Fake Wife ♥35.

10.5K 122 13
                                    

Chapter 35

 

"I-ikaw?!" Tinuro ko siya. Nanginginig pa ang boses ko pati ang kamay kong nakaturo sa kanya. Siya ang professor namin? Siya na ba talaga? Siya ang magiging teacher namin? Ang nagnakaw ng halik ko ay siya?

"Yes. And your late...again?" Pumunta siya sa kinaroroonan ko. Habang ngiting-ngiti siya at nakabalandra na naman ang dimples niya.

Hindi ko na namalayang tulala din ang mga kaklase ko. Nakatitig lang sila sa aming dalawa.

Hinawakan niya ang kamay kong nanginginig sa kaba. Binaba niya 'yon. As usual, sobrang gentle niya. At...aaminin kung gwapong-gwapo ako sa kanya. Lalo na sa dimples niya.

"Since you're late. You'll gonna see me at the end of this session" Pinulot pa niya ang nahulog kong handouts at nilagay sa kamay ko.

"Remember what I've said last night?" Mahina niyang sabi sa akin. Pasimple niya akong kinindatan at bumalik sa kinatatayuan niya kanina at nagsimulang magturo.

Hinayaan niya akong parang wala sa sariling naglakad papunta sa kinauupuan namin ni Kate.

Nakita ko pa ang curious na tingin ng dalawa sa akin. Wala ako sa mood mag explain. Nagugulo na ata buhay ko!

"Hey Cassy. We deserved an explanation" Sabi ni Kate. Hindi ko muna pinansin dahil sobrang occupied ako sa mga nangyayari.

Pa'no siya naging Prof dito? Nasaan naba 'yon si Mr. Sinez? Ano bang pangalan niya? Di ko pa siya kilala.Tatanungin ko sana si Kate pero may biglang naglakas loob na mag tanong.

"Sir, ano nickname mo?" Tanong ng isang classmate kong babae na nasa harap.

"My nickname?" Tinaasan pa niya ang boses niya nang mabaling ang atensyon ko sa kanya. Kaya napayuko ako. Naalala ko ang kagabi. Sinabi niyang siya si Superman!

"Ganito na lang, hulaan niyo. Nasa Justice League character 'yon!" Tawang sabi niya.

Kinabahan ako. Ba't ba ako kinakabahan ng ganito? Pero talagang alam ko ang sagot eh!

"Prof. Ano naman ang reward pag nasagot namin?"

Mas lumakas ang hiyaw ng mga classmate ko. Sumali na rin sina Kate sa pagtili habang si Ron ay nakikinig lang at parang nasiyahan na rin. Shet. Ako lang ata ang kinakabahan dito ah!

"Uhmm.. Let me think. Ano kaya kung dinner date?" Napatuon ang atensyon ko sa sinabi niya. May pagkaplayboy!

Lumakas pa ang hiyawan ng mga nandoon. Pati lalaki nakitawa at nakihiyaw na rin.

"Sige game!" Sabay pa ang mga kaklase kong nagsabi sumigaw.

"Eh pa'no kung lalake naman?" May isang naglakas loob na lalaking nagtanong. Nagsitahimik ang mga kaklase ko habang hinihintay ang sagot ng Prof namin.

"Hmm. Edi dinner date pa rin!" Tumawa siya at nakitawa na rin ang mga lalake kong classmate pati sina Kate.

"Haha! Kakatuwa ang Prof natin ngayon no? Di gaya ni Prof. Sinez. Sobrang formal. Di ba C A S S Y?" Hinabaan pa ni Kate ang pangalan ko kaya napakunot ang noo kong nakatingin sa kanya.

"Kailangan mo paring mag explain sa akin Cassy. I smell fishy!" Tumawa ng malakas si Kate.

"You, the girl beside Ms Adam." Turo ng Prof namin. Kaya natahimik si Kate. Mas lalo na ako.

"Sir? Ako ba 'yon? " Tanong ng isang lalaking katabi ko. Sa naalala ko bading ito. Halata pang nagba-blush siya habang nagsasalita.

"No, I'm talking to a girl." Nag tawanan ang buong klase. Napahiya 'yong katabi ko. Nagtinginan kaming dalawa ng Prof. Sobrang mean niya ha!

The Fake Wife (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon