Chapter XIX

131 11 4
                                    

[AUGUST 7, THURSDAY, 7:09 AM]

Max's POV

Humupa na nga ang issue matapos ang presscon. Although marami pa ang nag-uusap usap tungkol dito, hindi na ito katulad ng dati. I was able to go to work na since yesterday at papunta na rin ako sa trabaho ngayon.

Hindi pa kami masyadong nakapag-usap ni Anthon after nung presscon. Sinabi niya naman sakin na lalabas kami and we did pero saglit lang yun. We just had coffee together. Naging busy kasi sila, rebuilding the name of Silence Breakers and Moon Records.

I, on the other hand am keeping a low profile as of now. Marami pa rin akong pinoproblema lalo pa't bukas malalaman ang resulta ng paternity test.

Napabuntong hininga ako habang nagpapark. Hindi ko maatim na may anak si Anthon sa iba. I felt a slight squeeze in my heart. I shook it off and went inside the building.

Binati ako ng staff ngunit tinanguan ko lang sila. Pagdating ko sa 34th floor ng building, nagtama ang mata namin ni Avery at nginitian niya ako. I gave her a sad smile at dumiretso sa loob.

Tumingin ako sa computer ko at nagbukas ng emails.

Bigla naman pumasok si Avery na may dalang kape.

"Coffee niyo po maam." sambit nito.

"Salamat. By the way, pakicatch up nga ako sa schedule ko for today." utos ko.

"Uhm, there's nothing much naman po. Except for the two meetings scheduled for today. Bale, lunch meeting po yung isa tsaka mamayang 5 po yung isa." sagot niya.

"Okay. Sige. Pakiremind mo nalang ulit ako mamaya at baka makaligtaan ko." saad ko.

"Sige po. May kailangan pa po ba kayo?" tanong niya.

I smiled at her sabay iling.

Tumango naman siya at lumabas na.

Binalik ko naman ang mga mata ko sa screen ng computer ko. Nagbukas ng mga emails at nagtrabaho.

Matapos ang 15 minutes ay nagring ang phone ko. Sinagot ko iyon ng makita kong si Anthon ang tumatawag.

"Hey." bati ko dito.

"Andie, wanna grab lunch later?" he asked.

"Uhm. Anthon sorry but I have a meeting eh. I can't." I told him.

"Oh. Sige. Next time nalang." sabi nito na halatang dismayado.

"Sige. I have to go. Bye." sagot ko.

Wala akong magagawa. I guess kailangan kong dumistansya para kung totoo nga, di ako masaktan ng sobra.

I went back to work, napakahirap ng ginagawa ko dahil kailangan kong icatch up yung mga natira kong trabaho.

Non-stop work lang ako. Katulad ng ginagawa ko dati. Hanggang sa bigla nalang tumunog ang intercom.

"Maam, may bisita po kayo, Beatrice Assuncion daw po."

Nanigas ang buong katawan ko at tumibok ng napakabilis ang puso ko.

"Sige." Ang tanging nasagot ko kay Avery.

Tumayo ako at huminga ng malalim. Nagbukas naman ang pintuan at nakita ko naman si Beatrice palapit sa akin.

"So what brings you to my for-"

Napasinghap ako sa sakit ng pagtama ng kamay niya sa pisngi ko.

"Ang kapal naman talaga ng mukha mong babae ka! Sabi ko layuan mo si Anthon diba?! Bukas na ang resulta ng paternity test! Tanga ka ba? Boba? Si Anthon ang ama ng batang ito!" Sigaw nito.

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon