Chapter 15
"H-husband?" Natulala si Alex. Kitang kita ko ang pa balik-balik niyang tingin sa aming dalawa ni Miko. Kinakabahan na talaga ako ng todo.
I need to explain! I need to clear up things. Lalong lalo na kay Alex. Gusto kong malaman niya lahat ng kagaguhang nangyayari sa akin dahil siya lang ang tinuring kong bestfriend at parang kapatid ko na rin. At kahit na sa anong paraan kailangan niyang malaman 'to.
Bigla na lang akong hinila ni Miko palayo kay Alex. Di na ako makapagsalita. Ni hindi ko na explain agad. Nakatingin lang ako sa kanya habang papalayo na. Ni hindi ko masambit ang salitang 'hindi totoo' at 'fake' lang ang lahat ng 'to. Kahit kitang-kita ko na ang lungkot at pagkabigla sa mata niya.
Hanggang sa mawala na nga sa paningin ko si Alex. At tanging ang lalaking nakakainis na lang ang nasa tabi ko.
"Ano ba!" Pilit ko ng kinuha ang braso ko sa mahigpit niyang hawak. Ang lalaking 'to. Siya ang nagdadala ng malas sa nananahimik kong buhay!
"What the hell are you doing? Nawala lang ako, hindi lang kita sinamahan may lalaki ka na agad? Kanina si Fred ngayon sino na naman ba 'yon, ha Cassy?" Halos pahiyain na niya ako sa lahat ng taong naglalakad sa mall ang iba naman ay halatang nakikinig.
"Ano bang pakialam mo dyan? At ano bang nangyayari sayo ba't ganyan ka na lang kung umasta? Si Alex 'yon bestfriend ko! Matagal ko na siyang di nakita kaya-"
"Kaya ano? Pinahintay mo si Kuya Ed doon sa labas habang nakikipaglandian ka sa sinasabi mong 'bestfriend'?"
Natigilan ako. Si Kuya Ed pala! Nakalimutan ko na. Nagi-guilty ako.
Pero kahit ganoon pa man mali paring ipahiya niya ako! "Akala ko ba pupuntahan natin si Kuya Ed kasi kanina pa siya hintay ng hintay?" Nasa tapat na kami ngayon ng grocery ng mall. Nakapameywang pa ang ugok!
"Sa tingin mo ano pang gagawin natin dito ha? Diba lulutuan mo pa ako ng dinner?"
Ang sarap sumimangot ng sumimagot. Anong oras na magluluto pa ako? Ni hindi ko pa alam pano lutuin yun eh!
"Anong sinisimangot mo dyan? Galit ka ba dahil naudlot ang date niyo ng sinasabi mong 'bestfriend'?"
Tinaasan ko na ng kilay. Hari ng bad mood! "Hindi kami nag di-date. Naghahanap kami ng regalo para sa birthday ng mama niya. Nakakaintindi ka ba talaga ng tagalog? Kanina ko pa to paulit-ulit!"
Padabog siyang humakbang papasok ng grocery at umiling. Ano bang kinakagalit niya?! "Ewan ko sayo! Mag grocery na nga lang tayo. Dapat kanina pa to tapos. Dapat natapos ka ng makapagluto ngayon. Dapat kumakain na ako. Dapat nanghuhugas ka na ng plato. Dapat natulog na ako!" Kumuha na siya ng cart habang pinapagalitan ako.
"Eh kung kumain ka na lang kaya sa mamahaling restaurant dyan. Marami ka namang pera. Wag mo sabihing nagtitipid ka na naman? Kaya siguro adobo ang pinili mong lutuin ko no? Kasi mura! Ang sama talaga ng ugali. Ganyan ka ba talaga? Ugali mo ba talaga ang magpahirap ng tao? At-"
Bigla niyang tinulak ang cart ng mabangga ako nito. Nasa unahan kasi ako habang nag sasalita. Sakit!
"Kung ganon, ikaw na ang mag grocery! Ikaw na ang mag dala ng lahat ng pinamili mo! Pinuntahan pa naman kita dito kasi nag-aalala akong baka walang kang kasamang bitbitin ang mga na grocery mo. Pero ayoko na! Bahala ka sa buhay mo. Sa parking lot na lang ako maghihintay. Magpakasaya kang mag buhat!" Tinalikuran niya ako at umalis. Dinig ko pa ang huling sinabi niya. Na mas lalong nakakainis! "Ang sama pala ng ugali ko ha. Makakatikim ka sa sama ko."
BINABASA MO ANG
The Fake Wife (Soon to be Published)
RomanceNabangga. Naaksidente. Namulat. Nagkaboyfriend. Nagpakasal. Hindi ko alam na ganito lang pala kadali ang magkalovelife. Dati rati, pagkain lang ang karelasyon ko. Dati rati, simple lang ang buhay na mayroon ako. Pero sa isang iglap lang nagbago ang...