Chapter 23
Kinaladkad niya ako papalabas ng hotel papuntang parking lot.
Sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Masakit. Pero sa ngayon kayang-kaya kong tiisin maramdaman ko lang ang kamay niyang nasa kamay ko. Ayaw niyang makawala ako. Ayaw niyang bitawan ako pero hindi ako galit ngayon. Masaya ako. Masaya ako dahil inalis niya ako doon.
Patuloy ang pagdaloy ng luha ko. Mabuti na 'yong di ko pa natatanggal ang mask sa mukha ko nang di niya ako makitang umiiyak at baka tanungin niya ako kung bakit.
Nakita ko ang isang kamay niya. Nakakuyom. Galit ba siya? Bakit? Dahil andoon ako? Dahil sinira ko ang party niya? Dahil nag gate crash ako? Dahil hinalikan ko siya? Dahil ba hindi ako sumunod sa gusto niya?
Kanina, hindi ko napigilang sabihin sa sariling gusto ko siya. Bakit? Kailan lang? No'ng sinayawan niya ako? Nung hinalikan ko siya?
"Damn Cassy, Damn!!" Galit niyang sinipa ang gulong ng kotse niya. Now I see the fire in his eyes.
Binuksan niya ang kotse niya at may kinuha. Tiningnan ko lang siya. Wala pa rin akong imik. Galit siya at wala akong masabi o madahilan sa kanya.
"Put this on. Magbihis ka sa kotse ko ngayon din. I don't want to see you wearing that damn bathrobe anymore." Malamig niyang sabi sa akin. Ayaw niya akong tingnan sa mga mata ko. Ni ayaw niyang kunin ang maskara kong kanina pa basa sa mga luha ko.
Walang imik akong pumasok sa kotse niya at nagbihis ng black shirt niya at isang shorts.
Amoy Miko.Parang ayoko ng hubarin.
Matapos kong mag bihis, tinanggal ko na ang leopard mask sa mukha at inayos ang sarili. Pulang pula ang mga mata ko sa kakaiyak. Kitang-kita ko sa salamin ang sarili ko. Ang labi kong hinalikan ang labi niya.
Bigla siyang pumasok sa kotse. Hindi ko siya tiningnan habang tinitingnan niya ako ng matagal. Ayokong makita niyang umiiyak ako. Ayokong makita niyang ang hina ko. Pero biglang nanginig ang mga mata ko at nagsimula na namang tumulo ang langyang luha ko.
Sinuntok niya bigla ang manibela. "What the hell are you thinking Cassy? Sinundan mo pa ako at nagpanggap kang prosti? Why the hell is that?" Galit niyang sabi sa akin.
Nagpanggap akong prosti!? Hindi ko sinadya yun gag*!
Tiningnan ko siyang mabuti. "Hindi ako nagpanggap! Gusto ko lang pumunta sa party mo. At to think na kaya pala hindi mo ako inivited ay dahil may mga babae kang kasama doon! Napakamanwhore mo! Kaya pala hindi mo ako ininvite dahil maglalandi ka lang d-"
"DAMN! Bullshit Cassy! You don't need to do that! It's just damn bachelor's party na inorganize ni Drew. Why? Are jealous with the girls there?!"
Natahimik ako. Gusto kong sabihin sa kanya na parang ganoon nga. GANOON NGA!
"Why Cassy? You don't have the right to be jealous. You're just my fake fiancée and my soon to be fake wife and don't assume more than that" Mahina niyang sabi sa akin. Nakakuyom na naman ang kamay niya at nakatingin sa labas ng kotse.
Natigil ang pagdaloy ng luha ko. Umi-echo ang huling sinabi niya sa tenga ko...sa puso ko. Im just fake wife.
Bigla akong napatawa."Edi fake na kung fake! Bakit sinabi ko bang original ako? Di naman ah. At selos? Bakit gusto ba kita? Mahiya ka naman! Galit ako kasi kung bakit pa ako nag gate crash sa party mong nakakasuka at pang mga maniyakis lang at manwhore! Galit ako kasi iniisip kong ayaw kong magkaroon ng groom na lasing na papaso ng simbahan! Ayaw kong masira ang fake kong kasal! Pero sana hinayaan na lang kita doon. Kasi isa lang akong fake diba? Hindi ako dapat mag assume! Kaya kung iniisip mong nagseselos ako dahil doon..." pinandilatan ko siya ng mata. "Isipin mo na lang dahil ikaw lang ang nag-iisip nun!"
BINABASA MO ANG
The Fake Wife (Soon to be Published)
RomanceNabangga. Naaksidente. Namulat. Nagkaboyfriend. Nagpakasal. Hindi ko alam na ganito lang pala kadali ang magkalovelife. Dati rati, pagkain lang ang karelasyon ko. Dati rati, simple lang ang buhay na mayroon ako. Pero sa isang iglap lang nagbago ang...