Chapter 25

496 20 6
                                    

[OCTOBER 5, MONDAY, 5:50 AM]

Max's POV

Monday nanaman. Jusmi.

Bumangon na ako sa kama ako at inayos ito. Kinuha ko naman agad yung phone ko at charger dahil nalow-bat kagabi.

Ba't ganito kaaga pag mag-aaral eh no? Psh.

Pumasok na ako sa banyo at umupo sa bowl, eyes half opened. Inaantok pa talaga ako.

Napaisip akong nasasayang yung oras ko na nakaupo doon kaya tumayo na ako at naligo.

Shampoo dito, shampoo doon. Sabon dito, sabon doon. Banlaw dito, banlaw doon.

Matapos kong maligo ay lumabas na ako ng nakatapis lang. Tumambad sa akin ang malaki kong aparador.

Kumuha ako ng uniform ko at nag bihis na. Napatingin ako sa orasan at nakitang 6:07 na.

Pinuntahan ko ang phone ko t nakitang 12% palang siya. Jusko. Sa school nako magchacharge.

Bumaba na ako.

"Good Morning Ate Cecil!" Bati ko sa kanya.

"Good Morning din Max. Kumain ka na iha. Nakahanda na yung pagkain mo sa baba." saad noya habang nagwawalis.

"By the way, asan nga po pala si mama?" Tanong ko.

"Kanina pa umalis. Mga 4 AM. Babyahe kasi sila ngayon. Di niya nababggit kung saan eh."

Tumango nalang ako at bumaba na. Asan kaya siya pumunta? Tsaka malayo yung pupuntahan nila ah. 4 AM palang pero umalis na sila.

Wala akong naging choice kung hindi kumain. Para namang ayaw ko eh no?

Matapos kumain ay sinabihan ako ni

Ate Cecil na siya na raw ang maghuhugas kaya hinyaan ko na siya.

Habang umaakyat napatingin ako sa orasan.

6:36 AM.

Whoa! Wala pa ba si Anthon? Kailangan ko ng makarating sa school.

Dali dali kong kinuha yung phone ko sa kwarto ng napansin kong may text pala.

'From Antonio Taong Lupa

Max. Di kita masusundo. Sorry.

-End of text'

Ughhhh. 16 minutes ago ko pa narecieve. Magcocommute na ako.

Bumaba na ako at nakasalubong ko si Ate Cecil.

"Oh Max? Si Anthon? Wala ata ngayon." Tanong niya.

"Nagtext Ate. Di raw ako masusundo."

"Talaga? Oh sige. Lumakad ka na at baka malate ka. Ingat." saad niya.

"Bye Ate Cecil!"

Lumabas na ako ng bahay at naglakad sa may kanto.

Lumipas ang 5 minuto bago ako nakasakay ng jeep.

Shit shit shit. Malelate nako.

Makalipas ang 15 minutes, nakarating na din ako sa school.

Napatingin ako sa orasan, ugh. 3 minutes nalang magstastart na klase ko.

Huminga akong malalim at tumakbo na ako. Wala na akong pake sa kung sino mang makakita sa akin. Shit.

Ayan na. Malapit nako!

Naririnig ko na ang ingay sa room namin.

Nakarating naman ako doon ng 6:59. Tumahimik sila saglit ng makita nila ako.

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon