Chapter 20

36 2 1
                                    

CHAPTER 20


LIGHT'S POV


Waaaaa! Sa isang araw na yung Intramurals namiiiin!


Buti nalang madami na akong naayos at natapos na mga gagawin. Haaaayy... Halos wala akong tulog since nagsimula yung preparations para sa Intrams. Hawak ko na nga ang org, hawak ko pa yung year namin.


Mabuti nga at maasahan ko si Flynn. Napapayag ko din si Santillan at Sebastian na sumali sa Chess Tournament at Track and Field.


At hindi nafin ako masyadong kinakausap ni Sebastian simula nung nasabi nya sakin yung tungkol sa family nya. Although, hindi naman talaga kami nagkakausap, halata lang na sinusubukan nyang huwag makipag interact sakin.


At kapalit naman ng pagsali ni Santillan sa Chess Tournament, is pag approve kong sumali sa club nyang ewan.


"Artemis! Master! San ko ilalagay 'to?" tanong sa akin ni Fitoussi habang hawak nya yung paint para sa pagrerepaint ng lines ng mga court.


"Ibigay mo yan dun sa mga nakaassign sa gym. Unahin kamo nila yung volleyball court lines bago yung sa basketball ha?"


"Sige, babalik agad ako. Baka mamiss mo ako eh.." he winked at me.


"Ewan ko sayo!"


He just laugh then walked off.


"Tomboy! Okay naba 'to?" Sander asked then pinakita nya sa akin yung ginagawa nyang tela ng pagpipinturahan ng ma committee for each year.


"Nasaan yung iba?" kasi apat yun eh. 2 lang yung hawak nya.


"Kinuha ng Secretary mo. Ibibigay nya na daw sa 1st and 2nd year."


"Ahh. Buti naman." Buti naman kumikilos na sila. Hindi katulad nung mga nakaraang araw, tanong ng tanong, nasabi ko naman na sa kanila kung ano yung mga dapat nilang gawin. Saka lang nila ako tanungin pag hindi sila sigurado.


Ha! Buti nalang nanalo ako sa dare naming nung isang linggo. They have no choice but to obey me. Sila din naman ang nagpa-uso nun e. Si Santillan lang talaga ang nahihirapan akong pasunudin sakin. Ang tigas ng mukha ng lalaking yon. Ang sarap sapakin.


"Pwede na ba akong umuwi?" tanong ni Sander. "Tapos naman na yung sa tela eh."



"Mamaya ka na umuwi. Halika muna dito. Tulungan mo muna ako sa pagtahi nitong costume nung mascot natin sa parade."


"May parade pa?" tanong nya while he's wiping the chair.


"Yeah. Nirequest ng Principal nung nakaraan. I'm sure gusto lang nilang ipagyabang yung varsity players natin. Tsk. For business and publicity nadin kaya pumayag na ako. Tsss. Wala namang gwapong lalaki eh."

5 Problems, She's the SolutionWhere stories live. Discover now