Ewan ko sa'yo! (One Shot)

5.5K 138 46
                                    

"Ewan ko sa'yo!"

"Babes! Kausapin mo naman ako oh."

"Pwe! Wag mo nga akong ma babes babes dyan! Tusukin kita ng ballpen sa mata eh!" Hindi niya ba napapansin na ano...na may gusto ako sa kanya, na mahal ko siya. :(

"Hannah. Alam mo, may gusto ako sa'yo!"

"Ewan ko sa'yo! Nasusura ako sa pagmumukha mo! Alis dyan!" Hindi niya ba naappreciate yung ginagawa ko sa kanya?

Lagi ko siyang pinupuntahan sa kanila. Pero sinisigawan niya lang ako, minsan pa nga tinatapunan niya ako ng mga basura. Shit lang! Pero hindi ako sumusuko.

Marami na akong nagawa sa kanya, pero binabalewala lang niya. Minsan nga naiiyak na lang ako, oo alam kong ang bading ng dating na yun. Pero mahal ko eh hindi niya ma appreciate yung ginagawa ko.

"Sorry." Ang tangi kong nasabi sa kanya.

"Oo nga pala yung pinapadala mong mga flowers sa akin. Tinatapon ko! Hindi ako patay para padalhan mo ng ganon! Saka tigil tigilan mo na nga ako. Nakakasuka ka!"

Napaluha na lang ako sa bawat linyang sinasabi niya. Ang sakit sakit na nanggaling pa sa babae ang katagang iyon, ang worst pa eh yung sa taong mahal mo.

Kung pwede lang patulan nagawa ko na! Babae eh. kaya respeto din. XD

"Bigyan mo naman ako ng isa pang chance na patunayan sa'yo na mahal talaga kita."

"Wag ka ng magaksaya ng panahon sa kabalbalan mong yan. dahil kailanman WALA KANG PAG-ASA!"

"Please." Lumuhod na ako para lang magmakaawa sa kanya.

"Ewan ko sa'yo! Ayaw ko nga diba? A.YAW KO! Naiintindihan mo? Ayaw ko! Kaya chupi na! Chupi!!"

Maraming tao ang nakakakita sa amin. Pero wala akong paki alam. Namalayan ko na lang na may pumapatak ng luha galing sa mga mata ko. Malaking kahihiyan ito, ang mareject sa taong pinakamamahal mo sa harap pa ng maraming tao.

"Maiwan na kita dyan! Nasayang lang ang oras ko sayo!"

Dali dali siyang umalis pagkasabi niya non. Naiwan pa rin akong nakaluhod at may narinig akong nagbubulungan.

"Kawawa naman yung guy."

"Oo nga. Wala man lang awa yung girl, ginagawa na nga lahat. Ayaw pang pagbigyan"

"Oo nga. Haay, pag ibig nga naman."

Nagbulungan pa, parinig ko rin naman. psh -.- Ewan ko sa'yo, yan ang laging linyang naririnig ko sa kanya. Kingina, masakit kaya masabihan nun. kung alamolang.

- - -

Pagkadating ko sa bahay bumungad agad sa akin si Mama

"Oh anak, hindi niyo pa naman uwian ah? Baka magalit ang mga prof. mo niyan?"

". . ." Hindi ako sumagot.

"Teka anak, bakit namamaga yang mga mata mo? Umiyak ka ba?"

"Hindi Ma, puwing lang ito. Sige punta lang ako sa kwarto ko Ma"

Agad kong binuksan ang drawer ko at kinuha ang mga pictures niya. Oo may picture ako niya. Ganyan talaga *insert fake smile here*

"Hay. Hindi pa rin ako susuko. Hindi ako mawawalan ng pag asa kahit ipahiya mo pa ako sa maraming tao. Pinapatunayan ko lang sa'yo na mahal talaga kita." Lumuluha na naman ako. Ano ba yan, ang bading na.

Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako nung tumunog ang alarm clock ko.

"8:00 am na pala. Potspa late na ako. Makikita ko na ulit si Hannah babes ^_^"

Ewan ko sa'yo! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon