CHAPTER 3

36 5 0
                                    

Aberdeen's POV

"May bulaklak syang dala. Hala! Sakin nya ba ibibigay yan? Lalapitan nya ko. Papalapit na sya. Konting hakbang na lang. Papala---"

"HOY ABERDEEN! ANONG ORAS KA GIGISING KUNG KELAN PASKO NA?"

Naranasan mo na bang ang ganda na ng panaginip mo, tipong "andun na eh, nawala pa?" Saya talaga!

"Ma! Yung boses mo pede ba? I'm still sleepy!" Reklamo ko habang papikit-pikit ang mata

"May pasok ka pa dba? Tumayo ka na jan at mag asikaso na!" Inis na sabi saken ni Mama sabay bagsak ng pinto.

"Hala! Sya na nga tong nang istorbo sa pretty dreams ko, sya pa galit?" I thought to my self.

Beep beep.. (phone ring):1 message receive.

"Hey deeny, i'm already here. Nasan kna?"

"Kagising ko lang wait lang. Wag ka ng magreply mag aasikaso na ko." I replied.

Hayys! Ito ang mahirap pag maaga pumasok ang kaibigan mo to think na mamaya pa naman ang pasok nyo. Ang ganda pa naman ng FIRST SUBJECT namin. Sa sobrang ganda tinatamad na kong pasukan. Wanna know what? Jaraan! CALCULUS!! But don't get me wrong okay? May alam naman ako sa Math, actually sakin nga nangongopya yung dalawang baliw kong kaibigan ee. HAHAHA!! Tapos alam nyo ba may sasa----

"Nak, itapon mo nga muna yung basura sa labas. May magtatapon ng basura mamaya para maisama na" biglang utos ni Mama.

"Ang hilig talaga umeksena ni mama kahit kelan. My KJ of life ever!" sa isip isip ko habang lumalabas sa kwarto papuntang kusina ng makuha na ang trashbin.

"Ma! Eto ba itatapon ko?" I asked while pointing the trashbin.

"Malamang! Meron ka pa bang ibang nakikita bukod dyan?" Mama asked sarcasticly.

"Napaka bait mo talaga ma! Grabe talaga yang kabaitan mo!"

"Kasi nga nak, ganyan kita kamahal" Sagot ni mama habang nagpipigil ng tawa.

"Should i be thankful of what you said?" I smirked.

"Hahaha!" Then she burst out laughing. Di nakapag pigil! Tssk!

"Whatever ma! Dalhin ko na to at may pasok pa ko!" I said in defeat.

Nung pagkalabas ko sa gate para itapon ung basura , di ko maiwasan na hindi isipin si Mama. Jusko day! Ina ko ba talaga yun? Lakas ng sapak ee! Mas malala pa sa mga kaibigan kong kalalabas lang mental na matitino!

While i'm thinking about my Mama's behavior i can't help to myself but to smile crazily. At nang dahil sa pag iisip ko hindi ko namalayan na may bolang papatama saking muka at huli na para umiwas.

"Aray! Ang sakit! Ammmp!!" Reklamo ko while caressing my face. Sakit kaya.

"Hala ate? Sorry! Natamaan ka ba?" Seriously? Tinatanong nya ko kung natamaan ba daw ako?

"Ayy hindi kuya! Hindi ako aaray kasi hindi ako natamaan ng pesteng bola na hawak mo! Hindi ka lalapit dito sakin kasi nga hindi ako natamaan ng bola mo! Hindi ko hahawakan ang mukha ko kasi nga hindi ako nasaktan! Seryoso? Tinatanong mo pa ko kung natamaan ako? Obvious naman dba? Goodness" Sa sobrang inis ko napahaba tuloy speech ko.

"Grabe ka naman te, oo o hindi lang isasagot mo dami mo pang sinabe? Dyan ka na nga! Mabuti nga nagsorry pa ko ee"-Odba? Sya pa tong galit?! Tssskk!!

"Aanhin mo yang SORRY mo kung ang sarcastic naman ng dating at saka---" Di pa ko natatapos sa pagsasalita ko inalisan na agad ako? Aba bastos to ah.

"Hoy lalaking bas--" Pagtawag ko sa kanya.

"Bye ate!!" See you next time" He said while waving his hand.

Inalisan ako ng ganun ganun na lang? Ilang tao pa ba ang maeencounter ko para lang inisin ako ngayong umaga?! Una si mama na "KJ to my life" sunod naman yung "Bastos-na-walang-modong lalaki yun" wala na sanang susunod pa at baka di ko na matancha!

"Aaaah! Asar ung lalaking yun aa? Wag ko lang talagang makikita yun masasapak ko talaga yun!" Atungal ko habang nagpapadyak ng paa papasok ng bahay.

Pagpasok ko sa bahay sakto namang paglabas ni Mama sa kusina.. Here we are again!

"Nak, sino nanamang kaaway mo at nakabusangot yang muka mo?" Tanong ng KJ kong ina.

"None of your business ma, badtrip ako kanina pa!" Sigaw ko habang tumatakbo paakyat ng hagdan. Kelangan agad makapasok sa kwarto kundi..

"ABERDEEN FERRER BUMABA KA DITO NGAYON NA!!" Mama commanded in her angered voice.

Di ko nalang pinansin si Mama, bubungangaan lang ako nyan eh. Nakakarindi. Nakakasawa. But in fairness, nakakapagod tumakbo ng mabilis.

The time passed, bilis ko ba? Shempre "The Flash" yata to. Nakaligo na ko (fortunately, wala si Mama sa baba baka nasa CR). Nakabihis na, tama na yung simple outfit di na kelangan pumorma ng todo Almost done. Prepare nalang para sa gamit and mabuti nalang binigyan na ko ni Mama ng baon kagabe.

Ready na sa pagpasok.

Paglabas ko sakto namang nasa sala si Mama at nanonuod ng tv..

"Ma? Papasok na po ko" Paalam ko habang nagmamadaling lumabas.

"Kumaen ka muna!"

"Sa skul nalang ma, nagmamadali na din eh. Bye ma"!

"Sgee, ingat"!

At dahil hindi ako napagalitan ni Mama. Goodvibes ako for now. At di ko ineexpect na ang pagiging goodvibes ko ay magiging panandalian lamang.

"Ate? Diba ikaw yun kanina?" Tanong ng lalaking nakakaasar kanina.

"Di ako yun! Kambal ko yun"! I answered with my sarcastic tone.

"Ah! So may kambal ka pala?"

Sasagot pa sana ako nung pagkatingin ko sa kanya ang lawak ng ngiti at kulang nalang mapunit ang bibig ng baliw na lalaking to sa laki ng ngiti!!

"Kung wala kang magawa sa buhay mo, pwede ba tumigil ka? Kanina pa ko naiinis sayo ah! At tsaka bakit ka ba nakikisabay saken maglakad, close ba tayo?!" Sigaw ko sa kanya habang nanggagalaiti sa inis.

"HAHAHA!! Relax, ang init ng ulo eh? Nagsorry naman ako ah? Di kita sinusundan parehas lang tayo ng daan, assuming ka naman masyado" Sagot nya habang nakangisi.

"Anoooo?! Hoy bumalik ka dito!" Kaso tinakasan na ko ng bwisit na lalaking yun, hahampasin ko pa naman sana ng suot kong sapatos kaso tumakbo na.

Hinayaan ko nalang at sumakay nalang ako sa jeep going to Rocketeer University. Speaking of, kanina pa pala naghihintay si Rachelle dun. Paktayy!!

Better luck next time Deeny, makikita mo pa ulit yung ugok na yun. Don't worry.

RAK EuphonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon