Chapter 13
Padabog akong lumabas. Nasaan naba 'yong sinabi niyang 'don't go away?' Para namang bigla niyang nalimutan. Dahil lang ba busy siya? Dahil nga ba may meeting siya?
Di mo yan maiintindihan Cassy, kasi naman hindi mo siya ka level. Kaya di mo alam kung gaano siya ka busy!
Nang tumingala ako, lahat pala ng mga mata nila nasa akin. Tulala, nagbubulong-bulungan. May gustong lumapit pero pinipigilan ng mga kasama, may ibang nakangiti at buma-bow naman sa akin. Nasa labas pa pala ako ng office ni Miko at hindi pa ako naka hakbang ni isa.
Tama pala! Kanina nong papasok pa lang kami ganito na sila. Pero mas malala ata ngayon ah, bakit ba?
May isang nag lakas loob na lalaki na lumapit sa akin. Nakalahad ang kamay niya. Gwapo naman at sobrang linis sa katawan. Nakangiti pa siya sa akin.
"You are Cassy right? The future wife of Miko?" Sobra naman tong straightforward. Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Kasi naman di ko alam na kilala pala niya ako,
"Tama nga ang bulong-bulungan. You're so beautiful. Napaisip tuloy ako kung tatanungin ko si Miko kung sa'n ka niya nakilala. Kasi naman baka doon na rin ako makahanap ng future wife ko" Tumawa siya at napangiti na rin ako sa kanya.
"Ah, salamat. Oo ako si Cassy" Nakipagshake hands ako sa kanya.
Nakita ata niyang nakakunot ang kilay ko sa kanya.
"Ah, I'm sorry. By the way I'm Fred. College friend ko si Miko and kilalang kilala ko siya. Kahit na we are not that so close. Sikat siya eh."
"Ah. Oo nga. Nasabi niya yun sa akin. Hehe" Kahit di naman.
Humakbang ako. Kasi naman, sumasakit na naman ang paa ko. Tapos pupunta pa ako ng mall mag go-grocery? Habang naglalabasan ng ugat ko sa paa? Kakahiya naman to!
Napansin kong nakasunod pa pala sa akin si Fred. Nawala ang atensyon ko sa kanya sa mga iniisip ko eh.
"Mauna na ako Fred ha? May bibilhin pa kasi ako eh."
"Okay, ihahatid na lang kita sa labas. Parang busy kasi future husband mo" Ngumiti pa siya. Bakit pa maraming beses ko ng narinig 'yang future husband na sinasabi nila?
"Wag na, kakahiya naman sayo. Tsaka ang layo pa no'n. Baka busy ka eh. Tsaka okay lang talaga." parang sa tono ko tinataboy ko na siya. Kakahiya naman talaga eh. Tsaka baka ano pang sabihin ng iba sa akin.
"Okay lang talaga. Baka kasi mawala ka dito eh. Ngayon pa lang kita nakita ditong pumunta. Dapat hinatid ka ni Miko." Kainis ka ah! Pinipilit mo ang gusto mo.
"Sige ikaw bahala. Pero okay lang talaga ako. Pwede naman akong magtanong kung sakaling mawala ako dito. Hehe"
"Hmm, sige. Dito na lang kita sa elevator ihahatid" Ngumiti pa siya. Killer smile ba kamo?
"Salamat"
Hinatid na nga niya ako sa elevator. Buti naman hindi na siya nag tanong ng kung ano. Kasi naman, marami pa akong iniisip. Tapos nangungulit pa siya. Nakakahiya naman kung itaboy ko pa ulit.
"Salamat ha. Alis na ako" Ngumiti pa siya.
"Walang ano man 'yon. Swerte nga naman ni Miko, ang bait mo. Tsaka parang simpleng tao lang. Hindi siya nagkamali sayo ng pagpili. Kung ako sa kanya. Bibilisan ko na ang pagpapakasal baka makuha ka pa ng iba" Ha? Ano bang sinasabi mo diyan?! Nga naman. Ang alam nilang mahal ako ng lintik na Mikong 'yon. Kahit ang totoo ay ginagamit lang niya ako para makuha ang hangarin niya.
BINABASA MO ANG
The Fake Wife (Soon to be Published)
RomanceNabangga. Naaksidente. Namulat. Nagkaboyfriend. Nagpakasal. Hindi ko alam na ganito lang pala kadali ang magkalovelife. Dati rati, pagkain lang ang karelasyon ko. Dati rati, simple lang ang buhay na mayroon ako. Pero sa isang iglap lang nagbago ang...