuko at nilalaro ang paa. So ano? Mag hihintay ako sa kanya habang nagugutom? Hindi pa ako nakakain. Nakakain na kaya ang mokong? Baka naman kumakaen na naman 'yun ng mga alien foods!

May biglang humalik sa akin sa pisngi. Kilala ko ang amoy na 'to. Amoy na nakakadala. Yung kaninang amoy. Yung kamuntikan na dumapo sa lips ko. Yung nakakainis kasi kamuntikan ng matuloy.

HA?

"Hintayin mo si Cindy nagdala siya ng late breakfast para sayo. Namumutla ka na. Kasalanan ko yun. I'm sorry, I gotta go." Bigla na lang siyang umalis kahit hindi pa ako nakasalita. ANG MOKONG NAKARAMI NA!

Hinawakan ko ang pisngi ko. Nyemas, tulala na naman ang drama ko! Biglang nawala ang gutom ko. Bigla na lang akong nanghina, kinilig? No way!

Nasa rules ba 'yun? Wala namang sinabi doon na kailangan niya akong halikan! WALA DOON! Di pa nga ako nakahalik sa kanya habang siya nakarami na? Maghintay kang Miko ka. HAHALIKAN DIN KITA. MAKIKITA MO!

Wait. SUSUKA NA TALAGA AKO!

May kumatok bigla sa pintuan at binuksan. Pag si Miko na naman yun sigurado akong maghihigante rin ako. Hahalikan ko talaga ang mokong na to.

Pero mali eh. 'Yong secretary niya na nakangiti pa rin sa akin.

Nadismaya ka ba Cassy?

"Your late breakfast ma'am Cassy" Ngiti niyang sabi. Medyo nag-iingat pa siya sa paglalakad. At parang nahihiya naman ata 'tong babaeng 'to sa akin. Di gaya ng kanina eh grabe yung ngiti niya sa akin. Ano bang sinabi na naman ni Miko sa babaeng to?

"A-ah, okay. Salamat ah" Tumayo ako dahil nilagay niya ito sa may mini sala. Umupo na ako doon at laway na laway dahil sa dami ng pagkaing nakalatag sa mesa. Andami! Tsaka ang daming rice! Kahiya naman nito. Baka alam niyang napakagrabe kong kumain. Napatingin ako kay Cindy na ngumingiti pa rin.

"Andami naman nito." Sabi ko ng nakangiti rin sa kanya. Ayoko namang ipamukha sa kanya na ang takaw ko sa pagkain.

"Si sir Miko po kasi ang may sabi na wag daw gutomin ang future wife niya" Ngumiti pa ito at mukhang kinilig!

San ba siya kinilig? Sa walang hiyang lalaking yun? Sa future husband ko?

Kamuntikan na akong muhulog sa kinauupuan at napaubo! Inalalayan ako bigla ni Cindy.

 Future wife? Talagang gusto niyang malaman ng lahat nang hindi mabuking ang evil plan niya!

"Sorry po Ma'am Cassy, Madaldal talaga ako eh! hehehe. Kinikilig kasi ako sa inyong dalawa. At kay sir Miko. Hindi naman siya nagdadala dito ng babae. Except sa college friend niyang si Kristelle at iyong bading na si Gerry" So pumupunta talaga dito si Kristelle. Magkasama ba sila parati ni Gerry pag pumupunta dito?

Halata namang may gusto si Kristelle sa kanya ba't ba di na lang siya?

"Ah, okay lang. hehe" Sa kasamaang palad, ito lang lumabas sa bibig ko. Bwisit na Mikong yun talaga, nauutal na naman ako!

"Ma'am Cassy alam niyo po bang kayo lang ang dinala niya dito at sinabing fiancée niya? Akala ko talaga si Kristelle 'yong girlfriend niya eh. Kasi naman palagi iyong nandito dinadalhan niya ng pagkain si Sir Miko. At dinig na dinig ko pa na siya po ang nagluluto noon. Nung nalaman na lang naming bigla na ikakasal na pala sa ibang babae si Sir. Bigla na lang galit na lumabas noon si Kristelle at umalis. Binigay pa niya ang pagkaing dala niya sa akin eh."

 Ano 'tong mga nalaman ko bigla? Kaya pala ganoon kagalit sa akin si Kristelle! Pati ba naman iyong mabait sa kanyang babae eh ginaniyan niya! Talagang willing siyang masaktan lang ang lahat masunod lang 'yong balak niya! Kainis!

Umalis na lang rin siya pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng iyon sa akin. Habang ako naman ay binusog na lang ang sarili sa pagkain habang iniisip ang lahat.

Kung ganoon marunong palang magluto talaga si Kristelle. Dinadalhan pa niya ng pagkain si Miko. Bakit pa kasi ako naman iyong sinabihan niya na magluto para sa kanya eh alam naman niyang di ko alam kahit magluto lang ng kanin nasusunog pa nga.

Kasi namimiss na niyang may magdadala ng pagkain sa kanya sa office niya? Bakit di si Kristelle na lang ang sinabi niyang magpanggap bilang 'fake wife' niya? Bakit ako pa?

Andami kong gustong itanong sa kanya. Gustong-gusto kong maliwanagan kaya gusto ko siyang antayin.

Tama mag hihintay talaga ako. Madami siyang dapat i-explain. Ngayon pang andami ko ng nalalaman.

Gusto kong itanong sa kanya lahat. Tama. Dapat kong isulat lahat ng dapat kong itanong. Tumayo ako at naghanap ng ballpen at papel. Pero bigla na lang may kumatok.

Sana si Miko. Sana. Dahil inis na inis na ako at nangangati na ang dila ko at gusto kong malaman ang sagot.

Si Cindy pala.  Kainis naman.

"Ma'am kakasabi lang ni Sir Miko. Wag mo na lang daw siyang antayin kasi matatagalan siya sa meeting. Kayo na lang daw ang bumili no'ng sinabi niya." May inabot din siyang keys.

"Ito po 'yong keys sa bahay niyo. Nakalimutan mo daw kunin kanina."

Ibig sabihin ako yung mag go-grocery. Ako yung mag luluto. AKO LAHAT!

Nang iinis ba siya?

Ang tingin ng lahat sa akin. Ako yung future wife and  fiancée niya pero ang totoo naman, ginagawa niya akong katulong!

The Fake Wife (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon