Chapter 10

101 5 3
                                    

LIGHT'S POV



Pagtapos kong maligo, pumunta na ako sa study room para hindi ko maabala yung mga natutulog sa kwarto. 



Kelangan ko pa kasing mag isip ng twist sa intrams para maramdaman ng mga estudyante na kahit hindi man sila obligadong pumunta, mahahatak padin sila.




Hindi sapat ang flyers at posters.




"Hopeless."




"Ay! Letse ka!" nagulat ako kay Sander. Naka tayo sya sa likod ko at nakatingin sya sa ginagawa ko.



"You're a hopeless person."




"Shut your bad mouth, kid." I murmured. Wala na bang lalabas sa bibig ng batang ito kundi insulto?




"Nagfo-focus ka kasi sa serious games. Mag dagdag ka ng games na kahit yung mga hindi athlete, makakapaglaro. Pero hindi rin lame. Try Shoot-The-Balls."




Napatingin ako sa listahan ko ng laro. Wala ngang hindi seryosong game.




"Ano yun?" tanong ko sa kanya.




"Para syang basketball sa arcade. Ang pinagkaiba nya, 15 meters away from the line yung net na pag shoo-shoot-an ng bola. It can be composed of 20 members per year. Paramihan ng mashoot na bola. Yung bola, kasin laki ng bola ng tennis. Pero plastic sya. You decide the time limit." he explained. "Mapapagod lang sila ng konti pero di sila marurumihan."





He's right. 




"You have a point. And that's really a good idea. Pero wala kaming pagkukunang ng budget para sa napakaraming bola nayon."





"Then do a fund raising. At bakit di ka makipag usap sa head ng school nyo?"




"Tingin mo papayagan nila yon?"

5 Problems, She's the SolutionWhere stories live. Discover now