FAKE WIFE ♥26.

11.5K 131 10
                                    

Chapter 26

Ambagal kong nag-impake. Hindi naman ako nagdala ng madaming gamit. Sobrang na excite lang talaga ako ng malamang beach wedding pala ang kasal namin kaya medyo nag-impake nga ako ng todo. Nakakainis lang, gusting-gusto ko pa naman maligo at magbabad sa dagat pero ang KJ ni Miko!

"Er.. Kainis ang supladong 'yon. Kasalan ko bang niyakap niya ako habang natutulog? Ako pa ang sisisihin niya? At ngayon sobrang inis niya lang ng dahil do'n?" Nasa kwarto ako ngayon. No'ng kwarto kung saan ako inayusan kagabi.

Hindi man lang ako naka paalam sa lahat ng guest. Maaga silang umalis pati parents ni Miko. Magkikita na lang daw kami after 3 days. Mag didinner kami kasama ang mga magulang niya. Masaya ako, masaya na sana. Pero umandar na naman ang pagkasuplado ni Miko.

"Sige na naman Miko oh. Maligo muna tayo. Nakakainis ka, ang KJ mo!" Nilingon niya ako. Nasa harap kami ng pool side nila ngayon. Sarap na talagang magbabad. Sarap ng maligo!

"I told you, I have my meeting today. It's important!" Halos kainin na niya ako ng buo dahil sa laki ng bunganga niya. Pero hindi pa rin ako nagpatinag.

"Edi ikaw na ang maunang umuwi. Problema ba 'yon? May groom bang magtatrabaho habang kagabi pa lang natapos ang kasal? Napaka KJ mo lang eh. Ayaw mo munang mag relax dito" Padabog kong sabi. Nakakapit pa rin ako sa braso niya ngayon. Ayaw niya akong tingnan. Hindi pa naman siya nagbibihis. Hindi nga siguro urgent ang pupuntahan niya. Palusot niya lang 'yon.

"It's just a fake wedding Cassy. Did you get it? And dapat kang sumama sa akin pauwi dahil ayokong babalik pa ako dito para kukunin lang kita. Sinasayang mo ang gasolina ko."

"Edi si Kuya Ed na lang ang kasama ko pauwi. Ayoko pang umuwi Miko!" Halos mangiyak-ngiyak ako sa kakasabi sa kanya. Ayoko pa talagang umuwi. Ayoko pa.

Hindi siya umimik. "Bukas na tayo umuwi. PLEASE?" Hinarap ko siya at tiningnan ko siya sa mata. Kaya napatitig siya sa akin.

Maawa ka Miko. Maawa ka!

Huminga siya ng malalim. "Okay. Just one day." Iniwan niya ang shock kong mukha at kinuha ang phone na parang may tatawagan.

Kaya hinabol ko siya at niyakap "Thank you Miko! Bait mo talaga!"

Kinalas niya ang pagkakayakap ko. "Tumigil ka nga diyan. Layuan mo ako!"

Pinilit niyang kumalawa sa pagkakayakap ko. "Hello? Hello?"

"Thank you Miko. Thank you!!"  Nagkasabay pa kami. May kausap pala siya sa phone niya kaya kumalas na ako.

Pinandilatan niya ako. "Yes, This is Miko. No-no. I'm not that busy. It's just that there's someone here that I don't even know" Tumawa pa siya sa kausap niya habang tinataasan ako ng kilay at habang pinapaalis niya ako.

Inirapan ko siya. At hindi na ako nakapagpigil na hubarin ang damit pati shorts ko kahit nasa likod ko siya. Naka green fringe swimwear ako ngayon. Excited akong maligo kaya sinuot ko agad 'to. Ito yung bigay ni Shey sa akin. 'Yong maid of honor ko at yung pinsan ni Miko. Sobrang bait niya at sinabi pa niyang magkikita kami sa manila. Pero ngayon kailangan pa niyang umuwi ng Cebu para asikasuhin ang business nila.

Nasa tapat lang kasi kami ng pool at maya-maya ay sa dagat na naman ako maliligo.

"Y-yes. It's okay. Im s-sorry. Maybe you could just come h-here" Nauutal niyang sabi na hindi ko alam kung bakit siya nauutal ng ganoon.

Hinarap ko na siya. "Miko! Halika na!"

Bigla niya akong tinalikuran ng makitang hinarap ko siya. Nagulat pa siya sa ginawa ko at kaagad na tumalikod habang may kinakausap sa phone.

The Fake Wife (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon