Pupunta kami ngayon sa Main Campus ng Brent academy. Lahat ng babae kong kaklase kasama sa astro Camp at si Jm lang yung kasama sa kaklase kong lalaki. Ang alam ko Magdamag kaming gising dito sa astro camp in short puyatan ang mangayayare. Sasakay na kami ng jeep papunta sa main campus.
*Jeep*
"Mikaela, ito yung tinorture si Kaneki ken (anime sa tokyo ghoul). Panoorin mo."sabi ko sa kanya.
Habang nanunuod si mikaela nakikitingin din si jade
"Ewwww." Sabi ni jade
Yung pinanuod ko kasi kay mikaela ay nakakadiri kaya siguro ganun ang nasabi ni jade. Pagkasabi nun ni jade nakikitingin na din yung mga grade six.
*Main campus*
Ang laki! Ngayon lng kasi ako nakarating sa main campus. Mas maganda itong main campus kesa sa academy namin. Ang lawak din ng Canteen nila ang dami pang nagtitinda.
Papunta kami ngayon sa court dun ata gaganapin yung astro camp. Hayyy ang dami palang taong dadating,pati din yung mga taga ibang academy na dito din. Buti na lng hindi mainit dito kahit madaming tao siguro kasi malapit ng mag pasko.
"Hello i'm kuya bernard and i'm gonna be your instructor for tonight. Please, be cooperative in the following activities." Sabi nung nasa harap na ang pangalan daw ay kuya bernard.
"So this constellation is called~~~"
Di na ko nakinig masyado sa lectures ni kuya bernard ang boring kasi nun....
~☆~☆~
"Uhm, Casans pwede na kayong kumain ng gabihan." Sabi ni kuya bernard
Hehehe sadyang yun lng talaga ang narinig ko sa mga sinabi ni kuya bernard.
"Tara! Bili na tayo ng pagkain natin!" Sabi samin ni angel
"Tara!" Sabi naman ni mia
Tahimik lang ako nakain kasi may baon naman akong pagkain. Umalis na sila angel tapos kaming tatlo lang ang naiwan dito kami nina mikaela at julia.
"When tomorrow comes..." Rinig kong tunog mula sa stage.
~☆~☆~
Nagsisimula naman si kuya bernard magsalita about sa stars. Nakinig ako ng saglit...
"Sa easter island, may mga taong nakatira dun dati kaso ngayon wala na kasi nung nawalan ng food resource yung island ang ginawa nila para mabuhay kinain nila yung kapwa nila tao." Sabi ni kuya bernard
Ahhh ganun pala yun sabi ko sa isip ko.
"That's what we call cannibalism.."
Parang si kaneki ken kasi kumakain din siya ng kapwa niya ghoul(parang po siyang monster).
*yawn*
Kinuha ko yung bag ko tapos ginawa ko siyang unan para makatulog ako kahit sandali...
~☆~☆~
May nararamdaman akong tumapik sa balikat ko kaya unti unti kong minulat yung mga mata ko.
"Nathalia,tara dun punta tayo sa field may gagawin daw na
Activity."Di ko siya sinagot kasi kakagising ko lng. Tumayo na lng ako at pumunta sa field kung saan may telescope. Ang daming nakapila sa may mga telescope para makita ang mga bitwin ng maayos.
~☆~☆~
Madaling araw na, malapit na kami bumalik sa brent academy. Saka ang hyper ko na naman.
"Zumba tayo! Ako yung zumba instructor!" Sabi ko sabay exercise ng todo kaso lng walang na sabay sakin kaya mukha akong ewan. Pagkatapos ko mag ganun biglang nag salita si kuya bernard...
"Pila lng po kayo kung gusto niyo makahawakan yung bulalakaw."
Tapos ang daming pumila kasi sabi ni kuya bernard pag first time nakahawak ng bulalakaw kailangan mong mag wish tapos matutupad daw yun. Nasa harap ko na yung bulalakaw, namangha ako sa bulalakaw kasi first time ko lng makakita ng ganito tapos nag wish na ko. Ang wish ko na sana pag nagmahal ako sana mahalin din ako ng taong mamahalin ko balang araw.
"Pagkatapos niyong mahawakan lahat ang bulalakaw pwede kayong gumawa ng letter tapos babasahin ko dito sa harapan."
Sabi ni kuya bernardMay hawak na agad si kuya bernard na kapiraso na papel tapos binasa niya ito.
"Yieeeee!" Sabi ng mga tao dito pano ba naman sabi ni Abe kay danielle Goodmorning! Tapos bigla na nila sinabi yun.
Madami ding nagsulat katulad nila sir Nate at mga taong taga ibang academy.
~☆~☆~
Uuwi na din kami sa wakas! Habang nasa jeep kami nag patugtog ako sa phone ko pero syempre naka earphones ako. Nag share kami sa earphones ni mikaela kasi puro mga bts yung kanta ko dun saka kaming tatlo lng nila angel at mikaela ang army. Si mikaela kasi katabi ko kaya kami ang nag share ng earphones. Natugtog na ngayon yung let me know ng bts. Ang galing ni Jimin!!! Samantalang ako tinry ko ginawa yun napahiya pa ako.
~flashback~
"Girl let me know!!"
Tingin lahat sakin yung mga tao sa may parlor kaya kami nandito sinamahan ko si mama mag pagupit. Yung iba napatawa sa pagkanta ko kasi pagkakanta ko nun pumiyok pa ko!
"Sorry po" tapos na peace sign na lang ako sa mga tao na nakatingin pa din sakin.
~end of flashback~
Malapit na kami sa brent, kami naman ni mikaela walang tigil sa pagkanta ng bts songs. Napansin ko kanina pa nakatingin samin si cean(grade 6) tapos yung mga tingin niya parang na wi-weirduhan samin. Ok lng yun naiintindihan ko naman siya. Hindi kasi siya sanay sa korean language na naririnig niya samin ganun din naman ako nung hindi pa ako mahilig sa bts o mga kpop.
*Bahay*
"O,kamusta? Ano ginawa niyo sa astro camp?" Sabi ni mama,nasa lamesa sila ngayon nag kakape. Mga 7:00 ng umaga na kasi na ka dating sa brent academy.
"Ok lng po, tumingin lng po ng bituin."
"Ahhh tumingin lang pala kayo ng bituin eh. Sana pumunta na lng tayo ng terrace natin tapos doon ka na lng tayo tumingin ng bituin,makakatipid ka pa. Di ba?" Sabi ni Ate Mae
Tumawa na lng ako ng mahina kasi pagod na talaga ako. Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga para makatulog mamaya na lang ako magbibihis kasi inaantok na talaga ako.
~☆~☆~
Pagkagising ko hablot agad ng cellphone tapos tinignan ko fb ko, may nag message sakin sa messenger ko. Pagkakita ko si joe..
{Chat}
"Tabby, mag ingat ka jan ha. Pag may lumapit na lalaki sayo iwasan mo agad, wag mong papansinin. Miss you."-joe
"Salamat po sa pag aalala." Tapos nag change topic na po ako agad kasi di ko naman kasi siya gusto para sabihan ng i miss you too kaya pinakita ko na lng yung picture ni rap moster.
"Kilala mo'to?" Tanong ko
"Ahh yung bakla."
"Hindi siya bakla!!!"
Puro ganyan yung usapan namin lagi kami nag babangayan kasi lagi niyang sinasabihan na bakla daw bts. Mas gwapo pa nga bts kesa sakanya.
~☆~☆~
Anong pipiliin mo ikaw ang maiiwanan o ikaw ang mang iiwan?
Ako ang sagot ko sa tanong na yan gusto ko ako yung maiiwanan kasi ayoko masaktan yung taong mahal ko mas gusto ko na ako na lang dumanas ng sakit kesa siya kasi ganun ko siya kamahal.
Pwede niyo po yan sagutin sa comment kung gusto niyo po sagutin,salamat po! Hugot lang po pala yung sagot ko hehehehe.😁😁😁
Saka po kung gusto niyo mapanood yung let me know ng bts punta po kayo sa multimedia section. Salamat po ulit!!
YOU ARE READING
MY FIRST CRUSH IN MY HIGHSCHOOL DAYS //Slow Update//
RandomHello! Annyeong haseyo! Konnichiwa minna! Please read my story! Thank you very much! Kamsahamnida! Arigatou!