Chapter 10

622 21 5
                                    

[AUGUST 12, WEDNESDAY, 2:42 PM]

Max's POV

'What to do when you're bored?'

Lumabas naman ang results.

Ehh. Wala namang kwenta tong results eh. Di ko rin naman magagawa.

Kakasearch ko lang kasi sa google kung anong maganda gawin kapag bored. Tsk. Walang kwenta.

Haaaay. Nakakabored na talaga. Napakabuhay baboy ko na!

Nanay ko naman laging wala dahil nagtatrabaho. Ang nagbabantay lang sa akin si Ate Cecil.

Aigoo. Nakakabored na talaga.

May kumatok naman sa pinto kaya lumapit si Ate Cecil at binuksan niya ito.

"Hi." sabi niya.

Oh?

"Tristan. Anong ginagawa mo dito?" I asked.

Napakamot naman siya ng batok.

Again, May kuto ba dun?

"Ahh. Naospital kasi yung kapatid ko and dito rin siya naadmit so I decided to pay a little visit." sabi niya.

Tumango lang ako.

"Ay! Ate Cecil, si Tristan nga pala. Siya yung tumulong sa akin nung.."

Tumango naman si Ate Cecil.

"Ate mo?" Tanong niya.

"Hindi. Uhm Ano ko siya yung.."

Paano ko ba idedescribe si Ate Cecil? Hmm. She's more than a yaya and a cook though.

"Ah. Kuha ko na." saad niya.

Nginitian ko nalang siya.

"Mga bata, ibibili ko muna kayo ng pagkain sa baba." sabi ni Ate Cecil.

"Sige Ate Cecil! Tsaka bili mo rin ako nung ice cream na Drumstick ah." saad ko.

Tumango lang siya at lumabas na.

Naupo naman si Tristan sa sofa.

"Kumusta ka na? Tanong niya.

"Well, I feel better though. Pero masakit pa rin kapag gumalaw ng sobra." Sagot ko.

Tumango naman siya.

"Ay! Ano nga ba nangyari sa kapatid mo?" Pahabol kong tanong.

"Dehydration. Makakalabas na rin siguro yun bukas."

The he murmured something.

Ano yun?

"Ha? Ano sabi mo?" Tanong ko.

Umiling naman siya.

Eee. Sinabi niya na!

"Eh. Sige na. Pleasee."

He smiled sabay iling.

"Curiousity kills." sabi ko in some manner.

"Sigeee naa." pamimilit ko.

Bumuntong hininga siya. Was that a sign of defeat??

"Sabi ko, magiging miserable nanaman yung buhay niya." Sabi niya.

Hmm.

"Mind if I ask why?" Tanong ko.

Bumuntong hininga ulit siya.

"Nakikita ko kasi siyang sinasaktan ng sarili niyang asawa. 27 pa lang siya kaso nag-asawa siya ng maaga. May isang anak na sila." Sabi niya.

"Ampon lang kasi ako. Kaya kahit na gusto kong makialam sa mga nangyayari, sinasabi ni Ate na wag na raw kasi hindi naman raw ako pamilya." dagdag niya.

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon