Chapter 11

110 6 4
                                    

LIGHT'S POV

Pinauwi ko na yung OASC Officers. Pero ang Vice President kong walang magawa, nakadikit padin sakin.. Pati itong batang Sander nito..

"Gabi na. Umuwi kana.. " I said to Sander when I pat his head..

Ang cute nya talaga. Mas matangkad ako sa kanya ng mga 2 inches.. Siguro.. Hehe..

"Ayoko! Ang boring dun sa bahay nyo. Walang video games.."

"Sorry naman kung di kami mayaman ha?" Loko 'tong batang ito.. Alam nya naman..

"Teka?" biglang nagsalita si Fitoussi..

"Ano yon? Ikaw din, umuwi ka na kaya.."

"Diba sabi mo kanina magkamag anak lang kayo? Bat nakatira kayo sa iisang bahay?"

"Masama ba yun?! May sinabi ba akong sa ibang bahay sya nakatira?!"

"Eh? Hindi naman. Nakakagulat lang.."

"Magtatransfer kasi sya dito sa school kaya----"

"Nakikitira muna ako sa bahay nila. Gets mo?" he said to Fitoussi..

"Opo.. Kuya.. " sarcastic na sabi sa kanya ni Fitoussi habang nakangiti..

"Ikaw? May Play Station ka?" tanong nya kay Fitoussi..

"Nako.Wag mo tangungin yan. Wala yang bahay.. " I said..

"Huh? Wala syang bahay..?"

I nodded..

"Wala kang bahay?" tanong nya kay Fitoussi..

"Meron naman. Kaso di ako pwede dun.."

"Huh?"

"Nevermind.. Pero may kilala akong may Play Station. Sa tabi lang nung bahay nyo. Kaibigan ko nakatira dun.. "

"Talaga?! Pwede bukas?"

"Sure. Puntahan nalang kita sa bahay nyo.."

Mukhang nagkakamabutihan na itong dalawang ito.

Pumunta na kami sa gym.. Maayos naman sila kahit wala si Flynn..

Lumapit ako kay Sir Burcell..

"Sir, ako na po dito.. Umuwi na po kayo.."

"Pauwi nadin kami eh.. Bukas walang practice."

"Ganun ba. Uhm.. Si Flynn po ba? Governor padin ba sya? Kase---"

"Oh? Si Hunter? Andun sya ngayon sa plaza. Kaninang umaga pa sya dun.. Dun nagpapractice kasi dun yung mga cheer dancers.. "

Huh?? A-Akala ko..

"Nagkaroon kasi ng problema e. May nagsumbong kagabi na nananakit daw yung nagtuturo sa mga cheerdancers natin.. Kaya pinuntahan ni Hunter kanina at pinalayas nya yung nagtuturo. Tapos tinawagan nya yung kaibigan nyang si Owen at Drew para magturo.. Mga Dancer yun diba? Tuwang tuwa nga yung mga cheerdancers e.."

Most of the cheerdancers are girls. Flynn did that?

Kaya ba sya nagsinungaling sakin kanina kasi he's embarassed?

"Sige na, Light. You can go home na.. Ako na dito.."

"Hanggang ngayon po ba nagpapractice padin yung mga cheerdancers sa plaza?"

"Oo bakit? Hanggang mamayang 6 pa sila dun.. "

"Pupunta nalang po ako dun.. Thanks, Sir.." tumalikod na ako at lumabas ng gym..

"Artemis.! San ka pupunta?"

"Uuwi na.." madadaanan kasi namin yung plaza pauwi..

"Teka? Akala ko itotour mo ako sa school nyo?!" pumunta si Sander sa harap ko..

5 Problems, She's the SolutionWhere stories live. Discover now