Chapter 23

481 22 4
                                    

[OCTOBER 2, FRIDAY, 6:39 AM]

"Oh Max? Are you ready? Your classmates are going to be watching you."

Napahinga naman ako ng malalim.

Hindi pa rin nagpaparamdam yung taong lupa.

Nakakailang text na rin ako.

"Max? Hello?"

"Ay! Sir. opo."

Pusanggala naman talaga oh. Psh. Di bale na. Huli na to. Takte.

"Magsisimula yung contest ng 8. Hindi ba pupunta ang parents mo?" Tanong ni sir.

Tss. Asa ka pang pupunta yun. Busy yun sa trabaho eh.

"Ahh. Wala sir. Busy po kasi si mama sa work."

Tumango lang siya.

"Ah Sir Bernal! Excuse me po. May kulang daw po kayong hindi napirmahan para po dun sa financial reimbursement ng english fest." tawag ng isang babaeng hindi katangkaran.

"Oh sige Moira. Susunod ako."

"Maxine, maiwan na muna kita ah. Jan ka lang." Sabi niya sa akin.

Wala akong magawa, tumango nalang ako. Saka naman umalis si sir.

Whoo. Kaya mo to Maxine. Grabe.

Lumabas ako ng gym. Hindi ko kaya yung init sa loob. Marami-rami narin kasi yung tao. Malamang division contest yan. Aigoo.

Kinakabahan talaga ako. Takte. Matawagan nga ulit si Anthon baka biglang matauhan at sagutin yung phone.

Pero bago ko pa siya matawagan, biglang may nagtext sa akin.

"From: Antonio Taong Lupa

Good luck.

- End of text."

Agad agad ko namang pinindot ang call button pero sa huli, hindi niya pa rin sinagot. Hmm. Nakakainis na itong taong lupa na ito ah.

Ba't kaya siya hindi sumasagot? Psh. Kadalasan naman, sinasagot niya agad eh. Pero ugh. Hindi ito yung point dito. Kinkabahan pa rin ako. Pusanggala. Ano nga ba yung--

"Max?"

Napalingon naman ako sa taong tumawag sa akin.

Whoa. Familiar siya. Sino nga ba tong taong to?

"Maxine. Kasama ka pala sa oratorical? Kalaban kita? Oohh. Katakot." sabi niya sabay tawa.

Omg. Sino ba to. Sobrang familiar niya. Trevor? Travis? Triton?

"Ahh oo. Kalaban kita? Haha. Nako naman. Dito pa tayo ulit nagkita." I said awkwardly. Paano ba naman kasi, eh di ko nga maalala pangalan eh.

"Okay ka lang ba? Mukhang kabado ka ah." Saad niya.

Sasagot sana ako kaso,

"TRISTAN! DALI NA. MAY REGISTRATION PA PALA." Tawag ng isang babaeng nakasalamin. Mukhang nasa late 30s.

AYUN! TRISTAN! OO NGA PALA. SA OSPITAL!

"Oh Max. Paano ba yan? Una nako. Good luck nalang mamaya."

"Ahh. Oo Tristan. Sige. Good luck din."

Dali dali naman siyang umalis para puntahan ang babaeng tumawag sa kanya.

AY SHEMAY. SI SIR BERNAL!

Pumasok na agad ako da loob ng gym at bumalik sa pwesto ko kanina.

"Sir. Andito na po si Max." sigaw ni Janine.

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon