Monday na ngayon. Nung linggo, ganun pa din yung ginawa ko. Nag pangap at pag walang nakakakita naiyak ako.
"Ate shaina sabay kami ni julia pa puntang 1-C."
Dun kasi sa 1-C gaganapin yung foundation day namin o intramurals.
"Ano susuotin mo papunta dun?"
"P.E. pants saka black shirt"
"Sige. Hahanda ko na"
"Salamat ate ^__^"
Naligo na ko. Binilisan ko mga 4 minutes nga lang ata ako naligo eh hahaha. Lumabas na ko ng C.R. pagkalabas ko andun na si julia nakaupo sa may sala....
"----- wahhhhhhh" nagulat ako. Tuwalya lang kasi yung nakabalot sakin pagkalabas ng C.R. ang bili niyang dumating! 7:30 pa ang assembly sa school. 7:00 pa lang andito na siya!
Dali dali akong pumunta sa kwarto. Pero..
"Nathalia bilisan mo dyan! Naghihintay yung kaklase mo!!" Sigaw sakin ni mama
T^T kahit anong bilis ko ang bagal ko talagang mag bihis. Maarte kasi ako pag dating sa pagpili ng damit ko. Ayaw ko ng masikip. Ayaw kong nakikita yung korte ng katawan ko. Hahaha parang may korte eh hahaha
"ito na! Madali na lang ako!"
Pagkasabi ko nun. Nag lagay muna ako ng kung ano ano sa katawan ko. Nag sunscreen pa nga ako eh hahaha joke
Pagkatapos nun lumabas na ko ng kwarto at nakita ko si Julia na nasa sala nakaupo
"Ano? Ok ka na? Tara na!" Sabi niya sakin
"Yup tapos na ko." Pagkasabi ko nun nagbabye na ko karela ate Shaina
*daan*
Habang naglalakad kami ni Julia biglang umambon -.- ang swerte namin!
"Julia may dala kang payong? Hehe"
"Ahhh oo" tapos kinuha niya sa bag niga yung payong
"Ito oh.." Sabay abot sakin ng payong
Pagkakuha ko nun binuksan ko yung payong at syempre nag payong kami. Si Julia yung naghawak ng payong maliit kasi ako eh hahaha
Pagkadaan namin sa ministop nakita namin na huminto yung sinasakyan na motor ni jk sa mismong tapat namin. Pero kahit ganun di namin siya pinansin at naglakad na lang uli.
Yung kahit na Hindi namin siya pinansin umaasa pa din ako na makikipag ayos siya. Kaya lumingon ako sa likod ko ng pasikreto umaasa
na hahabulin niya kami at hihingi ng tawad. Pero sa dulo.. Wala parin umasa lang ako sa wala. Huminto pala siya dun kasi andun yung mga katropa niya. Aishhh sabi ko na eh. Ayaw ko na..Habang iniisip ko yan di ko namalayan na..
"Hala nathalia ok ka lang?"
"Huh?"
"Ayan o! May luha ka sa pisngi" sabi ni julia habang nakaturo sa pisngi ko
Hinawakan ko yung pisngi ko, nakaramdam ako ng basa. Katulad nga ng sinabi ni Julia. Luha nga, Naiyak nga ako..
Yumuko muna ako at inisip na. Kaya mo yan nathalia, may mga taong mas ma bigat pa ang problema nila kesa sayo kaya, kaya mo yan. Pinunasan ko ang luha ko at sinabi kay julia na
" hahahahaha ano ka ba julia? Ulan yan o! Dahil yan sa ambon hahaha. Tara na! Baka malate pa tayo!" Yaya ko kay julia na may ngiti na sa labi
"Ahhh sige sabi mo eh.." sabi ni julia
YOU ARE READING
MY FIRST CRUSH IN MY HIGHSCHOOL DAYS //Slow Update//
RandomHello! Annyeong haseyo! Konnichiwa minna! Please read my story! Thank you very much! Kamsahamnida! Arigatou!