AATH (16)

261 10 3
                                    

"Love means never having to say you're sorry." - Love Story, a 1970 film. 

**

Eto ako ngayon.

Nakatitig sa kawalan.

Giniginaw.

Nababasa ng ulan.

"Lord bakit ang sakit sakit!?" Para akong tanga dito.

Sumisigaw nang sumisigaw.

Nakatingin sa langit.

Hanggang sa naramdaman kong hindi na ako pinapatakan ng ulan. Pagtingin ko sa taas, nagulat ako nung nakita ko sya.

"Carl? Anong ginagawa mo dito?"

"Ako? Dapat ikaw ang tanungin ko nyan Vera. Bakit ka nagpapaulan ng ganitong oras?"

Wow. Concerned sya? Kelan pa?

"Ano naman sa'yo? Kelan ka pa naging concerned saken Carl?"

"Concerned naman talaga ako sa'yo Ver. Matagal na."

Nagsimula na kaming maglakad ni Carl. Giniginaw na ako. Isa pa, ang awkward ng sitwasyon ngayon. Kasama ko ang ex boyfriend ko. Kasama ko ang first love ko. At dahil din dito, napatunayan kong- Naka move on na talaga ako.

"Carl? Bakit mo alam na nandito ako?"

"Nakita kita kanina. May kasama kang lalaki. Sinundan kita, nagdala ako ng payong. Alam mo bakit?"

"Bakit?"

"Haha. Hay nako Vera! Hindi ka parin nagbabago. Kahit na two months lang naging tayo, magkaibigan pa rin tayo noh. Alam ko na basta pupunta ka malapit sa park, umiiyak ka. At kapag umiiyak ka, umuulan."

Nagulat ako. Kilala talaga ako ni Carl. Alam nya kasi ang nangyari sa park. Ang park kung saan nakilala ko si Eric. Ang park kung saan kami huling nagkita ng bespren ko.

Napaiyak na naman ako.

Kahit na sinaktan ako ni Carl, hindi ko maipagkakailang sya ang taong hinding hindi ko magawang makalimutan.

"Tahan na Vera, wag ka ng umiyak. Alam mo namang nakakasama yan sa puso mo diba?"

After All The Heartaches [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon