Chapter 14

654 26 5
                                    

[AUGUST 22, SATURDAY, 1:36 PM]

Max's POV

Aaaaahhhhhh!

"Maaaaaa! Ilang taon na ba ako dito?" Tanong ko kay mama.

Wala kasi siyang trabaho ngayon dahil Saturday.

"Wag kang OA anak, 1 week ka pa lang diyan." Sabi niya.

Eeehhh!

"Bakit nga ako hindi pwedeng lumabas dito?" Tanong ko ulit.

"Kasi sabi ng doctor." sabi niya at kinuha ang mga damit kong lalabhan.

"Haaa? Kelan pa ako pwedeng lumabas?" Pangungulit ko.

"After 2 weeks." sabi niya at tuluyan ng lumabas sa kwarto ko.

"Noooo! My last chance of survivaaal!" Sigaw ko mula sa loob ng kwarto ko.

Noo! Mababaliw na talaga ako! 1 week ako halos nakakulong sa kwarto. Well, may bumibisita naman sa akin.

Kahapon lang, pinuntahan ako ni Allein dito.

Kaya ko na rin tumayo at maglakad pero medjo masakit pa rin.

Lagi rin naman akong binibisita ni Anthon. Para mabuhay kasi, kelangan ko ng kausap.

Mas naging close rin kami ni Allein. Di ko alam kung paano basta nangyari nalang.

Minsan pagwala akong magawa, manood lang ako ng tv, soundtrip, magdodoodle o kaya magbabasa.

Ang sarap ng buhay ko no? Ayaw ko na nga eh. Dali palit tayo ng buhay! Sino may gusto? Taas lang kayong kamay ah.

Huminga ako ng malalim at naglagay ng earphones and one thing led to another, kumakanta na ako.

'Shine bright, tonight. You and I. We're beautiful like diamonds in the sky. Eye to eye, so alive. We're beautiful like diamonds in the sky.'

"Hoy. Wala na bang ikakasintunado yang boses mo?"

Kapal ng mukha neto. Akala mo kung sinong magaling.

"Hoy ka rin! Parang ang ganda rin ng boses mo ah!"

"Umusog ka." Utos niya.

Wow. Makautos naman to.

"Bahay mo?" Tanong ko.

"Kung sasabihin kong oo, uusog ka ba?" Tanong niya.

Taong lupa talaga to.

Umusog nako dahil wala na rin naman akong magagawa.

Humiga siya sa tabihan ko at nilabas niya ang phone niya.

"Gawa mo?" Tanong ko.

"Nagtetext. Pake mo?" Sabi niya.

Init ng ulo neto ah.

"Maiinit ata ulo mo?" Tanong ko.

"Wala kang pake." Sabi niya.

Oh? Letse pala eh. Wala pala akong pake.

"Okay." sabi ko at tinalikuran siya.

Bwisit. Dagdag ng init ng ulo.

Meron pako ngayon. Bwisit.

After 5 minutes narinig ko siyang bumuntong hininga.

Pinalo niya ako ng mahina sa braso ko.

"Galit ka na niyan?" Sabi niya.

"Tsk. Pake mo ba?" Sagot ko.

Bumuntong hininga ulit siya.

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon