Chapter 38: volleyball

27 0 2
                                    

Buwan na ang nakalipas, nung may ipinagkalat si jk na storya na wala naman katotohanan. Napatawad ko na din si jk. Di ako mahilig magkimkim ng sama ng loob. Gusto ko ayos lang kami lagi nang lahat ng tao na nakakasalamuha ko. Saka sobrang awkward din kasi. Dahil isang time na may group activity kami sa math. Di kami nagpansinan, nadamay din yung ibang kagrupo namin. Tinry ko naman noon pero di talaga eh. Naiirita ako pag nakikita ko siya. Pero ngayon, ok na wala na kong pake sakanya.

"Nathalia, ikaw diba yung naglilista nung mga absent?" Tanong ni baygon

Tumango ako bilang sagot.

"Ah eh ano kasi kaya ako absent kahapon kasi may pinuntahan kami."

"Ah sige? Kay miss mo na lang iexplain kung bakit ka absent."

"Ay oo nga noh! Hahahaha"

Tss. Ewan sayo.

"Good morning class! Ngayon ay maglalaro tayo ng volleyball. Kaya tayo na at pumunta na sa M.P.H (multi-purpose hall)"

Eh?! Kinakabahan ako kasi di pa ako nakakapag volleyball buong buhay ko. Sa dati kong school di naman kami nagaganito kasi wala kaming sariling court. Pag pupunta naman kami sa clubhouse, iba ang ginagawa namin, hindi kami nag iisports.

*M.P.H*

"Syempre ang topic natin for this day ay volleyball. 6 players per team ang kasali sa volleyball. So ang magkakateam ay sina nathalia, mikaela, angel, aly, joel, at baygon. Sa kabilang team naman ay sina abby, mia, jade, joy, jk at john. Ang mananalong team may plus points. " sabi ni sir neil.

Pumuwesto na kami, si angel yung libero daw namin. Di ko nga alam kung ano yun eh. Nandun siya sa gitna. Tapos pinapalibutan namin siya ganun. Tapos nandun ako sa kaliwang likod bale ang mga pwesto namin ay..
Mikaela
Aly Joel
Angel
Nathalia Baygon

Ganyan yung pwesto namin. Kinakabahan ako kasi ako yung magpapatalo sa team namin. Nag serve na si mia, nakuha ni angel. Inassist siya ni aly napunta sa kabila ang bola, kinuha ni abby papunta na sakin yung bola.

~prrrrrtttt~

One point para sa team ni mia. Iniwasan ko yung bola. Natatakot kasi ako. Di ako marunong.

"Sorry po.. sorry po talaga. Di po kasi ako marunong niyan."

Sa totoo lang nahiya ako kasi di ko lang grade yun eh, grade din nila. Di ko alam kung anong gagawin bukod sa paghingi ng tawad. Hayy, makapag practice nga mamaya.

Nakapuntos ng nakapuntos ang kabilang team. Isang set lang naman ang laro namin. Bawat serve ko, laging outside o di kaya naman di umaabot sa kabila. Nakakahiya, di kasi ako sporty ehh. Bakitt T^T sa dulo ng laro, nanalo yung team ni mia. Pagkatapos nung laro, humingi ako ng sorry sakanila pero sabi nila ok lang daw yun. Pero hindi, gusto ko matutunan to para di na uli maulit to. Para makatira na ako sa susunod. Makapag receive saka serve kahit yun lang, ok na.

"O, ok na. Bumalik na kayo sa classroom niyo at hintayin ang next teacher niyo." Sabi ni sir

"Sige po sir." Sagot namin sakanya

~*~^~*

"Tara nathalia palit tayo ng damit hehe" yaya sakin ni jade

" sige, saglit lang kunin ko lang yung damit ko. Sunod na lang ako."

Nakapag palit na kami ng damit. Fresh na uli(weh? Haha) Si sir charles na next namin na teacher. Naghintay kami pero walang dumating na maestro. Ang di namin alam free time na pala kami sa natitirang oras namin dito sa school para sa ngayong araw. Dumating na yung uwian. Kailangan kong mag paiwan. Pero parang tinatamad ako. Ano na nathalia? Ano na? Kailangan mong maging masipag. Wag kang maging selfish.

Kaya sa dulo din, napagdesisyunan ko nang mag stay dito at mag practice ng volleyball. Hiniram ko yung bola na pang volleyball kay sir. Pinihiram naman ako pero daw ingatan ko daw. Wag ko daw paputahin sa bubong. Sabi ko na lang opo sir.

*M.P.H*

'Go nathalia, kaya mo yan' sabi ko sa sarili ko

Nag try ako mag spike kaso lang bumagsak lang. Di ko masakto. Actually mukha akong tnga habang ginagawa ko yun ng paulit ulit. Nag try ako mag concentrate. Binato ko uli yung bola pataas sakin.

"Ahhhhh! Ang sakitt!"

Pano ba naman? Natamaan ko yung bola kaso lang sa daliri ko naman lumanding. Ang sakit eh.

"Ok ka lang?"

Napatingin ako kung saan nanggaling yung boses na yun. Tumango ako.
Kahit sa totoo lang masakit talaga kasi di ako sanay.

"Gusto mo tulungan kita?"

"Pwede ba? Baka nakakaabala lang ako."

"Ok lang, di pa naman ako uuwi. "

Tinoss niya sakin yung bola. Di ko nasambot as usual.

"Pano ka mag receive ng bola?"

Nag position ako. Pinakita ko sakanya.

"Tigasan mo yung kamay mo."

Bigla niyang hinampas ng hinampas yung bola sa kamay ko.

"O ayan. Ganyan ka lang. Itotoss ko uli yung bola, wag kang matakot sa bola. Mag focus ka lang dun sa bola. "

Nagawa ko naman kaso lang masyadong mababa.

"Taasan mo lang. Pero very good kanina."

Inulit niya uli. Tinoss niya yung bola.

"Ayun nice!"

Nagawa ko! Yesss!

"Ngayon naman ibabato bato ko yung bola kung saan saan ok?"

"Sige."

"Ready!"

Habol ako doon, diyan, dito. Kung saan saan. Di ko lagi nakukuha pero meron din naman na ayos lang. Ang hirap sobra akong napagod. Pero atleast may natutunan ako. Magdidilim na kaya, nagpaalam na ko at nagpasalamat sa kanya. Marunong na akong mag receivee pero magaling. Pero ok lang. Atleast di na pabigat sa team hehe.

~*~*~*~*

Hellllooo hahahha di pa matataposss itong book na to. Tiis tiis lang grade 8 pa lang(2nd year highschool). Madami pang mangyayare hehe

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY FIRST CRUSH IN MY HIGHSCHOOL DAYS //Slow Update//Where stories live. Discover now