LIGHT'S POV
Hi there, I'm Artemis Light Fontanilla. I love soccer at hindi sa pag mamayabang. Ako lang ang babaeng nakapasok sa varsity. They were very hesitant about it at first. Pero dahil nakita naman nila yung potential ko for this, they let me in.
I used to be normal. It wasn't until that accident from my childhood that I realized that all boys are pathetic little creatures who thinks women can't live without them.
"Light."
Distracted, I turned towards the girl who called my name.
"Ano yun?" tanong ko kay Julie.
"Dadaan ka sa faculty diba? Pasuyo naman ako. Pakibigay itong files nato kay Ma'am Lindsey."
"Sure." Kinuha ko sa kanya yung mga buhat nyang folders.
"Salamat ah? Bait mo talaga." Edi kung di ko pala to tinanggap hindi ako mabait?
"Liiiiiiiiiigggghhhhttt!!"
"Amanda! Bawal tumakbo sa hallwaaaay!" I shouted. Ito naman kasing si Amanda, kung makatakbo naman. Ang bigat ng paa.
"Light! May practice kayo ng soccer diba? Pakibigay naman ito sa kuya ko. Si Stanley." inabot nya sa akin ang isang bag. "Pinapamadali kasi ako umuwi ni mama, aalis sya tapos ako yung pinapabantay nya ng bahay."
"Osige. Umuwi kana. Mag iingat ka. At wag tumakbo sa hallway. Dun ka sa labas dumaan para pwede." I smiled.
"Salamat talaga, Light! Liwanag ka talaga. Kung lalaki ka lang baka inlove nako sayo. Ang liit liit mo pero ang tapang tapang mo." tinawanan nya muna ako bago ako umalis.
Maging lalaki? I wouldn't even dream of it. No thank you. Surely, I'd hate myself.
Inabot ko na kay Ma'am Lindsey yung files na pinapabigay ni Julie then pumunta na ako sa soccer field. Andun na yung iba pero hindi pa kumpleto.
"Stanley." tawag ko sa lalaking nakaupo dun sa bleachers.
"Oh?" tanong nya. Medyo mukhang nagtataka sya. Wala akong masyadong kinakausap sa mga members ng soccer team. Mostly, yung manager lang namin ang kakwentuhan at kausap ko since sya lang naman yung babae.
YOU ARE READING
5 Problems, She's the Solution
RomanceHow can you solve 5 problems with only one solution?