06: Ang Milagrong Mula sa Langit

53 2 0
                                    

Tahimik sa Fundacion Pacita. Maliban sa security guard at receptionist walang makikitang tao sa hotel. Tinanong ko ang receptionist kung nasaan ang ibang bisita. Sagot niya, na lahat daw ay nasa Tukon Church at doon nagtent para abangan si Father Sonny. Kung ganon wala na akong poproblemahin dito, lahat ng napagaling ng pari ay naroon mismo sa simbahan. Maliban na lang siguro kung mayroon nang umuwi patungong Maynila o saan mang lugar dito sa Pilipinas at sa ibang bahagi ng mundo.

Nagtungo ako sa second floor para kunin ang isa ko pang pakay dito, ang kahon ni Maggie. Napakatahimik dito na nakakapanibago sa akin lalo pa't lumaki ako sa lungsod. Bubuksan ko na sana ang pinto ng aming silid nang makarinig ako ng yapak. Lumingon ako sa aking kaliwa at nakita ko ang isang matandang babae na nakatayo lang habang nakatitig sa akin. Iniisip ko nabaka hindi niya makita ang kanyang silid at kailangan niya ng tulong.

"Kailangan niyo po ng tulong 'nay?" tanong ko habang papalapit ako sa kanya.

Matangkad ako sa kanya ng unti kaya tumingal siya sa akin pagkalapit ko sa kanya. Doon ko na nakita na may kakaiba sa kanya. Namumula ang kanyang mata habang maputla ang kanyang labi at mukha. Naglalabasan naman ang kanyang ugat sa noo at baba. Kinakabahan ako ng unti dahil alam kong may kakaiba sa kanya at hindi ito maganda.

"Nay, may problema ba sa inyo?"

Hindi niya ako sinagot bagkus tinulak niya ako pabagsak sa sahig. Hindi ko inaasahan ang kanyang lakas sa ganitong edad. Dinaganan niya ako at hinawakan ng mahigpit ang aking leeg habang hinahampas ang ulo ko sa sahig. Ayoko sana siyang saktan dahil matanda lang siya pero ayoko rin mawalan ng malay dito kaya ginawa ko dito ang hindi ko magagawa sa isang matanda. Hinawakan ko ang kanyang braso at gamit ang aking tuhod inangat ko siya at binato papunta sa pader. Makakatulong din pala ang pag-gym ko tuwing linggo.

Hindi pa ako masyadong nakakatayo nang biglang pumasan sa aking likod ang matanda. Hinawakan naman niya ang aking mukha at hula ko balak niyang pilipitin ang aking leeg. Kumilos agad ako, hinampas ko ng ilang beses sa pader ang aking likod para sa ganon pati siya masaktan pero wala itong nagawa. Nakapasan pa rin siya sa akin hanggang sa kagatin niya ang aking balikat. Bigla kong naalala nang kagatin ako ng aso sa binti noong bata ako, hanggang ngayon nandoon pa rin ang peklat at mukhang magkakaroon din ako sa balikat.

Pagktapos kong sumigaw ng malakas dahil sa kanyang kagat sinutok ko ang kanyang mukha hanggang sa mahulog siya sa sahig. Napansin ko naman na naiwang nakabaon sa aking balikat ang kanyang pustiso. Tinanggal ko ito at tinapon kung saan. Paglingon ko naman sa aking kanan nakita kong nakabangon na ang matanda ngunit hindi ko napansin ang kanyang kamao na tumama sa aking mukha.

Pinigilan ko ang aking sarili na matumba kahit na nahihilo ako. Nakarinig ako sunod ng pag-ungol at pagtalikod ko, naroon ang matanda at aktong susuntukin ako sa tiyan. Mabuti na lang nakailag ako at ang tinamaan ay 'yung pader. Sa hindi mapaliwanag na pangyayari nabutas niya ang sementong pader. Hindi talaga ako makapaniwala sa lakas na taglay nito ni nanay at idagdag pa dito ang kanyang bilis na hindi niya dapat nagagawa dahil sa kanyang edad.

Kung nakailag ako sa kanyang suntok, hindi ko naman naiwasan ang kanyang paglundag patungo sa akin. Hindi ko naman inaasahan ang kanyang bigat kaya hindi ko siya kinaya nang tumalon siya sa akin. Bumagsak kami at unang tumama ang aking likod sa isang pinto. Nasira naman ang pinto at tuloy-tuloy akong bumagsak sa sahig. Sumakit ang aking likod at nahirapan agad akong tumayo. Mas naunang tumayo ang matanda at dinaganan ako habang sinasakal ang aking leeg. Nahihilo pa rin ako kaya hindi ko na kayang gumanti sa kanya. Hinawakan ko na lang ang kanyang kamay sa pag-asang lumuwag ito kaso hindi at unti-unti na akong nalalagutan ng hininga.

Pipikit na sana ang aking mata nang makarinig ako ng isang malakas na tunog. Lumuwag ang kamay na nakakapit sa aking leeg at walang tigil kong nilanghap ang hangin sa aking paligid. Ganito pala ang pakiramdam kung mamamatay ka na at bigla kang mabubuhay.

Heaven SentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon