Chapter 1: First day

1.7K 52 1
                                    

Papasok na ko sa bago kong school, ang Brent Academy. Lumipat ako ng school dahil sa yung school ko dati may favoritism. Kung favorite ka ng teacher, ikaw yung magiging top one. Unfair diba?
Kaya napagpasyasahan ng mga magulang ko na ilipat na ako ng school at ayun nga ang Brent Academy. Nasa tapat na ako ng gate ng Brent Academy nang may nakasalubong ako na isang matandang lalaki, tinuro niya kung saan ang room ko. Pagkapasok ko wala akong nadatnan na estyudante sa loob ng room, kundi mga bag lang nila ang nadatnan ko. Nilagay ko sa isang upuan ang aking bag. Nakita ako ng matandang lalaki na mag isa sa room. Nasa second floor ang room ko. Sa first floor kasi ayun yung mga room ng elementary saka nursery. Meron ding third floor pero di ko pa nakikita..

"Hija, halika dito at pupunta tayo sa baba para makilala mo ang mga bago mong kaklase."sabi niya sakin ng nakangiti.

Tumango na lang ako bilang sagot.
Bumaba na kami at pinakilala sakin nung matanda ang isang babae na ang pangalan ay Mikaela, siya daw yung top 1 last year sa klase nila namin.

"Hello." sabi nung mikaela

Hindi ko sya sinagot kasi nahihiya ako sa kanya.Wala naman siyang sinabi nung hindi ko sya pinansin.
Pagkatapos nun, umakyat na lang  uli ako sa room namin tapos nadatnan ko yung 3 babae na papasok sa room ng Grade 7. Pero hindi ko pinansin kasi hindi ko pa naman sila kilala. Nung tulayan na akong nakapasok sa room namin ay meron isang binata nasa edad na 20 na kumakausap sa mga kaklase ko. Sabi nya siya daw ang adviser ng grade 7. Tinignan ko lang yung lalaking adviser daw namin at saka dumeretso  na lang ako sa upuan ko para maupo.

Pero mga ilang minuto lang pinababa lahat ng estudyante sa may court kung saan ko nakilala si Mikaela. Lahat ng estudyante ng brent academy ay pinaupo sa may sahig pag karating agad namin dun. Mayroon nagsasalita na babae sa harap sa may bandang gilid tapos pinakilala lng ung mga transferee sa iba't ibang section.

Pagkatapos ng seremonyang iyon, bumalik na kami sa room namin.Umupo ako sa pinakalikod ng room namin.Tinuro ako ng guro namin.

"Miss?" Sabi ng titser namin

"Nathalia Sheine Fontaine po"

"Can you sit beside her?" Sabay turo niya dun sa isang babae na walang katabi yung right side

Umiling ako bilang sagot

"Sige na, para ma fill up na yung mga space ng upuan natin."

Umiling pa rin ako bilang sagot

Pero sa huli,tumabi na ko dun sa babaeng tinuro ni sir.

"uhm,can you all introduce yourself? Starting with you."sabay turo ni sir dun sa nakasalamin na lalaki.

Tumayo na yung lalaki na tinuro ni sir.

"Kyle michael roxas." nung papa upo na sya yung nasa likuran nyang lalaki na nakasalamin rin sinusubukan nyang hilahin yung upuan ni kyle pero hawak ni kyle yung upuan niya kaya nakaupo sya ng ayos.

Next na magsasalita yung maliit,mataba at medyo maitim na lalaki

"Iris john Ramirez".

Sumunod naman kay john ay yung lalaki na nakatakip ung mukha gamit ang panyo niya

"James miguel Buensalida or Jm for short." tapos cool syang umupo sa upuan nya.

Pagkatapos ni jm, sumunod naman din yung lalaking nakasalamin yung sa tingin ko ay sinubukan hilahin yung upuan ni kyle para bumagsak sya sa sahig.

"Joel niall trinidad the 3rd."

Napa-isip ako kasi ang tangkad nya tapos para syang hindi grade 7.

mga babae naman next

"Maria angel santiago." ang ganda nya! Maputi siya at straight talaga buhok niya parang naka rebond.

"theresa abby viñas."may pagka itim(kayumanggi),may brace sya pero maganda din.

"Mia sumagpang."matangkad sya na babae at maganda

"jade mendoza" maliit,cute at maganda. Kayumanggi din kulay ng balat niya

"Mikaela Molina." sya yung nakilala ko sa baba. Maganda at cute.

"Julia Reil De guzman." sya ang katabi kong babae ngayon.Mukhang may pagkaboyish sya,pero ok lng mukhang mabait sya.

"Nathalia Sheine Fontaine." ako ang pinaka huli at ayan ang pangalan ko.

Tapos nag pakilala na ang adviser namin.

"I'm Charles Donaldo."

Tapos ang ginawa namin buong araw ay magpakilala at magsabi ng tungkol samin.

~☆~☆~

Sana po nagustohan niyo po tong nagawa ko.

MY FIRST CRUSH IN MY HIGHSCHOOL DAYS //Slow Update//Where stories live. Discover now