Chapter 3

113 5 3
                                    

LIGHT'S POV





Pssh. Ayaw na ayaw ko talaga sa mga Dark Angles nayun! Yayabang. Kala mo kung sinong mga hari ng mundo.




Gwapo? Tsss. San banda? Walang gwapong lalaki!




Kaya hindi ko talaga gets yung mga babaeng walang sawang kinililig pag nakikita yung mga anghel 'daw' sa kagwapuhan.




Hmph! Makauwi na nga lang!




*bahay*




"Nandito na ako!" sigaw ko pagpasok ko ng bahay.




"Yow! Dumaan ka ba sa gotohan dyan sa tabi?" tanong ni Ate Ferry, pinsan ko na mas matanda sa akin ng 10 years.




"Opo. Andun si Chyn." na isa ko pa ulit na pinsan. Pero mas bata sa akin ng 1 year. Ang pinaka bata ay yung kapatid ko na si Levii. 5 years old lang sya.




Puro babae kami dito sa bahay at magpipinsan lang kami. Walang senior dito kasi nasa probinsya silang lahat. Pati si nanay.



Ang pinakamatanda na nandito sa bahay ay si Ate Rias. Mas matanda sya ng 3 years kay Ate Ferry. Nagtatrabaho na sila. Si Ate Rias, manager sa accounting department ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nya. Si Ate Ferry naman professional interior designer.



"Hi Ate!" bati sa akin ni Chyn na kapapasok lang din ng bahay.



"Hello." I greeted back.



"Hoy! Ikaw! Panay ang tambay mo dyan sa gotohan ah?" saway sa kanya ni Ate Ferry. Kapatid nya kasi yang si Chyn.




"Hehe. Masarap kasi yung arroz caldo nila dyan---"



"Sus. May pinopormahan ka lang dyan eh." panunukso ni Ate Ferry. "Nakita ko may bagong gwapings na waiter dyan."

5 Problems, She's the SolutionWhere stories live. Discover now