Chapter 17:Decorations

272 18 0
                                    

Malapit na mag pasko, kakadating ko lang sa room. Pagkadating ko ganun na ganun pa din yung style ng room, may sari sariling grupo. Grupo ng lalaki at babae, laging magkahiwalay ang mga grupo ng babae sa lalake. Madalang nga lang kami magkaroon ng unity sa room. Mabait naman lahat ng kaklase kong lalaki maliban sa isa, si joel.Sumasagot kasi siya sa mga teacher hindi siya nagpapatalo, mayabang, madali mapikon, feeling gwapo kahit hindi naman. Nakakapagtaka kung bakit ko nagustuhan yun siguro nabulag lng ako sa mga pinapakita niyang kabaitan sakin kaya hindi ko agad nalaman totoong ugali niya.

~☆~☆~

Gumagawa kami ngayon ng design para sa labas ng classroom namin. Binigyan kami ni sir charles para gawin yun. Ang kasama ko ngayon ay sina julia,jade at Jk. Si julia ginupit niya yung colored paper na pa letter I tapos sunod ❤ pagkatapos U.Bale ang ginawa ni julia ay i heart you.

"Ang Galing!!!"sabi ni jade pagkakita niya sa gawa ni julia tapos ginaya niya din

Hinawakan ni jk yung isang ginawa nila jade at julia na I ❤ U. Biglang nag react si julia sabi niya..

"Kanino mo ibibigay yan?" Tanong ni julia kay Jk na may kasamang mahinang tawa.

Kinurot ko si julia sa hita niya pagkasabi niya nun.

"Aray!hahaha"sabi ni julia

Ayyy!bwiset! Buti na lng hindi siya pinansin ni jk. Oo nga pala naging mag ka close na kami ni jk simula nung mag bati kami. Masaya ako kasi nag ka bati na kami at naging close. Habang seryoso ako sa paggawa, nakikipagkwentuhan lang sila julia,jade at jk sa isa't isa. Himala! Nakagawa ako ng dahon na maganda! First
Time kong may magandang nagawa sa art kasi hindi talaga ako sa artistic.

Napag isip isip ko kung magiging ganito pa din ba lahat pagkalipas ng panahon parang feeling ko hindi na. May masisira na pinapahalagahan ko. Ayaw ko muna isipin yun at ayaw ko din maging totoo.

"Nathalia gawa ka pa nga ng ganito!"sabi sakin ni jade

Nag try ulit akong gumawa ng katulad na ganun na dahon pero hindi ko na kaya. Hayyyyy nagawa ko lang pala yun kasi sinuwerte ako. Nakita naman ni jade na parang hindi ko na kayang gawin yung dahon na nagawa ko kanina kaya hindi niya na ako pinagawa uli nun.

~☆~☆~

"Nasaan na ba si Sir charles?" Tanong ni mia

"Kung kailan kailangan doon mawawala. Hayyy kahit kailan talaga si sir charles." Sabi uli ni mia samin

"O,ayun pala si Sir charles nasa grade 8." Sabi ni iris samin.

Si sir charles laging na sa grade 8 yan para ngang ayun yung advisory class niya eh. Tapos halos lagi pag nasa room laging nakasimangot tapos pag iinitan kami ng ulo, mapapagalitan kami ng todo in short parang wala siyang pake saming grade 7 na advisory class niya. Pero pabayaan na nga lang buhay niya yun eh!

"Sir meron pa ba kayong extra glue stick? Kailangan pa po kasi namin para maidikit yung
Mga decorations natin sa harap ng room natin." Sabi ko kay sir charles

"Ewan ko."ang galing talaga o! Ang ayos ayos kong magtanong tapos ang sagot ewan! Hayyy buhay nga naman.

Bumalik ako kay mia para sabihin yun sabi ni sir na ewan daw.

"Hay ang galing talaga ng sir natin noh! Pabayaan na nga yun. Bili na lang tayo ng glue stick." Sabi ni mia

"Jade pengeng pambili ng glue stick sa class funds natin." Sabi ulit ni mia, si jade kasi yung treasurer namin dito kaya siya yung hinihingan namin ng pera pagdating sa mga gastusin sa room.

~☆~☆~

May lima na kaming glue stick sapat na yun para madikit namin lahat ng dekorasyon na dapat maidikit sa harap ng room namin. Maya-maya dumating bigla si sir charles buti naman tumulong samin.Malapit ng mag uwian...

"Uy john akin yan!"Sabi ni abby habang hinahabol si john

"Ehhh akin kaya to binigay na kaya to sakin nathalia. Di ba nathalia?" Sabi sakin ni john
Tumango na lang ako bilang sagot sa tanong ni john.

"Akin nga yan!"sabi naman ni abby.

Ang totoo kasi niyan ang pinag aawayan lang naman kasi nila ay panyo ko. Yung panyo ko kasing isa binigay ko na kay bunso(john) yung kay abby naman inarbor niya sakin yun tapos mag kaparehas pa na puting panyo yung pinag aawayan nila.

"Sakin kasi yan!"sabi ni abby

"Eh akin na'to hindi naman to kay nathalia eh iba yung amoy di naman ganito yung pabango niya!"sabi naman ni bunso

"Basta akin yan." Sabi uli ni abby

Natatawa ako sa kanila pffft. Akin naman kasi parehas yun nag iba lang talaga ako ng pabango. Hahahaha nako yung dalawa talaga yun oh.

"Hayyy bawal bang mag iba ng pabango?" Tanong ko ng malakas pero hindi pa din nagtigil yung dalawa sa bangayan. Sa dulo tumigil na din sila, binigay din ni bunso kay abby yung panyong inarbor niya sakin.

"nathalia sure kang iyo to ah!"sabi ni bunso

"Oo! Babye!"

Nasa hagdanan na ko ng biglang sinabihan ako ni jk ng babye. Lagi siyang ganun sinasabihan ako ng babye tuwing uwian na pero bigla na lang akong kinabahan. Di ko alam kung bakit siguro dahil alam ko sa sarili ko na may mangyayare. Wag ko na nga muna alalahanin yun.

~☆~☆~

Little effort of a guy can make a girl happy.
Helloooooooo!!!!! Sana po basahin niyo pa din po yung story ko hanggang sa dulo. Salamatttttttttt!!!!









MY FIRST CRUSH IN MY HIGHSCHOOL DAYS //Slow Update//Where stories live. Discover now