Prologue

382 17 15
                                    

Madaming beses na ko nabigo.

Maraming beses na din ako naloko.

Madami nang nangyari sa buhay ko

Madami na din ako sinakripisyo,

Pero syempre hindi ang pagkababae ko! XD

"Hindi na ko magpapaloko", yan ang sabi ko. Pero,

Kahit ano sabihin ko, kusa pa din dumadating yung panahong nagiging tanga ako.

Ito yung istorya na masasabi kong "Andun na e. Yun na yun e."

************************************************

Matagal-tagal na din simula nung maghiwalay kami. Mga, mag-iisang taon na din. Ayoko na sanang balikan yun, dahil medyo masakit pa din sa'kin. 

Masakit kasi siya yung bumitaw. Pero, alam mo kung ano mas masakit? Hiniwalayan niya ako kasi nahuli ko siya na nakikipaglaro lang pala sa'kin. Oo, niloko niya ko. Ang sakit di ba? Nanatili akong faithful, pero, nalaman kong habang nagpapalitan kami ng matatamis na salita, may nililigawan siyang iba.

Ako naman tong tanga, dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, binalikan ko pa siya. Pero, wala pa din nangyari, nauwi pa din sa hiwalayan. Akala ko, okay PA, sa kanya pala hindi NA.

So, ayun na nga, ayoko na balikan pa yun (pero binalikan ko pa din XD). Baka umiyak na naman ako, nakakapagod na.

Nangako akong hindi na ko papasok sa isang relasyon hanggat hindi pa ko sigurado sa nararamdaman ko.

Lumipas ang panahon, napabayaan ko din ang sarili ko.

Pero, hindi ako pumayat dahil napabayaan ko sarili ko. Kabaliktaran, tumaba ako ng kaunti. Haha napabayaan ko ang sarili ko na wala akong pakialam kung gaano kadami ang kainin ko. Wala ako pakialam kung sabihan akong mataba. Eh ano naman? At least nakain ko kung ano gusto ko. Eh kayo? Ang payat niyo nga, hindi naman kayo masaya! >:) Jokkee! HAHA. Naisip ko din kasi, wala namang dahilan para magpaganda pa ko. 

Nag-iba man ako physically, pero ito pa din ako. Araw-araw na tinatanggap ang pagkatalo ko. 

Teka..

Teka..

Teka..

Mukha na bang pang-ending ang mga sinasabi ko? Hahaha! 

Sabi nga nila, minsan akala mo, katapusan na ng lahat. Pero ang totoo, doon pa lang nagsisimula. Kaya, ito. Sisimulan ko sa inakala kong "ending". Wait, let me change it..

Sisimulan ko sa inakala ko noong "happy ending"…

_______________________

AN:  Ito po yung bago kong story. Kung may mabuting loob dyan na magrerecommend sakin kung saan maganda gumawa ng mga book cover, please let me know. Haha wala kasi talaga ako idea. Salamat! Kindly leave comments.

Hey pahtnah. Dinedicate ko sayo. :)

Almost Lover (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon