Chapter 22

52 1 0
                                    




                 

Chapter 22

LIGHT'S POV

Mabuti naman at umalis sya nung tinaboy ko sya. Nakakairita pagmumukha nya.

Babaerong yon.. Leche sya! Sabi ko na nga ba inuuto nya lang ako e.

"Hmm.. Malay mo naman nagpapanggap lang yon noh."

"Ha?! Anong sinasabi mo dyan? Pagpapanggap ba yon?"

"Yeah? In short, parehas lang kayong tumatakbo. Ayy ewan ko sa ko ba sa inyong dalawa. Kung pwede ko lang kayong patayin, ginawa ko na. Nakakainis kayo parehas ha! Ikaw umiiwas ka, yung isa naman nagpapanggap na maging babaero para lang pagtakpan nya yung totoo nyang nararamdaman."

"Paano mo naman nasigurado na yun nga yon? Tsaka kilala mo naman yung lalaking yon. Halos lahat yata ng sikat na bitch dito sa campus eh naging girlfriend nya."

"Duh! Obviously, wala naman syang sineryoso sa kanila e. Parang hindi mo naman kilala yung taong yon, hindi marunong humindi yon. Punong puno ng awa sa mga babae yung lalaking yon e. Diba? Wala pa syang hinihindian na babae na umamin sa kanya at niyaya syang maging boyfriend nila."

"Excuse nya lang yon! Babaero talaga sya. Aaminin ko, yes, mabait sya pero ibang usapan na ang pagiging playboy nya! Lagi nalang syang may bagong girlfriend tapos ngayon, balak nya pang isama ako sa collection nya!? Well, excuse me! No way! NO WAY!"

"Hay nako, Light. Bahala ka na kung anong gusto mong paniwalaan. Hindi ko na mababago ang isip mo kung ayaw mo talaga. Lalabas din naman ang totoo, eventually. Hindi mo ko naging kaibigan para lang may tawagin kang 'bestfriend', kundi para tulungan kang matauhan dyan sa mga paniniwala mong bulok."

"Hindi bulok ang mga paniniwala ko ah! Siguro yung iba, oo. Pero hindi lahat! Wag mo lahatin!"

Natawa naman sya for some reason.

"Bahala na. Wala na akong pakialam sa kanya. Bahala sya kung gusto nya akong pakitunguhan katulad ng dati. I'll just pretend nothing happened..."

"Ayan ka nanaman. Running away.."

"Eh anong gusto mong gawin ko ?He's running away too, ako pa ba ang hahabol?"

"Ewan ko sa inyo! Pinapahirapan nyo mga sarili nyo. Kapag ako nainis ako na mismo kakausap dyan sa Saito nayan."

"Ha?! Wag na noh! Hayaan mo sya. Ang swerte nya naman ata para ikaw pa ang lumapit sa kanya."

"Basta! Ako na ang bahala! Naiirita ako sa inyo. You're my friend and I'm willing to help you. Para naman mabawasan yang sakit ng ulo mo. Kawawa ka naman. Baka mamatay ka na bukas." She smiled at me. "Joke lang."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Machi. Kahit naman paganyan-ganyan yang bestfriend ko nayan. Andyan naman yan lagi para sa akin. Kahit kelan di nya ako iniwan.

"Ako na bahala ha?"

"Y-Yeah... Thanks..."

SAITO'S POV

"Bitawan mo nga ako!" tinulak nya ako.

"Artemis..?"

"Ewan ko sayo! Babaero!" sigaw nya sa akin. Napatingin naman ako kay Machi na ang sama din ng tingin sa akin.

"Sige, dito nako. Off to hunt a ladybug. " I smiled at them then tumakbo na ako paalis.

Huminto ako sa pagtakbo nung nakalampas nako sa labas ng gate. Sinuntok ko agad yung pader ng school namin.

"Brad." Biglang may humawak sa balikat ko.

"Hunter.."

"Okay ka lang?" tanong nya naman sa akin. "Ano bang nangyayari sayo? Kanina pa kita hinahanap. Tinawagan moko tapos hindi ka naman nagpapakita.. What's wrong dude?"

5 Problems, She's the SolutionWhere stories live. Discover now