Grade 8 na kami hooray. Ilang buwan na ang nakalipas simula nung nangyari yun. Nakapag recognition na din kami. Sa bakasyon namin na yun. Lagi kaming nag chachat ni joel, unexpectedly. Start na ngayon ng pag pasok ko sa school bilang grade 8.
Syempre madaming nag bago ngayon. Hindi na ako masyadong mahiyain sa mga kaklase ko ngayon. Hehehe saka happy na uli ako?*Brent academy*
"Hello! So almost all of you must already know me? Hahaha"
Sabi ni miss rain. Siya kasi yung bagong adviser namin ngayong grade 8. May mga bago kaming mga kaklase. Si baygon at si joy. May dumagdag at may nabawasan, si julia lumipat na pati din si kinito at si jm.
Lumipat si julia dahil sa isang sikretong rason. Hindi ko sasabihin kasi sikret.
"Luh? Sino yan mga teh?" Tanong samin ni mia sabay hampas sa braso ni mikaela ng mahina.
"Di ko nga alam eh. Baka bagong teacher" tugon naman ni mikaela. Tapos nag tawanan kami.
"Hay nako. So we have 2 transferees. Can you introduce yourselves?"
Na una si baygon magpakilala. Pagkatapos niyang magpakilala, nag running man siya tapos kinanta niya yung my boo. Sumunod si joy. Nagpakilala siya pero parang bumulong siya kay napasabi kami ng 'ha?' Tapos nilakasan niya na. Siguro nahihiya pa siya samin kaya ganun boses niya.
"These are your new classmates. Baygon and joy. Its our turn now to introduce ourselves to them." Patungkol niya saming mga estudyante na nandito na nung grade 7 at sakanya.
Nagpakilala kami isa-isa. Tapos sumunod naman si miss rain siya yung pinakahuli. Dati uli gawi. Naglaro kami ng first three days namin sa school. Walang masyadong ginawa. Wala din nagturo ng mga teachers nun. Pakilala dito pakilala doon. Ganun lang.
~¤~¤~¤
4th day. Monday.
Nag iba schedule namin sa subjects. Dahil si miss rain yung adviser namin siya yung una naming makikita. Siya yung sa values education(G.M.R.C) namin at sa English."We're gonna start the lesson today."
"Wag muna miss laro muna tayo."
"Hay nako. Kasisimula palang ng pag pasok niyo ganyan na kayo."
Kaya wala na kaming nagawa kundi ang makinig sa lesson ni miss. Medyo awkward sa room para sakin. Kasi nasa iisang room lang kami. Di kami nagpapansinan. Kahit kailangan ay hindi. Umiiwas ako sakanya.
Dumating na ang recess. Yung iba bumaba para bumili ng makakain samantalang yung iba nanatili sa taas kasama na ako dun. Tinanong nila ako kung may bibilhin ako sabi wala. Kaya mandito ako sa taas.
Bigla akong humanga kay tadhana. Sadyang napakagaling niya. Dahil sa pagbaba ng mga kaklase ko, naiwan kaming dalawa ni jk. Walang imikan. Napapanis na mga laway.
Nung hindi ako makatagal. Bumaba na lang din sa canteen. Nandun sila nakaupo sa upuan at kumakain.
Pumunta ako dun sa pwesto nila.Ilang minuto bago namin na pag pasyahan na umakyat. Pag ka akyat namin..
"Hala sir! Andito ka na?" Tanong ni mikaela
"Hala oo ngaaa" sabi ni angel
"Ahhh wala wala pa ako dito."sarkastikong dagdag ni sir
Wala na kaming naisagot nun. Nasa labas lang kami ng room sa tapat ng pintuan.
"You may go inside but don't do that again. Come to my class on time. I will let you pass this time."
Nag si pasok na kami. Pero nung papasok na si angel pinigilan siya ni sir.
"Stop. Hahahaha. Jan ka lang muna. Bakit kayo nalate?"tanong ni sir sakanya. Mula sa table ng mga teacher papunta sa pintuan ng room. Tinakbo yun ni sir.
"Ah eh sir di po namin napansin oras hehehe" tugon ni angel sa tanong ni sir.
"Jan ka muna ng five minutes."
"Sirrrrr.."
"Hahahahaha joke langg. Sige pasok ka na"
Lakas ng toyo ng sir namin noh? Siya lang natutuwa sa kalokohan niya. Saktong pagkapasok ni angel ng room. Nag simula na siyang mag discuss.
"What is simba de gallo?"
May hawak si sir na arnis. Tapos nakaturo iyon at pinapapunta sa kanan at kaliwa. Kung baga namimili siya sa gusto niyang sumagot ng tanong niya. Tumapat yun kay mikaela.
"Sir english o tagalog?"
"English."
"Simba de gallo is also known as simbang gabi. It is celebrated by roman catholics. It is also believe that if you complete the 9 nights in the simba de gallo, Jesus Christ will grant you a wish. It is also like preparing for the birthday of Jesus Christ." Ani ni mikaela
"Yes. Everything that mikaela said is right. Simba de gallo o simbang gabi is the tradition that a roman catholic must attend~~~~"
*blah* *blah* Lumipas yung oras ng di namamalayan. Nag discuss yung mga teachers namin gaya ng hula ko.
Wala masyadong nangyari ngayong araw. Medyo lutang ako dahil wala man lang akong natutunan kung meron man hindi ko na maalala. Papauwi na ako ngayon sa bahay. Wala na akong kasabay ngayon. Nag seservice na din si julia kasi malayo yung nilipatan niyang school hindi pang walking distance. Nakakalungkot man kailangan ko ng sanayin.*bahay*
"Nandito na koo!!!" Sigaw ko
"O? Kamusta school mo ngayon?" Tanong sakin ni ate shaina
"Ayun po nakatayo pa din hahahaha de joke lang ate. Ok lang naman po." Sagot ko sa tanong niya.
"Walang nangyare? Kamusta si jk?"
"Ok lang." Tanging na isagot ko na lang sa tanong niya.
"Wala kayong masyadong ginawa sa school?"
"Meron. Halos nagdiscuss lahat ng teachers eh."
Pumasok na ko sa kwarto ko at nagbihis pagkatapos kong sagutin lahat ng tanong ni ate sakin. Ginawa ko muna ang mga dapat kong gawin bago ako humawak ng phone. Ang totoo niyan bawal ako mag cellphone tuwing may pasok ako. Pero dahil pasaway ako. Kinukuha ko ito kung saan ito nakatago hehehe. Binuksan ko yung wifi. Pinindot ko yung facebook ko. Hinihintay kung may mag papop na message. Di nga ako nagkamali meron. Si...
~☆~☆~☆
Wait patiently to achieve what you deserve.
Hellooooooo happy new yearrrrr! Bagong taon na! Magbabagong buhay na ko!! Ano new year's resolution niyo?
Halaaaa may nagbabasa pa ba ne'to?
Sorry po talaga antagal ko mag update peacee po tayoo♡♡ Babawi po ako. Pramissss.
YOU ARE READING
MY FIRST CRUSH IN MY HIGHSCHOOL DAYS //Slow Update//
RandomHello! Annyeong haseyo! Konnichiwa minna! Please read my story! Thank you very much! Kamsahamnida! Arigatou!