AATH (9)

330 8 5
                                    

"Coincidence; that's all anything ever really ever is.- 500 Days of Summer"

**

Kevin's POV

"Isang kaibigan lang ang kailangan ko Vera, isang kaibigan lang." yan ang sinabi ko sa kanya.

"Isang kaibigan lang ba? So, Kevin Sy? Ang lalaking suplado. Ang lalaking sinagip ako sa isang psychopathic freak. Ang lalaking muntik akong patayin dahil sa motorsiklo nya. Kevin Sy, let's be friends?"

Pero nagulat ako sa sinagot nya! Kahit kailan wala pang naglakas loob sagutin ako ng ganyan. Wala pang nag lakas loob tanungin ako kung okay lang makipag kaibigan. Pero yung last na sinabi nya, 'let's be friends.'

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Naaalala ko sya. Si Selina. Pero imposible! Patay na si Selina eh. Wala na sya. Coincidence lang yun, it was just a coincidence. Nothing more.

"Hey Kebs? So ano na? Friends?"

Aish! Wala akong magawa punyeeeeta kasi naman, gusto ko talaga syang maging kaibigan. Gustong gusto. Alam nyo kung bakit? Naalala ko sa kanya si Selina. Pwede naman diba? Pwede ko naman syang maging kaibigan?

Selina, hindi ka naman magagalit diba?

"Okay friends." then ayun, nginitian ko sya.

"Yayyyyyyyyyy ^______^"

Ang kilos nya, ang ngiti nya. Pati ang boses nya. Si Selina ang naalala ko. Impossible namang mabuhay muli ang patay diba?

"So? San na tayo Kebs?"

"Uhm, ihahatid na kita sa inyo."

"Wag na. Ayoko. Ako nalang uuwing mag-isa. Bye Kebs! Bye friend!" and then, umalis na sya.

Hindi talaga ako matahimik. Kaya nakapag desisyon akong sundan sya.

Habang naglalakad kami. Kumakanta sya, ang favorite song ni Selina. Nakaka bother na ito! =___________=

After All The Heartaches [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon