11. Where are you?

5 0 0
                                    

Nina's POV

August 3 na.
2months na siyang nanliligaw sakin. Kaso 1 week na siyang hindi nagpaparamdam sakin.

Nagsawa na kaya siya kakaintay sakin?Ayaw na ba niya sakin?

Nandito ako sa school ngayon at nag iintay ng Pau na magpakita sakin. kaso wala talaga.

"Miss mo na siya no?" tanong sakin ni Eya.

nalungkot ako. Oo sobra ko na siyang miss ano ba kasi nangyari sakanya.

nasa labas kami nagkkwentuhan pero ang lungkot ko pa rin.

maya maya ay may lumapit sakin. Si Mang Ben to ah? driver ni Pau nandyan kaya si Pau?

"Mam, sama po kayo sakin. pinapasundo po kayo ni Sir Alvin." sabi ni Mang Ben. at may lumabas mula sa passenger  seat.

"Ate sama ka na. Hinihinta ka na din ni Kuya Pau." si Andrea ang bunsong kapatid ni Pau.

ano bang nangyari kay Pau. bigla tuloy akong kinabahan.

Pauu where are youu?

tinignan ko si Eya at Sari at tumanggo naman sila. Sila na daw ang bahala magpaliwanag sa next prof namin.

sumakay na ko sa kotse at gayundin sila. habang papalapit kami sa karoroonan ni Pau ay mas lalo akonhg kinakabahan.

Huminto yung sasakyan sa tapat ng hospital. bakit kami narito? may nangyari ba kay Pau?

Kaya mas lalo tuloy akong kinabahan. Bawat hakbang mas lalong lumalakas ang pintig ng puso ko.

"Mam pasok na po kayo" tumang na lamang ako at tuluyan na kong pumasok.

Nagulat at naiyak ako sa nakita ko. Ang daming nakasalpak na kung ano ano sa katawan niya.

Tinignan ko ang maamong mukha ng walang malay ng mahal ko.

Oo mahal ko na siya. Ang tagal kong tinanggii sa sarili  ko na hindi ko pa siya mahal pero ngayon alam ko Mahal ko sya Mahal na mahal ko sya.

"Hi, Nina." bati sakin ni Tito Alvin. at Si Tita Shirley naman tumango sakin at ngumiti ng malungkot.

"Hello po." sagot ko sakanila,

"Pasensya ka na at hindi nag paramdam sayo ang aming anak."

"Okay lang po Tita. Bakit po naririto si Pau? di ba po napakasigla niya?" tanong ko.

"Sana nga Nina. Sana nga ay totoong masigla siya habang buhay." malungkot na paliwanag ni Tito.

"Nina salamat sayo at napasaya mo si Pau ng tunay, salamat dahil sayo patuloy siyang lumalaban mahal ka ng anak namin Nina" patuloy ni Tito.

"Ano ho ba ang kanyang karamdamann?" tanong ko muli.

"May Cancer sa Baga ang aming anak ni Nina. hindi namin alam kung kailan siya kukunin samin" paliwanag ni Tita.

at ako'y nabigla.. nagsibagsakan ang mga luhang kanina ko pang tinatago.

Wag muna ho. Pakiusap po.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kanyang malamig na kamay.

"maiwan na muna namin kayo Nina ah? kausapin mo sya. panigurado ay matutuwa siya" paalam nila Tito at tuluyan na silang lumisan sa kwarto.

Tinignan kong muli si Pau. Ang sakit makita na yung taong mahal ko ay naghihirap at nasasaktan.

Bakit? Bakit pareho pa tayong maghihirap? Bakit sa dinadami ng magkaron ng sakit bakit tyo pang dalawa? Bakit hindi pwedeng ako nalang at wag ka na. sabi ko sa isip ko.

Tuluyan nanaman ako naiyak.

"Pau pag gising mo. Tayo na. Sasagutin na kita" sabi ko sa walang malay na Pau sa harapan ko habang hawak hawak ang kanyang palad

A Moment to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon