Chapter 31

643 24 11
                                    

[OCTOBER 24, SATURDAY, 4:30 PM]

Max's POV

"Yes mom. I'll be home before 11." sabi ko sa nanay ko for the nth time.

"Sige anak. Ingat kayo."

Umalis na kami ni Tristan. 6:30 ang get together nila ng banda kaya kakain muna kami sa labas.

Sumakay kami ng taxi papunta sa isang kainan.

"Max. Ano okay na ba kayo nung best friend mo?" bigla niyang naitanong.

Tsk. Hindi. More than a week. More than a week na kaming hindi nagkakausap. Nasikmura niya yun?

Ako. Halos hindi makatulog. Ano kayang ginagawa niya? Haay.

"Max. Ayos ka lang?" tanong ni Tristan.

"Ah. Oo. Sorry. Ano nga ulit yung tanong mo?"

"Kumusta na kayo nung best friend mo?"

Oo. Naikwento ko na din sa kanya. Madalas kasi kaming magtext. Sa school naman, oo. Hindi kami nag-uusap. Madalas kong kasama sina Allein.

"Wala pa rin eh."

"You guys will be fine, Max. You'll be fine."

Sabi nito habang tinatapik ang balikat ko.

Silence followed after the awkward conversation. We're not usually like this.

Usually jolly lang. Yung aura kasi ngayon, iba eh. Dala na rin siguro ng mood ko.

Maya maya ay huminto na ang taxi, sa Tristan naman and nagbayad. Nasa mall pala kami.

"Max, tara?" Tristan blurted out.

"Ahh oo."

Masaya namang kasama si Tristan. Promise. Nakakawala ng stress. Pag kasama mo siya, feeling mo wala siyang problemang hinaharap sa buhay.

"Max? Okay ka lang ba?" tanong nito.

Nasa kalagitnaan na kami ng kain namin, napansin niya sigurong hindi ako nakikinig.

Nakakakonsensya tuloy. Nasa Japanese restaurant kasi kami at laging si Anthon ang kasama ko kapag kumakain kami sa mga ganto.

"Ha? Uhm. Oo. Ayos lang ako." sagot ko.

"Hindi ako nainiwala Max. Alam mo, pwede ka namang magshare sa mga nararamdaman mo eh. Hindi naman kita huhusgahan so kung gusto mo, makikinig lang ako." saad nito.

Napatango nalang ako in response.

"I just miss him Tristan. Namimiss kl na siya. Sobra. Hindi ko alam kung paano niya nasisikmura na hindi ako kausapin araw araw. Hindi ko alam kung bakit siya ganun. Masaya na ba siya, dahil nawala na yung isang kalbaryo sa buhay niya? Masaya ba siya dahil wala na ako sa buhay niya? Hindi naman ako nagkulang Tristan eh. Masama bang maghangad na siya naman ang kumilos? Siya naman ang gumalaw para maayos yung friendship namin? Hindi yung ako nalang lagi. Ako nalang lagi yung nag eeffort para sa hinayupak na yun." tuloy tuloy kong sabi.

"Oo. Naiintindihan ko ang gusto mong ipahiwatig Max. Pero hindi natin alam, baka nagsisisi na din si Anthon ngayon. Baka nasasaktan din siya."

"Baka nga Tristan. Pero puro pride nalang ba yung papairalin namin dito? Hindi ba unfair naman yun sa side ko? Na kahit dati, ako yung nag aadjust para sa kanya? And this one time, hindi ba pwedeng siya naman muna yung magbaba ng pride niya? Kahit na konti lang."

"Well, hindi ko man ganoon ka-kilala si Anthon, alam kong mataas talaga yung pride niya. So kung gusto mo talaga, baka maghintay ka lang muna hanggang sa marealize niyang importante ka talaga sa kanya."

EverlastingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon