HUNTER'S POV
I despise you the most..
I despise you the most..
Kaya ayoko sa mga lalaki..
Ginulo ko buhok ko. Bat ko ba iniisip ang babaeng yon?!
"Hunter! Focus!"
Napatingin ako kay Coach. Mukhang galit padin sya dahil sa nangyari kahapon.
"Opo." napatingin naman ako kay Light. Di nya ako pinapansin. Malamang, galit sya.
I despise you the most..
Tch. I've heard the worst. And I've experience the worst.
8 o'clock na nung natapos kami magpractice. At dahil galit padin samin si Coach, kami ang inutusan nyang magbalik ng mga bola sa stock room.
Pagtapos naming ibalik yung mga bola bumalik na kami sa soccer room para kunin yung mga bag namin.
Meow. Meow.
Napalingon kami sa pinanggagalingan nung tunog.
Pinuntahan nya naman agad yung likod ng isang box.
"Huh?" - sya
Lumapit ako.
"Hello." she said to the kittens as she crouched down.
"Kawawa naman to. Sino kayang nag iwan ng mga ito dito." may dinukot sya sa bulsa nya. Fresh milk.
Binuksan nya yun saka pinainom sa dalawang kuting.
"Drink up." she whispered.
YOU ARE READING
5 Problems, She's the Solution
RomanceHow can you solve 5 problems with only one solution?