16. God's Test

5 0 0
                                    

Nina's POV

Minsan napapaisip ako bakit ba nangyayari samin ang mga bagay na hindi namin ginusto.

Bakit patuloy kaming pinapahirapan ng tadhana. Wala naman kaming ginagawang masama. Bakit kung kailan masaya na kami tska ito babawiin samin?

Ilang buwan na ba ang nakakaraan simula nung nangyari ang hindi namin inaasahan? 1 o 2 buwan?

Matuturing ba namin yun na God's Test?

Nag uunahan nanaman ang mga luha ko sa pagtulo, Sumariwa nanaman ang mga pangyayaring pinilit kong kalimutan.

Napahawak nanaman ako aking puso. Sobrang sakit.

Flashback

Parang panaginip ang nangyari isang masamang panaginip.

Kitang kita ko kung paano patumbahan ng kuya ko si Pau.

Isang suntok sa labi ang pinakawalan niya at dahilan upang dumugo iyonn.

"SH*T WAG KAYONG MAKIKIELAM.!" sigaw ni Pau sakanyang mga tauhan.

"ANO BA PIGILAN NIYO! ALAM NIYONG MAHINA ANG KATAWAN NIYA DI BA!" sigaw ko.

"KUYA TAMA NA ANO BA!" sigaw kong muli.

"PVTANGNA! ANO BANG NAGAWA NAMIN NI NINA SAINYO PARA PARUSAHAN MO KAMI NG GANITO!" iyak na sigaw ni Pau.

at lalo nanaman akong naiyak. yun ang ayaw ko ang makitang nahihirapan si Pau gawa ko. gusto ko siyang lapitan ngunit hawak hawak ako ni Mama.

isang suntok nanaman ang pinakawalan ni Kuya kay Pau. tumumba na siya at sa highway siya tumumba. at hindi namin namalayan na may jeep palang papalapit sakanya at masasagasaan siya. walang malay si Pau.

"ANO TUTUNGANGA NALANG BA KAYO SI PAU KUNIN NIYO!" sigaw ko.

Ayan na yung sasakyan masasagasaan na si Pau.

*beep beep beep!*

End of Flashback

Kakaiyak ko at kakasariwa sa mga pangyayari ay hindi o namalayan nakatulog na pala ko sa aming terrace.

Gabi na pala. Wala pa kong kaen simula umaga. Wala akong gana. Si Pau ang palagi kong nasa isip.

Babe nasan ka ? Gusto ko ng sumama sayo. Hindi ko kayang malayo sayo.

Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Di pa nga ata sapat ang salitang Mahal para masabi kung gaano ba kita kamahal.

A Moment to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon