Chapter 34: Gossips

37 1 0
                                    

Tapos na yung foundation namin. Normal na uli schedule namin sa school. Nasa school na ko nag lilibot libot kasi ako palang yung estudyante na grade 7. Medyo maaga pa kasi. Di ko alam kung bakit pero gusto kong maglakad lakad. Siguro dahil maaliwalas yung panahon ngayon. Tama lang hindi malamig hindi mainit. Kaya ang sarap mag lakad.

Naglakad ako sa may damuhan ng school namin. Nakakita ako ng pusang kulay black at white yung kulay niya.

"Meow meow" sabi ko habang nalapit sakanya. Pero lumalayo lang siya sakin. Nung nilapitan ko na talaga siya saka sinubukan ko na hawakan siya sa ulo. Tumakbo siya kaya hinabol ko.

"Mingggg minggg!!!" Tawag ko dun sa pusa.

Tingin ko mukha akong Ewan sa pinag gagawa ko. Pero wala akong pakielam.

Tumigil yung pusa sa harapan ng isang tao. Tapos binuhat niya yung pusa sumama naman ito sakanya.

'Tsk. Buti pa sakanya sumama ng walang pahirapan. Hayyyy.' Sabi ko sa sarili ko. Pag ka angat ko ng paningin ko. Siya pala.

"Gusto mo hawakan?"

Tumango ako bilang sagot..
Nung hahawakan ko na yung pusa, yung itsura nung pusa parang mangangalmot. Kaya inurong ko nalang ang mga kamay ko. Ang ginawa ko na lang ay..

"Meow meow.." tapos sinubukan ko uli ilapit yung kamay ko sa ulo niya.

Pero wala eh ayaw talaga sakin eh.
Mukha akong baliw pero ok lang. Siya lang naman nakatingin eh.

"Nathalia! Woy! Tara na malapit na start yung klase!" Sabi ni angel

"Opoo wait langgg"

Nagstart ako tumakbo medyo malayo yung posisyon ko sa posisyon ni angel. Habang natakbo ako may nag overtake sakin. Si jk! Aba! Kinakalaban niya ba ako? Hm! Binilisan kong tumakbo.. Pero syempre maliit bias ko kaya siya pa din unang nakarating. (Disadvantage ng maliit)

Buti pagkadating ko sa room wala pa si miss. Dumiretso na ako sa upuan ko pero absent si Julia ngayon. Uli. Pagkaupo ko, nilapitan ako ni mikaela.

"Nathalia may itatanong ako.. Totoo ba na naging kayo ni jk?" Tanong ni mikaela

"Po? Huh? Kami?"

Kami? Pano mangyayare yun kung walang naganap sinabihan ko siya ng oo kami na.

"Oo. Sabi. Naging kayo daw" sabi naman ni Mia

"Hala.. H-hindi po."

Naluluha ako. Pinigilan ko ng Hindi maiyak. Pero di ko kaya. Kaya pumunta ako sa C.R.

'Bakit ganun? Di ko alam na hahantong sa ganito.'

"Nathalia.." Sabi ni jade

Hindi muna ako umimik.

"Nathalia.. Ok ka lang?" Sabi naman ni aly.

"O-opo"

"Pakibukas to beh"-mikaela

Binuksan ko yung pinto

"Ano beh? Bakit ano ba nangyare?"

"Hindi naman yun totoo eh. Di ko po siya sinagot. Wala pong ganoong nangyare!"

"Ahh sige shhhh. Wag ka ng umiyak" sabi ni mikaela at niyakap ako.

Umiyak lang ako hanggang sa pinilit kong pigilan ang mga luha nag pupumilit na kumawala. May klase pa ako, bawal akong umabsent sa subjects. Baka maapektuhan yung grades ko kaya pumunta na kaming room.

Tahimik lang ako sa upuan. Di umiimik. Dumating si sir charles. Science time kasi namin.

"Today we are gonna discuss energy.."

Kahit nakikinig ako, hindi ko maiwasan sumagi sa isip ko yung nalaman ko. Kaya ang resulta. Naluluha ako. Hanggang sa umiyak ako ng tahimik.

"Nathalia? Bakit ang pula ng mata mo?"

"Wala po sore eyes po."

Di na lang ako pinansin ni sir. Siguro na sense niya na hindi dapat siya magtanong.  Natapos ang klase ni sir. Pero di pa din tapos lumuha yung mga mata ko.

Buong araw di ako umiimik. Kumakain naman ako. Ang sakit na ng mga mata ko kasi puro iyak ang ginawa ko. Nakakairita lang kasi. Hindi lang ayos, gagawa ng kwento. Para sumikat siya. Para mag mayabang. Benefit niya lahat eh. Ako? Wala! Kasi feeling ko nasira yung reputation ko.

Iyak. Yan lang naman laging ginagawa pag may nangyayari na di tama. Bwiset! Ang hina hina ko. Nakakabanas.

uwian na.

"Nathalia!"

"Hello."

"Nathalia, may group project tayong gagawin."

"Ahhh sige, kailan gagawin?"

"ngayon. Pwede ba?

"Sige. Saan?"

"Sa bahay namin."

"Sige."

Pumunta ako dun sa bahay ni julia. Pagkadating ko. Nandun yung iba kong kaklase na babae.

Umupo ako sa malapit na upuan sakin.

"Ito o. Inom muna kayo ng nestea" sabi nung nanay ni julia.

"Sige po" sabi ni jade

Nag start na kami gumawa ng project namin. Kada isang oras. Bibigyan kami ng pagkain nung nanay ni julia.

"Nathalia pakidikit ng to dun sa illustration board." -angel

Kinuha ko yung binigay sakin. Tapos ginawa ko yung pinagawa sakin.

~¤~¤~¤

Mag gagabi na. Buti onti na lang. Matatapos na namin. Madali lang naman yung ginagawa namin.

"Babye po. Salamat po." -kaming lahat sinabi dun sa nanay ni julia.

"Sige ingat kayo sa pag uwi" sabi nung nanay ni julia

Nag hiwalay na kami nina angel, mikaela,jade,mia,aly at abby dun sa eskinita.

"Babye ingat kayo!!" Sabi ko

"Sige babye!"

~☆~☆~☆

Naka uwi na ko. Dumiretso ako sa kwarto. Nagpalit ng damit at nag aral.

Dito ko na lang ibubuhos yung atensyon ko. Malapit na din naman exam.

Habang nag aaral ako bigla akong nakatulog. Mga madaling araw nagising ako. Naalala ko na naman. Umiyak ako ng tahimik kasi katabi ko si ate.

Pinilit kong matulog. At mabuti naman ay nakatulog ako.

Ilang araw naging ganun yung cycle ng buhay ko. Itutuon yung atensyon sa iba tapos pag na alala iiyak. Nakakasawa pero tingin ko kailangan ko gawin para maka move on? Siguro. Pero sana mangyare yun.

Di na kami nag uusap nung nangyare yun. Di kami nag papansinan. Pag kailangan lang. Pag may group work na kasali siya at ako. Inconvenient nga kasi ang awkward tapos lagi kaming umiiwas sa isa't isa pero ok na yun. Mawawala din to. Think positive!

Mabilis lumipas ang panahon grade 8 na kami.

~☆~☆~☆

Love is not the only one that matters in this world so don't be blinded by it.

Helloo pooo sorry po ang tagal ng update. Sana po di niyo ko iniwannnn. katulad ng pag iwan niya sakin charottt. Thank you po sa mga nagbabasa pa nito. ☆☆☆☆






MY FIRST CRUSH IN MY HIGHSCHOOL DAYS //Slow Update//Where stories live. Discover now