Chapter 7
Grabeng tawa ko paglabas namin sa mall habang dala ang pinamili namin. Hindi ko na napansin na ako na pala ang nagdadala ng lahat ng paper bags at nagmumukha na naman akong katulong.
Si Miko naman nakangiti lang. Umupo siya sa bench at napaupo na rin ako. Ngayon lang ako naka hinga ng maluwag. Kasi naman ako ang nagdala ng lahat ng paper bags.
Pero natatawa talaga ako sa nangyari kanina. As Woooah! Makita ko lang ang mukha niya ulit, siguradong maalala ko ang lahat ng nangyari ngayon.
"Kakatawa talaga ang reaksyon niya. Alam mo bang sayo ko lang siya nakitang ganoon? Parang di makapagsalita. Nakahanap na rin siya ng katapat" tawang sabi ko.
Kumunot ang noo niya. "Bakit? Wala ba siyang katapat sa school niyo?" napaisip ako.
"Hmm, meron naman pero walang may gustong pansinin siya. Isa lang siya sa mga estudyanteng sobrang bilib sa sarili. Nakukuha niya ang gusto niya. Malapit nga akong di makagraduate sa kanya eh"
Kumunot uli ang noo niya. "Bakit naman?" curious ata siya kay Linzy. Baka gusto niya rin yun?
"Kasi naalis ako sa scholarship ko sa school ng dahil sa kanya at kailangan kong bayaran yung school fees." Naaalala ko lang ang nangyari dati, naiinis na ako.
Tinitigan niya ako. May halong pagkadismaya ang titig niya.
"Bakit naman dahil sa kanya?"
Bumuntong hininga ako, "Kasi, pinagbintangan niya ako na ako daw ang nakabasag ng salamin ng kotse ng president at yung papa niya ang may ari eh kaya ang lakas ng appeal. Buti na lang nakapangutang ako kay Alex"
"Sino si Alex?" Andami mong tanong ha?
"Bestfriend ko" napansin kong malapit ng dumilim "Ay nako, uuwi na ako. Hindi ako nakapagpaalam kay kuya" tatayo na sana ako. Pero hinawakan ni Miko ang kamay ko at pinaupo ulit.
"Mamaya na. Wag kang mag-alala, nasabi ko na sa kuya mo na magkasama tayo ngayon at kailangan kong masulo ang magiging wife-to-be ko" Ito ba lahat ng pinag-usapan nila ng kuya ko kagabi?
"Bakit mo naman yun sinabi?"
"Siyempre para di ka na niya hanapin" napatingin siya sa mga paperbags na dala ko.
"Sa'n na 'yong phone mo?" Naalala ko yung phone na 'yun. Di ko pa pala natingnan. Mahal kaya yun?
"Ito dala ko." Pinakita ko sa kanya ang paper bag ng phone. Apple ang nakalagay na brand. Wait, diba prutas 'yon?
Ibinigay ko sa kanya. Di ko na binuksan. Di ko naman alam pa'no yun gamitin eh.
Binuksan niya' yun at nakita ko pa na napakanipis! Kulay white tsaka may apple shape sa likod. Pangmayaman. At napaka elegante. Parang nahihiyang gamitin.
Inakbayan niya ako at nag kumuha ng picture namin dalawa. Nagulat ako bigla.
"Ano ba! Bawal 'yang ginagawa mo ah. " tumawa siya nang tingnan niya ang picture. Pangit ata ako don ah.
"Ang alin ang bawal? Ang kumuha ng picture sa fake wife ko?" Ngiting sabi niya.
"Oo naman! At kahit di mo pa ako fake wife mali pa rin yun!" parang wala siyang narinig at kinuha niya ang phone niya. Nakita ko sinend niya.
"Hoy! ano ba! " pilit kong kinukuha sa kanya pero tumawa lang siya
"Sorry, succesfully sent!" tawang sabi niya nang binigay niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Fake Wife (Soon to be Published)
RomanceNabangga. Naaksidente. Namulat. Nagkaboyfriend. Nagpakasal. Hindi ko alam na ganito lang pala kadali ang magkalovelife. Dati rati, pagkain lang ang karelasyon ko. Dati rati, simple lang ang buhay na mayroon ako. Pero sa isang iglap lang nagbago ang...