Mr. Tzu : Huh?!?
Naalarma sa nadinig na sigaw ni Zoren
Zoren : { " Nakup! " }
Mr. Tzu : Gandong!! Gandong!!
Gandong : Ano po yun Mr. Tzu!!
Mr. Tzu : Magpatawag ka ng Security may nagmamatyag sa Bintana, Madali ka!!
Gandong : Huh?! O-Opo! Security! Security! Kailangan ng Back-up dito. Someone's Breach Mr. Tzu's Room
Zoren : { " Nalintikan na! " }
Mabilis tumalilis si Zoren para umalis sa Bintana ng Country Hall. Dahan-dahan itong nagpadausdos sa Baba habang nakasuot pa rin ito na pambabae
Zoren : Kahh.. Kahhh.. Kaahh.. Paano na ngayon 'to!
Sinubukang kontakin ni Zoren sina Wisha at William pero wala pa ring sumasagot sa tawag niya. Marahil ay abala pa rin silang nakikipaglaban sa mga Peasants. Nakita na ni Zoren ang lagusan mula sa kinalalagyan niya makitid na eskinita.
Zoren : Ano ba?!? Bakit walang sumasagot sa inyo!?!
Kaunting takbo na lang at makakalabas na si Zoren sa Eskinitang pinaglagyan niya nang muntik siyang mahuli ni Mr. Tzu nang..
Zoren : Gyaaaah!?!?
Gandong : 'SAN KA PUPUNTAAA!?!?!
" TUFF!! "
Zoren : Iighh!! Ugghh..
Madiing niyakap si Zoren ng Bodyguard na si Gandong na tila ahas kung makalingkis
Gandong : Graaaahh!!
Zoren : ( " Iigghh!! Masyadong mahigpit ang pagkakapit ng ungas na 'to ah! Huh!?! " )
Mukhang hindi talaga makakawala si Zoren kay Gandong. Sa brusko ba naman ng katawan nito at laking tao ay imposibleng makawala talaga siya dito.
Zoren : { " Anak ng Timawa!! Pati rin ito gumagamit ng Hyperiant?!!?! " }
Gandong : Grraaahh!!
Zoren : Iigghhh!!!
Hindi magamit ni Zoren ang kanyang Hammer of the Gods dahil sa higpit ng pagkakalingkis ni Gandong at 'di nagtagal ay binuhat ito pabalik ng Country Hall at itinapat kay Mr. Tzu
" BAGGGG!!! "
Zoren : Uuggh!!
Gandong : Mr. Tzu, ito na po ang nasa tao sa Bintana!
Zoren : Haahhhh.. Kaahhh!! Kahhh..
Mr. Tzu : Sige! Iwan nyo na kami!!
Zoren : Uhuu!! Uhuu!! (Cough) ( " Parang 'di ako bubuhayin ng Bakulaw na yun ah! Pambihira! Sumikip dibdib ko dun! " )
Lumapit si Mr. Castral Tzu kay Zoren na nakasalampak ang katawan sa kulay pulang Carpet at basang-basa ang buong katawan. Itinango ang Baba ni Zoren at..
Zoren : ( " Mas nakakatakot ang itsura niya sa malapitan. " )
Mr. Tzu : Napakaganda mo..
Zoren : ( " Ano..anong sinabi niya?!??? " )
Nakalimutan ni Zoren na nakasuot pambabae pa rin pala siya at nakasuot pa sa kanya ang Wig. Sinuguro talaga ni Wisha na hindi mabubulilyaso ang kanilang Mission para sa Tialoc.
Mr. Tzu : Anong pangalan mo iha?
Zoren : ( " Nakumbinsi ni Wisha ang manyakis na 'to na Babae ako. Sakyan ko na lang ang katukmulan ng isang 'to " )
BINABASA MO ANG
CHILDREN OF SETHRO : SEASON 2 (Complete)
FantasyChildren of Sethro is a Science Fiction Fantasy novel set in a Academy called Sethro Where all Students has a Unique and Gifted Special Powers. The Academy is also build to fight Emperor Tregg's Domination in half of Gaia and maybe soon the whole Pl...