"Uwwwraaaaaaaaaaaaaaaaawr"
Agad akong napatigil nang marinig ko ang ungol mula sa aking upos na likuran. Hala! Nagsigawan na sila.
Kahit sa tingin ko ay puro kulangot at dumi na ang upos kong... pilit ko pa ring nilanghap ang maduming hangin. Ngunit isang singhot ko pa lang, ayaw ko na. Ang dumi na talaga. Madadagdagan na naman mga uhog ko niyan! Kadiri.
Isang buwan na simula noong naglabasan ang mga zombie... Kung bakit? Malamang hindi ko alam. Pero wala naman na akong pakialam. Eh sa wala na rin naman akong magagawa. Isang buwan na nga ang nakalipas... Ibig sabihin, monthsary na namin ni Baby ko!! Ayieeeee.
Oh ha! Eternal love story ito. Kabilang kami sa mga mabubuti ngunit malas na nilalang na naging zombie. Upos, naaagnas, zombie na kami pareho ng Baby ko. At isang epekto ng pagiging zombie... gusto namin laging kumain ng tao... lalo na ang brains! Lahat ng parte ng utak ng tao masarap! Kahit 'yung mga mukhang walang laman ang utak, masarap pa rin. Nakaaadik!
Pero unti-unting nawawala memory namin.. di ko na nga alam pangalan ko eh. Di ko rin alam kung saan ako nakatira. O kung ano ba ang pinagkakaabalahan ko sa buhay bago mangyari ang lahat ng mga ito. Sobrang nakalimutan ko na ang mga iyon. Pero may katiting din naman akong naaalala.
Basta ang alam ko lang, responsableng boyfie ako. Patunay nito ay ang di ko paglimot sa Baby ko. Aba! Naaalala ko yata na monthsary namin ngayon.
Eh... uh... di ko nga lang alam ang date ngayon. Basta... 'yun na 'yun! Monthsary namin...
Kasi in-add ko.... 30 days na.. oo.. 4+7+10... ay letche! Nalimutan ko na 'yun math...
Basta mahirap magbilang kapag 3 na lang ang daliri mo sa kanan at 2 na lang sa kaliwang kamay.
Tas yung toes ko... 7 nalang ata.
Ay bwisit 'yan! Wala akong maalala. Buti pa sisinghot na lang ulit ako ng hangin. Kinalikot ko ang kaliwang butas ng upos kong ilong gamit ang upos kong daliri. Sobrang barado, kadiri talaga. Nang masiguro kong walang sipon, suminghot ako nang malalim at kung sinuswerte ka nga naman....
Nakalanghap na ako... NG TAO! Isang buhay na buhay na nilalang! Salamat naman at may hapunan na ulit kami! Ang bango ng kanyang utak! Sana lang ay gamitin niya ito para mag-isip. Ay 'wag na pala! Kakainin ko na lang.
"Tuh-rah nnnna bbe-bi kow" [Tara na Baby ko]
Dahil maging ang aming vocal cords ay upos, ngongo kong tinawag ang baby ko. Bibigyan ko siya ng monthsary gift ngayon. Tiyak matutuwa siya.
Agad namang lumingon ang baby ko. Naramdaman kong tumigil ang mundo. Sobrang ganda ng baby ko, kahit zombie siya. Nakakakilig. Naiihi tuloy ako. Tinitigan ko ang kanyang upos na mukha. May ilong pa naman siya kahit kaunti. May mata, may labi, may isang tainga, may buhaghag na buhok. Ang ganda!
Mas lalong nakaaaakit at ang tuyong dugo sa kanyang labi... gutom na siguro 'to. Alam ko na.. magde-date nalang kami. Oo tama! Bubusugin ko siya!
Pinunasan ko yung gilid ng labi niya... last week na hapunan pa ata namin yun.
Nginitian niya naman ako. Ang ganda talaga! wala ng ngipin sa harap.
Uugod-ugod akong lumapit sa kanya. Mga 5 minutes bago ako nakaakbay sa kanya nang...
Tsuk!
Oops... ayan pareho na sila. Dalawa na lang din ang daliri ko sa kanan... Masyado akong naexcite umakbay, naputol tuloy ang marupok kong daliri. Sana lang hindi mahalata ng baby ko na 'yung daliring iyon ay ginamit kong pang-kulangot kanina. Ayokong ma-turn off siya.
BINABASA MO ANG
My Zombie Love 1 : She Said Yes to My Brains (One Shot)
Fiksi RemajaAng "My Zombie Love" po ay isang series of one shots:) Ito ay tumatalakay sa mga taong nahuli ng mga 5 seconds. Mga taong dapat ay masaya na kaya lang naunahan ng mga zombies. Pre-apocalyptic stories ng mga taong pinanganak na malas! Read and have f...