Chapter 7: Between joe and julia

426 20 0
                                    

Habang nag lalaro ako sa cellphone ko biglang nag message sa kin si julia.
ang sabi niya dun sa message..
Nathalia wag kang maingay sa sinabi ko ahhh.ang sabi ko naman oo, hindi ko sasabihin kung sino yung crush mo yieeeeeeee.
Hehehe magaling kasi akong mang asar pag dating sa mga ganito.

*tok tok*

"Nathalia kain na!"sabi ni ate shaina

"Opo!"

ang bilis talaga ng oras.bukas bagong araw na naman.

*Morning*

"Nathalia,gising na,umaga na,papasok ka pa sa school mo."

"5 min. pa ate shaina."

"Tumayo ka na dyan."

"5 min. pa ate. 6:30 na lng ako kakain."

"bahala ka nga dyan! Basta wag mo akong sisihin pag na late ka ha!"

hayyyy buti naman nawala na si ate.

"Nathalia gising na!"

"5 min."

"ayaw mo pumasok?!"

ay p*tek! si mama pala to!

"Ito na po,tatayo na ko sa kama."pagkasabi ko nun tumayo na ko sa kama ko.

*yawn*

Nakakatamad talaga kapag bagong gising ka.paulit-ulit lng naman yung mga pangyayare sa school.

*school*

pagkapasok ko sa room namin,pumunta ako sa upuan ko tapos yumuko sa desk.Gusto ko pa kasing matulog eh.

"Nathalia ok ka lng?"

"oo,tutulog lng ako*yawn*"

Habang nakayuko ako,di ako makatulog kasi ang ingay nila. Pero ok lng yun kasi lagi naman ganito sa room,sanay na ko. dati doon sa WWSLC (dati kong school), akala mo may palengke kapag pumasok ka sa room namin kasi laging maingay. lagi pa nga kami na papagalitan eh. kaya na sanay na ko.

*snack*

nakayuko lng ako sa desk ko ng biglang lumapit sakin si joe.Napapansin ko kay joe parati na syang nalapit sakin. ano kaya meron?

Tinusok niya ako sa tagiliran ko kasi akala niya may kiliti ako dun pero mali siya kasi wala akong kiliti dun.

Di ko na lng siya pinansin,pinabayaan ko lng siya.Bigla siyang nag tanong....

"Ano nangyare?"sabi niya

"huh? wala,walang nangyare."sabi habang naka yuko parin sa desk ko.

"eh bakit ka ganyan?"

"inaantok ako."

"ahhhhh ok."

"Laro tayo!"

"anong laro?"pagkasabi ko nun,umupo na ko ng maayos kaya nakikita ko na yung mukha niya

"truth or dare?"

tumango na lng ako bilang sagot.

"Sino una?"tanong ko sa kanya.

"Ladies first."

"Truth." sabi ko

"uhm,  sino yung naging crush mo nung grade 6 ka?"

"si kurt." sinabi ko agad kasi alam kong di niya kilala yun.

"who is he?"

"kaklase ko dati."

"truth."

"ano tingin mo kay julia?"

"mabait."

"ahhhhh ok."

sakto pagkasabi ko nun dumating na si sir charles. SCIENCE!

"We are going to the science lab to see the kinds of apparatus."

"yehey!"sigaw ng iba kong kaklase.

Agad na sumunod kami sa utos ni sir na pumunta sa science lab.

"This the cylinder, the tube rack, ......."

hay! nako! lumilipad na naman utak ko. ayyyy ang cute ng pusa!!!!. lumapit ako sa may bandang gate ng basketball court namin.

"Ming ming...."

pagkasabi ko nun,biglang tumakbo palayo yung pusa.hayyy nako! kainis!
pagkatapos nun bumalik na ko sa science lab, magkalapit lng kasi ang court at science lab kaya mabilis lng ako nakakapunta sa court.

"Akyat na tayo sa taas grade 7!"

sumunod kami sa sinabi ni sir.

*Lunch*

Naiwan ako mag isa na babae sa room kasi bumaba si julia para kunin yung lunch niya.

"Nathalia." sabi ni joe

"po?"

"Bakit mag isa ka lng?"

"kasi bumaba si julia para kunin yung lunch niya."pagkasabi ko nun dumating na si julia.

"julia ano kain na tayo?" sabi ko kay julia

tumango na lng sya bilang sagot.

Alam ni joe na may gusto sa kanya si julia.

~flashback~

Naka topless ngayon si joe, di ko alam kung bakit. baka naiinitan sya? tanong ko sa sarili ko. ayyy ewan!

"yieeeeeee!" sabi ko kay julia

wala siyang sinagot,kinilig lng siya, ang pula na nga ng mukha niya ehhh. Hahahaha.

*lunch*

Lumapit sakin si joe,tapos tinanong ko sa kanya kung kilala niya si riall (combination ng second name nilang dalawa ma reil at niall), sabi niya oo. sabi ko, sige nga sino? sabi niya ako at si julia. ano tama? tanong niya, wala akong sinagot, nag shrug lang ako.

~end of flashback~

Pagkatapos namin ni julia kumain,inaya niya ako na pumunta sa C.R. Tapos pumasok kami sa iaang cubicle na walang toilet. Ganun kasi talaga sa C.R. ng babae, may bakanteng cubicle na walang toilet.

"Uhm,Julia bakit?"tanong ko sa kanya.pero hindi niya ako sinagot.

"Dahil ba to kay joe?"tanong ko uli,peri di pa rin niya ako sinasagot.

"Nagseselos ka ba?"

"....."

"uhm,sorry."

"Nathalia,mamili ka samin!"sabi niya na ikinagulat ko.

~☆~☆

Thank you po sa pag unawa ng mga nagbabasa ng librong ito. SALAMAT!

Be positive in many things!
Morning po!

MY FIRST CRUSH IN MY HIGHSCHOOL DAYS //Slow Update//Where stories live. Discover now