FAKE WIFE ♥22.

11.6K 108 19
                                    

Chapter 22

 

Nasa loob na ako ng lounge spa. Sobrang ganda ng loob. Nakaka relax, nakakawala ng stress at nakakaganda ng feeling. Maraming stone chaise loungers na nakaline-up sa gilid. Sobrang luxurious ng lugar na ito pero marami paring tao.

Excited akong nahiga sa isa sa mga chaise at pinikit ko na ang mata. Nagsimula na rin ang therapist na lagyan ako ng oil sa likod at imassage. Kahit na gusto kong marelax, naiisip ko pa rin si Miko.

Bachelor's party? Talagang naguguluhan ako sa meaning. Narinig ko na 'yon dati kay kuya pero nakalimutan kong itanong sa kanya kung anong meron doon.

"Girl! Alam mo ba yung latest?"

"What' s the latest?" Excited na sabi ng isang babae. Gaya sa akin. Minamassage din sila ng mga therapist. Narinig ko ang pag-uusap nila dahil magkatabi lang kami ng chaise.

"Nako! Ikakasal na ang anak ng may ari ng Fuentibella Recording Company. 'Yong schoolmate natin noon. Si Miko Fuentibella! " Dismayang sabi nong isa. Bigla akong nashock dahil kilala ko kung sino ang pinag chichismisan nila.

"Who's the girl? Is it Kristelle?" Tanong no'ng isa. Ganoon ba talaga ka close ang dalawa?

Bigla kong naalala na sinabi pala sa akin ni Kristelle na maraming nakakaalam na gusto niya si Miko. Si Miko na lang ang in denial.

"Unfortunately no, di ko kilala. Coming from unknown society. Hindi ko nga alam kung saan napulot ni Miko eh. Engagement nila kahapon don't you know? Dumating pa ang parents ni Miko para ma meet lang 'yong girl. Parang shotgun wedding ang kasal nila. Kasi bigla na lang ang balitang ikakasal na siya" Hoy, manahimik kayo, mga chismosa!

"Baka buntis ang girl?" 

Bigla akong napadilat sa tanong no'ng isa. Buntis agad?  Ganoon ba talaga pag ikakasal ng ganito kabilis? Eh kung sabihin ko sa inyo na ang iniidolo niyong si Miko ay pera lang ang gusto, magugustuhan niyo pa kaya?

"Ewan. Baka nga, kasi napakagwapo niya para magpatali agad no! I can't believe he's already marrying. Pwede naman 'yon nila ipaabort diba? Kung talagang aksidente lang ang lahat. At kung preggy nga 'yong girl." Nainis ako sa sinabi niya. Ganoon lang ba kadali ang sabihing ipaabort ang bata kung sakaling buntis nga ako? Packing tape.  

"Oo nga. Nako. Kawawang Miko. Tsaka baka super ganda rin ng babae?"

"Sabi nila di daw at  walang appeal.  Tsaka Drew just texted me, may Bachelor's party daw si Miko ngayon malapit lang dito. They invited us."

Sabi nila? Soooo hindi mo pa ako nakita?! at sakaInvited?! Eh ako nga hindi ako inimbita na ako ang bride. Kayo pa kaya?

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Sana nakapag-ayos tayo ngayon."

"Eh ngayon lang ako ininform ni Drew eh. Kainis nga. Tsaka hindi pa daw nagstart. Dapat mauna sila keysa tayo."

"Naah. Dapat mauna tayo baka may kinuha na silang sexy girl para kay Miko. Baka maunahan tayo. Mas mabuti na 'yong makuha natin ngayon ang atensyon ni Miko. Baka maisipan pa niyang hindi umatend ng kasal niya bukas!" Masayang sabi ng babae.

Walangyang mga pokpok kayo! Nagplano pa kayong maindyan ako ng Mikong yun? Eh siya ang nagplano ng kasal na 'to.  

Ramdam ko ang pagtayo nila at excited na umalis kahit hindi pa sila natapos. Narinig ko pa ang lakas ng tawa nila.

Naisip kong pumunta rin at sundan sila ng hindi nila alam. Curious ako, at hindi ako mapakali sa kinahihigaan ko. Naiinis ako dahil hindi niya ako inimbitahan pero ang ibang babae nagawa niyang imbihatin. Akala ko ba for boys lang? Akala ko ba di pwede ang mga babae? Ba't di niya ako inimbita?

The Fake Wife (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon