Fake Wife ♥30.

10.7K 142 19
                                    

Chapter 30

Namulat akong tanging unan na lang ang kayakap.

Napabangon ako at napatingin sa paligid. Wala na si Miko. Wala na rin ang mga nagkalat na mga can ng beer sa sahig. Malinis na ang kwarto niya.

San kaya siya nagpunta?

Bumaba na agad ako para hanapin siya. Pero nabigla ako nang may sumalubong sa aking babae pag baba ko sa hagdan. Nakauniporme ng pangkatulong at nagdadala ng walis. Hinead-to-foot pa niya ako.

"J-juli?"  Tumaas ang kilay niya habang tinititigan ako. Ang langyang babaeng 'to, mas lalong sumusungit!

"Simula ngayon ako na ang maglilinis ng bahay na 'to. Kung may ipag-uutos ka, tawagin mo na lang ako." Inirapan niya ako.

Pero teka? Akala ko, ako ang maglilinis ng bahay? Akala ko ayaw niya ang mga katulong dito sa bahay? Akala ko ako ang katulong?

"S-si Miko?"

Nilingon niya ulit ako. "Maagang umalis, sabihin ko daw sayong ngayon na ang start ng review mo sa board exam. Si Kuya Ed ang mag hahatid sayo."

So bali hindi ko siya makikita? Hindi siya ang maghahatid sa akin?

"A-ah, wala ba siyang sinabing iba?"

Tinaasan na naman niya ako ng kilay. "Wala. Kumain ka na, nakahanda na ang pagkain mo sa mesa."

"Okay" Sumimangot ako. Alam kong ka edad ko lang to eh. Kaya sobrang sungit. Ano naman ang ginawa kong mali sa kanya?

Natulala na naman ako sa pagkain.

Hate niya ako diba? Kaya siguro parang iniiwasan na niya ako? Kaya ba ang aga na niya kung makapunta ng office? Pero baka busy lang at negative lang ng iniisip ko. Pero bakit ganito? Parang ang boring naman ng buhay ko pag hindi kami nagkikita o nag aaway.

At tsaka, kailangan ko pang makipag-ayos sa kanya. Pero paano ko gagawin. Eh hindi ko naman siya nakikita tuwing umaga. Sobrang busy niya.

"Kuya Ed, thank you ah." Sabi ko pagkatapos bumaba sa kotse.

"Walang anuman ma'am Cassy, Goodluck po sa review niyo." Ngiting sabi ni Kuya Ed at umalis na.

Kumaway pa ako at nagsimula ng humakbang papuntang loob ng reviewer center nang biglang may nakabunggo ako sa isang matigas na bagay.

Napahawak ako sa noo ko.

"Sorry Miss, okay ka lang?!" Biglang may nagsalita sa tabi ko. Hindi ko pa siya nalingon dahil yumuko ako kaya dinungaw niya ang mukha ko.

Napatalon ako bigla. "Sino ka?"

Binaba muna niya ng medyo ang malaking white board na dala niya at naglahad ng kamay. "I'm Ron and you are?"

Napatingin ako sa kanya. Ngumingiti siya pero parang worried sa akin. "C-Cassy."

Nagshake hands kami. 

"Oy! Ron, sino na naman yan!?" Napalingon ako sa babaeng naka nerdy glass. Parang ako lang no'ng college pa. Maganda din naman siya at  nakakunot pa ang noo niyang nakatitig sa akin

Biglang binitawan ni Ron ang kamay ko. "Si Cassy nauntog siya sa dala kong white board eh. Pasensya ka na ha." Nakatingin siya sa akin kaya nahiya ako. " O-okay lang, wala 'yon." Inayos ko ang buhok ko.

"Mag rereview ka rin dito?" Tanong nang babae. Natulala pa ako sa tanong niya. Kasi di ko siya kilala.

Ngumiti siya at nilahad ang kamay, nasa tabi na siya ngayon ng lalaking si Ron. "I'm Kate. Bago ka pa lang dito 'no? Ngayon lang kasi kita napansin."

The Fake Wife (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon