Nag-iwan ng napakalaking butas na halos kasing laki ng isang Plato ang iniwang Bullet Holes ng Pulsar Shotgun ni Terror Hawk. Nailagan ito ng Santo Papa pero hindi nakaligtas ang kanyang Abito na tinamaan ng mga Balang kumalat.
Pope Emerithus I : ( " Lasog-lasog siguro ang katawan ko kung sakaling tinamaan ako ng mga Bala. Mahusay ang Binatilyong ito sa pakikipaglaban " )
Hawk : Surprise? Hehehe.. Galing-galingan mo pa pag-iwas. Mas bibilisan ko pa.
" K-TSAAKKK! "
Muling kinasa ni Terror Hawk ang kanyang Pulsar Shotgun.
Hawk : Alam mo ba... Meron akong 664 Koleksyon ng mga iba't ibang klase ng Baril. Simula Secondary hanggang sa mga Primary Weapons. Name it I'll have it. Pero ang tanging Wala pa akong Baril ay ang Year Beast Edition na Primary at Secondary. Kaso, sabi nang iba maalamat daw ang ganung klase ng Baril.
Pope Emerithus I : Ano naman ang pakialam ko sa mga koleksyon mo?..
Hawk : Bakit hindi? Isa ka rin namang Involved sa Gun Smuggling sa lugar na ito tama ba 'ko?
Pope Emerithus I: ...
Hawk : Tatanung ko lang kung alam mo ang tungkol sa Maalamat na Black Dragon Pistol? Yun! Isa yung kasama sa Year Beast Edition. Hehehe
Pope Emerithus I : Naririnig ko siya, pero gaya ng sinabi mo isa lang yung Alamat.
Hawk : Isang nagngangalang Castral Tzu ang pinapapatay sa akin, Pero dahil sa ginawa mo sa kaibigan ko, isasama na kita sa Listahan at dahil nalaman ko na may Alam ka rin sa Year Beast Edition ikaw na lang ang gagawin kong Original Target.
" GRRGSSHH! "
Pinaputukan ni Terror Hawk ang Baston ni Pope Emerithus at nawasak ito sabay cast ng isang uri ng Blue Magic
Hawk : TARGET LOCK!
Maya-maya pa ay nagkaroon ng Target Spots sa Noo, Mga Braso , Mga Binti at Dibdib ang katawan at Abito ng Santo Papa.
Pope Emerithus I : ???
Hawk : ( " 3 minutes Remaining.. " ) Saan matatagpuan ang Black Dragon? Sagoott!!
Pope Emerithus I : Hindi ko alam ang---
" BSSSHHGG!! "
Pope Emerithus I : AAAAAAAARRGGHH!!
Pinatamaan nito ang kanyang Braso kahit na hindi ito direktang pinutok ni Hawk sa Kaliwang Braso at lumaylay na lang ito dahil direktang tinamaan ang Joint nito.
Pope Emerithus I : ( " Kahit hindi direktang pinutok ang Baril sa braso ko tinamaan pa rin ako kahit nakaiwas ako " ) HARRGGHHH! HARRGGHH! HAARRGHH!!
Hawk : Anim na buwan ang nakakalipas ng may makakita sa'yo sa Metal Region Krank na may mga kinakausap na Underground Merchants at tinatanong mo ang tungkol sa Year Beast Edition, Anong gagawin mo 'don!?!
Pope Emerithus I : Hindi ko alam ang sinasabi mo at hindi ko rin sasabihin kung anoman ang gagawin ko kung sakaling mapasakam---
" BSSSHHGG!! "
Pope Emerithus I : AAAAAAAARRGGHH!!
Tuluyan ng tinanggal sa pagkakalaylay ang Kaliwang Braso ng Santo Papa.
Hawk : Tigas ng ulo mo rin eh noh?
Samantala, Nagising muli ang Dambuhalang Knight na si Harbel.
BINABASA MO ANG
CHILDREN OF SETHRO : SEASON 2 (Complete)
FantasyChildren of Sethro is a Science Fiction Fantasy novel set in a Academy called Sethro Where all Students has a Unique and Gifted Special Powers. The Academy is also build to fight Emperor Tregg's Domination in half of Gaia and maybe soon the whole Pl...