*Saturday*
Pagtapos ng pag iyak ko. Buti at nakatulog ako. Pero ng mga 3:00 ng madaling araw na gising ako at umiyak ng tahimik kasi natatakot ako baka magising ko yung mga katabi ko at tanongin kung bakit ako naiyak. Ayaw kong malaman ng pamilya ko yung nangyayari sakin ngayon.
Umiyak ako ng ilang minuto at ipinikit ang mga mata ko, inaalis ang napakasakit na pangyayari sa isip ko.
Pinalitan ng kwento na masaya.*9:00 am*
"Nathalia kain na.." sabi sakin ni ate shaina na tinapik balikat ko at bahagya akong inalog
"Mmmmmm" ungol ko
"Nath. 9:00 na. Bumangon ka na dyan,
Kain na tayo.""Opo.. Saglit lang.."
Lumabas na si ate shaina ng kwarto.
Na upo muna ako sa kama at nag isip isip. Sinabi ko sa sarili ko na 'wag kang iiyak, kailangan mong magpakatatag. Wag kang magpapahalata sakanila. Ngumiti ka lang.'Lumabas na akong ng kwarto at sinabing..
"GOOD MORING!!!!!!!!" masigla kong bati sakanila.
"Good morning ^__^" bati sakin ni mama
Nung binati ako ni mama, hinalikan ko siya sa pisngi pati din si papa, si ate mae at ate shaina.
"Ang sigla ng baby namin ngayon ah?"
Sabi ni papa sakin"Hehehehe.." nasabi ko na lang sakanila
"Tara na Kain na tayo ^___^" sabi ni ate Mae
Kaya lahat kami nag si puntahan na sa kusina.. Umupo na kami sa kaniya kaniyang upuan. Nung nailapag na yung pagkain..
"Mmmm ang sarap naman nito!"
Sabi ni ate MaeWala akong masabi kasi ang ulam namin ay lechon kuwali at chicken.
Yung mga favorite na pagkain niya na sinabi niya sakin dati."Nath chicken o!" Sabi sakin ni mama
"Ahhh opo hehehe.. hmm sarap! Hehe" sabi ko at pilit na ngumiti sa harapan nila.
Pagkatapos kumain. Bumalik ako sa kwarto at hinawakan ang cellphone ko. Pagkahawak ko nun, naalala ko na naman ang nangyare kahapon.
Naluluha na ako pero pinigilan ko yun. Wag, ayaw kong umiyak. Ayaw kong maging mahina lalo na ngayon.
Pero kasi ano ba ginawa ko? Para magkaganun na lang bigla. Ako ba talaga ang may mali? Sa ugali ko may mali ba sakin.Tingin ko siguro meron kasi di naman siya magkakaganun kung walang mali sakin.
Habang naiisip ko yan. Naiyak na ko ng tuluyan. Tingin ko sa aking sarili ay nakakaawa akong tignan. Ayaw ko nun. Ayaw kong mag mukhang kaawa awa. Nakakainis isipin na napakahina ko sobra.Pagkatapos kung umiyak. Humiga ako sa kama at pinikit ang mata ko upang maipahinga ko ito. Habang nakapikit ako, ramdam kong pagod na pagod na ang mata ko. Sinubukan ko itong hawakan, ang init.
Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na naman ako.-_-Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
~☆~☆
"Hoy! Ano ka ba naman nathalia! Kakagising mo lang kanina, natulog ka na naman?!" Ani ni ate mae sakin
Bagkabangon ko sa kama sumakit yung ulo ko. Parang ang bigat bigat.
"O? Anyare dyan sa mata mo?"
"Ahhh di ba kakagising ko lang. Kaya siguro naging ganyan hehehe" palusot ko na lang kay ate
"Ahhhh sige. Labas ka na dyan ha! Kain muna tayo ng tanghalian tapos nuod tayo ng movie ha!!!"
"Sige te. Punta na kong banyo." Sabi ko at mabagal na pumunta sa banyo.
Pag punta sa banyo habang hinihikab. Naupo na ko sa truno at ginawa ang aking ritwal.
Pagkatapos nun dumeretso na ko sa kusina at kumain ng lomi na isa sa specialty ni mama. At katulad nga ng sinabi ni ate mae, manunuod kami ng movie. Andito kami ngayon sa sala para manuod ng movie.
"Panget anong gusto mong panuorin natin na movie?"
"Ahh ikaw na bahala. Kahit ano na lang te" sagot ko sakanya
Yup. Minsan tawag sakin ni ate mae ay panget. Pang asar niya lang yan sakin dati pero nung natagal na natawag niya na kong panget hahaha. Kahit ayaw ko nung una pero nakasanayan ko rin kaya ok lang.
"Ito na lang jurassic world. Di pa din naman natin to napapanuod eh. Ha! Ito na lang?"
"Sige ate. Ikaw bahala ^_^"
~☆~☆
Nung nasa kalagitnaan na nung pinapanood namin ni ate. Bigla bigla na lang pumasok sa isip ko yun.
Di ko talaga maiintindihan kung bakit? Paano nangyare? Ano ginawa ko?Hanggang sa naramdamam ang pagtulo ng aking luha sa pisngi. Pinipigilan kung humikbi. At sa tuwing may tutulo na luha pinupusan ko agad agad yun. Pero habang tumutulo aking luha biglang lumingon si ate sakin. Tinignan niya lang ako at bumalik na sa panunuod niya ng movie.
Di ko alam ang sasabihin ko kung sakaling magtanong siya sakin kung bakit ako naiyak. Pero nagpapasalamat talaga ako kasi wala siyang sinabi.
Naramdaman kong may humawak sa pisngi ko mula sa likuran at pagkatingin ko, si ate shaina pala.
Ang pagkakahawak niya ay napunta sa balikat at pinisil niya yun ng bahagya. Na para bang sinasabi niya na magiging ok din ang lahat, malalampasan mo yan..Guminhawa ang pakiramdam ko dun. Pinilit kong pigilan ang luha ko kasi baka may makakita pang iba. At buti naman tumigil na.
Para di ko na uli yun maisip, mas lalo kong tinuon ang pansin ko dun sa pinapanood namin ni ate.
~☆~☆
Natapos na ang pinapanood namin ni ate. Kung tatanungin niyo kung maganda.. Uhmmm.. Ok lang naman para sakin hehehe
Ang kasalukuyan kong ginagawa ngayon ay hinahawakan ang cellphone, nagdadalawang isip kong bubuksan o hindi.
Sa dulo ng pagdedesisyon binuksan ko din yung cellphone ko. Pagkabukas ko nun, pumunta ako sa messenger ko. At tinry kong buksan yung chat namin.
You can no longer reply to this conversation.
Binlock niya ako. Pero bakit? Ganun niya na ba ako kaayaw?
maraming mga tanong sa isip ko na gusto ko agad masagot.Umiyak na naman ako ng tahimik.
Sa tuwing naiisip ko ang nangyayare sakin lalo akong naiiyak. Naawa sa sarili ko. Kasi para sakanya nagkakaganito ako? Sabagay kaya siguro ganito kasi bata pa kami. Wala pa talaga kaming alam dito.To be continued~~
The worst thing about being lied about to is knowing you weren't worth the truth
Hello!!!! T^T nagugustohan niyo pa ba yung storya ko? o ang panget na?T^T sorry po kung panget T^T pagbubutihin ko pa po yung pagsusulat..
Sa mga nagbabasa pa po nito maraming maraming salamat ^__^
Sana masuportahan niyo po tong storya na to hanggang dulo ^__^
Salamat po uli..GOOD MORNING!!! ^____^
YOU ARE READING
MY FIRST CRUSH IN MY HIGHSCHOOL DAYS //Slow Update//
RandomHello! Annyeong haseyo! Konnichiwa minna! Please read my story! Thank you very much! Kamsahamnida! Arigatou!