LIGHT'S POV
Lunes nanaman! Madami nanamang gagawin..
"Liiiiiiight!!!"
"Miya?" Vice Governor ko sa third year.. "Bakit ka umiiyak?"
"Hindi ko na kaya!" niyakap nya ako..
Pinunasan ko yung luha nya..
"Anong nangyari?"
"Sabi kasi ni Ma'am Lindsey, puntahan ko daw itong mga estudyante nato." kumalas sya sa pagkakayakap sakin tapos binuklat nya yung hawak nyang folder.. "Sabi nya pilitin ko daw silang maging players. Yung isa, sa running daw. Yung isa naman sa chess.. Kaso.." nagsimula nanaman syang umiyak..
Kinuha ko sa kanya yung folder na hawak nya at binuklat yun..
"Ito ba yun?" pinakita ko sa kanya yung dalawang magkasunod na page.. Tumango lang sya.. "Tahan na." pinunasan ko ulit luha nya.. "Ano bang nangyari.."
"Kasi, nakita ko silang dalawa sa isang classroom. Magkaibigan yata sila e. Pagpasok ko sabi nung isa 'This is a sacred place permitted only for lucky people to enter'. Tapos pumasok padin ako, kinausap nya yung kasama nya, sabi nya.. 'Hey. She think she's lucky. Mukha nya palang tingin ko wala syang nasambot na kaswertehan.'"
ABA!
"Ako na bahala sa ugok nato. Umuwi kana." I pat her head..
"S-Salamat. Nasa room 3-E sila" tapos umalis na sya.
Pumunta naman agad ako sa room 3-E. Silang dalawa lang ang nandoon.
"This is a sacred place permitted only----" I cut him off..
"for lucky people to enter. If it isn't the most hated boy in campus.. I'm Light White."
Ang ugok. Nakaupo pa sa lamesa at yung isang paa nya nakapatong pa.
"Oooh. Nakakasilaw ka naman." nagsalita yung tahimik na lalaki na nagbabasa sa tabi nya. Yung boses nya plain. Constant yung tone.
"Hi. Im Shantei Santillan. Im perilous, depraved, spiteful, self-gratified, stark and merciless. In short, Im the most dangerous person on Earth. What business do you have with me.. Miss.. Yellow."
"Its White.," Kainis to ah!?
"Oh. My bad. Miss.. White." Halata namang sadya mo eh.
"I need you two to play for the upcoming Intramurals.."
"Play?" tanong nung isa..
"Yes. Ikaw, Santillan, sa chess. At sya, sa 800 meter dash."
"Eh ikaw?" tanong ni Santillan..
"Soccer."
"Eh? Talaga? May pambabaeng soccer na?"
"Nope. Ako lang ang babae.."
"Huh? Talaga? Kelan next game nyo? Gusto kong manood."
"Eh? T-Teka nga! Wag mo nga baguhin ang topic!!!"
Halata namang wala syang interest eh. Inuuto nya lang ako. Kaltukan ko kaya sya dyan.
"No. Ang sagot ko, No. Di ako maglalaro." he smiled mischievously..
Trade mark talaga yang ngiti nya nayan.. Naka salubong yung kilay nya pero nakangiti sya..
"Uh? Ako din." bored na sabi nung isa.
"Haaa? T-Teka.. " BWISIT! Kung hindi lang ako ang Governor, baka sinakal ko na itong dalawa nato.
"But!" napatingin ako kay Santillan."If you really want us to play that badly.. Then lets make a trade." Ayan nanaman yang ngiti nayan.
YOU ARE READING
5 Problems, She's the Solution
RomanceHow can you solve 5 problems with only one solution?