07: Ang Hindi Inaasahan

62 3 0
                                    

Sabi sa akin ni mama na huwag akong magmamadali dapat ko daw muna pag-isapan ang aking gagawin. Darating din daw ang oras na makukuha ko ang aking gusto, sa tamang panahon. Noong trainee naman ako sa pulisya, laging pinapaalala sa amin ng instructor na huwag bastang susugod kung wala kaming back-up. Pareho ko naman silang pinakinggan kaya hanggang ngayon ligtas pa rin ako. Naiiba ang araw na ito dahil nakalimutan ko ang pangaral ni mama at ng aking instructor. Nagmadali ako at hindi man lang inisip ang lahat. Parang hindi ako detective sa oras na ito.

Pagdating ko sa abandonadong bahay ng Ivatan, nakita ko si Milagros sa parehong pwesto kung saan namin siya iniwan kanina. Matamlay pa rin siya pero ngayon mabilis na ang kanyang paghinga.

"Renea..." sabi sakin ni Milagros.

"Huwag kang bibitiw nandito na ako," sabi ko sa kanya. Nilabas ko ang balahibo ng kanyang pakpak na binigay sakin ni Father Sonny. "Please lang gumana ito."

Hindi ko alam kung ano ang aking ginagawa basta tinapat ko lang ang balahibo sa kanyang pakpak. Agad naman itong dumikit at parang nabuhayan ang kanyang pakpak. Tumayo si Milagros na nanumbalik ang lakas. Inunat niya ang kanyang pakpak at sa hindi ko inaasahan ito'y naging kulay itim.

Nakangiti si Milagros nang tumingin sa akin. Ibang anghel na ang kaharap ko, wala na ang maamong mukha napalitan na ngayon ng mukhang may masamang pinaplano.

"Maraming salamat Renea," sabi ni Milagros na nakangiti pa rin. "Dahil sa iyo bumalik na ang aking lakas at mapapatuloy ko na ang aking plano."

"Wait lang, hindi ko maintindihan ang nangyayari at bakit kulay itim ang pakpak mo?"

Tinawanan niya ng malakas ang tanong ko. "Hindi pa ba halata? Isa kang detective diba, ano kaya kung ikaw ang sumagot sa tanong mo?"

Unti-unti akong umatras sa kanya dahil kung ano man ang mangyari ngayon wala akong laban sa kanya. "May ilan akong masamang hinala na hindi magagawa ng isang anghel."

"Sabihin mo na, handa akong makinig," ang tono ng kanyang boses ay parang Doña na mahilig mag-utos.

"Ikaw ang may kagagawan ng lahat. Sinadya mong makuha ni Father Sonny ang kapiraso ng iyong pakpak noong dadalhin mo na sana siya sa langit. Kagustuhan mong maging halimaw ang mga taong mapapagaling niya," sagot ko sa kanya kahit hindi ko tanggap ang mga ito.

Pumalakpak siya sa sinabi ko. "Isa ka talagang magaling na detective, tama lahat ng sinabi mo. Sinadya kong bigyan ng kapiraso ng aking pakpak ang pari kahit kapalit nito ang buhay ko dahil alam ko namang may tao diyan na katulad mo ang tutulong sa akin para bumalik ang aking lakas. Alam ko kasi kung gaano kalakas ang pananalig ninyong mga tao sa amin, isang salita ko lang paniniwalaan niyo na."

"Sinamantala mo ang tiwala ko," sabi ko sabay bunot ng aking baril.

"Sa tingin mo ba tatablan ako niyan?"

Kanina ko pa pinipigil ang aking galit at gusto ko na itong ilabas dito sa pekeng anghel na kaharap ko ngayon. Bakit puro ganito ang nangyari sa akin sa Batanes, nasaksihan ko ang mga bagay na hindi ko inaasahan. Sinusubukan ba ang paniniwala ko?

"Isa kang anghel, bakit mo ginagawa ito?"

"Dahil sawa na siyang sumunod sa utos ng Diyos," sabi ng isang babae na pamilyar ang boses.

Tumalikod ako at nakita ko si Maggie. Napangiti ako sa tuwa na muling makita ang aking kaibigan.

"Isa ka sa Fallen, mga anghel na pinatapon ng Panginoon dahil hindi niya gusto ang inyong ugali," sabi ni Maggie na hindi nawawala ang tingin kay Milagros.

Heaven SentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon