"Every person has their own story to tell."
**
"I'll tell you about my childhood. My first rejection :)" Yeah, you heard it right. Ioopen up ko kay Kevin ang childhood ko.
"Go on. Tell me." And then I started talking ...
(italicized texts are FLASHBACKS)
"I remember nung six years old pa ako, everything was fine for me. I had good friends, my mama and papa are in good terms and I was well-educated. Kumbaga, pinalaki talaga nila ako ng maayos. Until na realize ko na I am not living a normal life, kasi may kapatid ako sa labas."
"Anthony! Sagutin mo nga ako! Sino yung babaeng yun haaa?! Anong sinasabi nya na may anak ka daw sa kanya!? Anong sinasabi nya ha?! Niloloko mo lang ba ako?!" dinig na dinig ko sina mama at papa na nagtatalo.
"Hindi kita niloloko Celyn! Kailanman hindi ko ginustong masaktan kayo ni Selina! Pero wala eh! Nagbunga pala yung nagawa ko."
"Walang hiya ka! Gago ka!! Sa tingin mo ganun ganun na lang 'yon? Pwes, kelangan mong mamili, ako o yang kirida mo?"
"Patawarin mo ako Celyn. Syempre, kayo ang pipiliin ko pero sana naman hayaan mo akong panagutan ang bata. Anak ko pa rin sya. Kapatid sya ni Selina."
"That time, hindi ko alam ang irereact ko. Six years old pa lang ako nun pero hanggang ngayon tumatak pa rin sa isipan ko yung pag-aaway nila sa harapan ko mismo."
"Osige! Kung yan ang gusto mo! Panagutan mo ang bata. Padalhan mo ng pera, kung maaari padalhan mo taon-taon! Pero sa oras na malaman ko na nakikipag kita ka doon sa kirida mo, nako! Wag mo nalang asahan na may asawa't anak ka pang babalikan dito sa pamamahay na ito."
"Pagkatapos nung pag-aaway nila, wala namang nasunod. Maliban nalang sa pagpapakilala saken ni papa sa kapatid ko sa labas na si Jamilla." sabi ko kay Kevin na patuloy pa rin sa pakikinig.
"Anak, sya ang kapatid mo si Jamilla. Jami, this is your ate Selina."
"No!! I don't have a sister! Papa akala ko joke lang 'to?! Totoo pa lang may anak ka sa labas?"
![](https://img.wattpad.com/cover/5534327-288-k217692.jpg)
BINABASA MO ANG
After All The Heartaches [Ongoing]
Teen FictionAno ang mangyayari kapag natutong magmahal muli ang dalawang taong labis na nasaktan? Kaya pa ba nilang magtiwala at magmahal muli? Paano? *Inspired by the Korean drama, Missing You♥